September 12, 1992
Dear Ferdinand,
Alam kong malungkot ka pa at kasalukuyang nangungulila sa pagkawala ni Tito Alecxis. Hindi ko din naman gusto ang nangyari. Alam kong kahit gaano mo kinasuklaman ang Papa mo noon, alam ko pa ring kahit anong gawin natin, siya pa rin ang papa mo. Marami sa amin ang nagulat ang nalungkot para sayo sa pagkawala ng papa mo, Ferdinand. Actually, kinausap pa nga ako ni Tatay tungkol diyan.
Sabi niya, "Sabihin mo kay Ferdinand, nakikiramay kami sa pagkawala ng papa niya. Nawa'y makahanap ang kanyang pamilya at si Ferdinand mismo ng hustisya sa pagkawala ng Papa niya. Anak, balang araw, mawawala din kami ng Nanay mo. Pero sana, wag na wag mong pababayaan ang mga kapatid mo."
Sinasabi ko na din sayo yung sinabi niya sakin about sa mga kapatid ko para naman alam mo na din ang gagawin sa mga kapatid mo. Although alam kong mayaman kayo at marangya sa buhay. Pero that doesn't matter. What matters most at this point in time is your love for each other. Sana makakuha kayo ng hustisya sa pagkamatay ni Papa.
Nalulungkot ako, Ferdinand. Nalulungkot ako sobrang nalulungkot ako sa sitwasyon natin ngayon. Ayoko na lumala pa. Nawala na ang mga pagkakataong pwede tayong magkita. Nawala na ang magandang relasyon namin ng Mama mo. At ngayon, nawala na din pati ang Papa mo. Alam kong mahal na mahal mo si Tito Alecxis, Ferdinand. Ramdam kong gusto mong patunayan sa kanyang may silbi ka -- na kaya mong umunlad sa sarili mong paa.
Napapagod na ako, Ferdinand. :(
On the other hand, natutuwa din ako (somehow) dahil nakakapagsalita na si Jun. Gusto ko na din siyang makausap. Tama nga ang hinala ko, Pa. May nangyayaring hindi natin alam. May gustong sabihin si Jun. Hindi ko din alam kung ano pero malakas ang kutob kong hindi lang basta siya naputukan ng pulbura sa mukha. Come to think? 8 months? Paralyzed? Naputukan lang? Non-sense, Ferdinand! Hindi siya basta naputukan lang. I know there is something going on.
Gusto kong kausapin si Monette. Gusto kong humingi ng advice sa kanya. Gusto ko siyang makausap. But she told me na busy siya sa studies niya and she needs to prepare for her Preliminary Exams this week. I know na kailangan ko din magprepare para dun. Scholarship ko at pag-aaral ng mga kapatid ko ang nakataya sa grades ko. Pero, Ferdinand, hindi ko matiis maisip ang kalagayan mo, ang kalagayan ko -- natin! Ang mga problema natin! Ang mga pangyayari nitong mga nakaraan buwan. Buti na lang at may lapis at papel na pwedeng sulatan para man lang makapagusap tayo kahit hindi tayo masyadong nagkikita. Buti na lang at pinatayo ni Mayor yang Mini-Baguio para patago tayong magkita at makapagusap ng personal.
Alam mo? Yung mga puno sa Mini-Baguio, nagsisimula na silang maglagasan ng dahon. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, nakikiramay sila sayo -- sa pagkawala ng papa mo. At siguro sa akin na din, sa pagkawala ng magandang relasyon namin ni Tita Rosemarie.
I can't even tell myself not to cry. Pero anong magagawa ko? Sa tuwing titingin ako sa langit, mukha mo ang naiisip ko. Yang pangit mong mukha, hindi ko alam kung bakit inlove na inlove ako sayo.
There are so many things bothering me. Napagalitan nga ako ng professor ko sa Accounting Management dahil wala akong nasagot sa recitation namin sa klase. And I was expected by my professor to express well.
"Things really changed you." sabi niya sakin. "Ms. Fortunato, I am not telling you to not mourn over Ferdinand's death. Nabalitaan ko sa T.V. ang naganap na assassination sa kanya and I know it's a big loss for Ferdinand, your boyfriend. But please don't be affected with such! Your grades are gradually declining. Kung malakas ang landslide sa mga bundukin ng Bukidnon dahil sa bagyo last week, mas malakas ang pagbuhos ng landslide sa grades mo."
Suddenly, I was speechless. Yung mukha ko hindi ko mapipinta. Sobrang sama noon. Halos ang haba nga ng nguso ko dahil sa sinabi ng professor ko. Pero alam mo, may sinabi pa siya sa akin na kahit papaano lumakas ang loob ko. "Simple lang ang buhay. Kung hindi mo gusto ang nakikita mo, pumikit ka!"
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ng Isang Lalaki [Complete Series] -- Book 1
Ficção Adolescente"Makakahanap ka din ng taong magmamahal sayo." Yan ang pinakamasakit marinig sa taong mahal mo. Saan nga ba hahantong ang pagmamahalang ikaw mismo ang kailangang pumutol para sa ikaaayos ng lahat? Paano mo aayusin ang gulong pinasok mo at ang mahal...