A/N: I don't know what happened. But somehow, this date June 13, 1992 is Friday, The 13th. Just saying. :)
Czar Dy @grandprince16
--------------------------------------------------------------------------------------------------
June 13, 1992
Dear Martha,
Magandang paraan na din ang naging ganito ang set up natin. Nagkikita tayo sa ospital ni Jun. Alam kong dalikado sa atin ang magkita muna dahil gwardyado na ako ng mga tauhan ni Mama at Papa. Sa katunayan ay binigyan na nila ako ng dalawang bodyguards. Buti na lang at nakatakas ako nung pumunta tayo sa ospital ni Jun.
Natutuwa ako sa kalagayan ni Jun. Sabi ng doktor ay makakapagsalita na si Jun sa susunod na linggo. Nararamdaman ko din ang sinabi mo noon, Ma. May gusto ngang sabihin si Jun sa atin. Hindi ko alam kung ano. Kalahating taon na siyang hindi nagsasalita dahil sa naputukan siya ng maraming pulbura sa mukha. Halos masunog na ang buong mukha niya, Ma, ano? Naaawa ako sa kaibigan ko. Alam kong nalulungkot ka din sa kinahinatnan ng kaibigan ko.
Nanlalamig ang mga kamay niya, Ma. Pero nung hinawakan ko iyon, hinawakan din niyang mahigpit iyon. Alam kong wala pang malay si Jun pero nagulat ako nang mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko kahit tulog siya. Siguro ay may gusto nga talaga siyang sabihin.
Nung makita kita sa ospital, Ma. Nalulungkot ako. Pumapayat ka. Kumakain ka pa ba nang tama at maayos? Napapagod ka ba sa trabaho at kakaaral mo? Kasama ng sulat na ito ang Php 10 000 pesos. Tulong ko na yan sayo, Ma. Alam kong sinabihan ka ni Tatay na wag tumanggap na tulong pinansyal, Ma. Pero kung nakikita mong nahihirapan ang nasasaktan ang taong mahal mo, wala kang choice kundi gumawa ng paraan. Kasi kapag hindi ka kumilos, di mo masasabi sa sarili mong mahal mo nga siya.
Smile ka naman kahit kaunti. Alam kong malaki ang problema natin, Ma. Magkaaway kayo ni Mama ngayon. Hindi ko masasabi kung tama o mali si Mama. Pero kahit ano pa mang dahilan na yan, alam kong mali ang saktan ka niya.
Aalamin ko kung sino ang nagsabi kay Mama at Papa na nilalason mo ang isip ko. Kung sino man siya, magdudusa siya sa akin.
Galingan mo sa pag-aaral mo, Ma, ha? Nakakainggit ka. Nakakapag-aral ka pa. Sorry pala kung tinago ko sayong pumapasok pa rin ako sa school. Pinatigil na ako ng parents ko dahil sa nangyari. Gusto talaga nila akong mamahala sa aming kumpanya.
"Dude, wag ka na mag-alala. For the mean time, i-uupdate kita sa nangyayari kay Martha." sabi yan ni Harold sakin. Alam kong may nalalaman din si Harold sa nangyari. Kailangan kong malaman 'to. Alam kong may nangyayaring hindi ko alam. Aalamin ko 'to. Ipaglalaban kita, Ma. Mahal kita.
Namimiss kita. Sa tuwing pinapatugtog ko nga yung narinig kong kanta sa radyo noon, pinapaulilt-ulit ko na to sa aking walkman.
"Babe, I'm leaving. I must be on my way. The time is going near. The train is going. I see it in your eyes. The love. The need. Your tears. Coz I'll be lonely without you. And I need your love to see me through. Please believe me. My heart is in your hands. Coz I'll be missing you."
"Coz you know it's you, Babe. Whenever I get weary and I have it all. Feeling like giving up. Coz you know it's you, Babe. Giving me the courage and the strength I need. Please believe that is true."
"Babe I Love You."
"Ang drama mo!" sabi sakin ni Harold noon.
"Wag kang magulo, Harold. Naguguluhan na ako!" nag-iinuman kami nang makapagusap kami. Alam kong hindi pa ako lasing noon.
"Okay lang 'yan, Pare. Wag ka lang magpapakamatay ha. Isipin mo.
Kapag nagpakamatay ka:
---Php5000 kabaong
---Php1000 kape at biskwit
---Php40000 lapida, lote na lilibingan atbp.
----------------------------------------------------------------
Total: Php 49000
Lumapit ka lang sa akin ha. Ako na bahala. Isipin mo na lang.
----Php 50 Alak
----Php 40 Pulutan
----Php 10 Ice o Yelo
----------------------------------------------------------------
Total: Php 100
See? Mas mura? Sabagay mayaman ka naman. Pero tandaan mo, pare, ang pagpapakamatay ay hindi solusiyon. Isa tong simbolo ng kaduwagan. Kaya kung nahihirapan ka na, wag ka uminom nang lason o tumalon sa mataas na building. Tumingin ka sa taas. Hindi ka Niya iiwan."
Yan ang mga good words of wisdom sakin ni Harold habang nag-iinuman kami kagabi. Nagpakalango-lango ako sa alak! Baka sakaling makalimutan ko kahit saglit ang mga problema ko. Pero paggising ko kaninang umaga, ikaw pa rin ang nasa isip ko. Iniisip pa rin kita. Mahal nga talaga kita. Isipin mong maski-alak hindi ako mapatigil sa kakaisip sayo.
Napakasakit na hindi kita makikita, Ma. Masakit na masakit. Alam kong mahirap sa atin ang hindi magkita. Kapag pumupunta nga ako sa Mini-Baguio, pakiramdam ko, ako na lang mag-isa. Pakiramdam ko napakasama ng mundo sa akin.
Pero iniisip ko lang ang payo sa akin ni Harold. Sana nandun din si Jun. I'm sure bibigyan niya ako ng mas magandang advice pero sa mga sinabi sakin ni Harold kagabi, tingin ko sapat na.
Ipinagdadasal ko na lang sa Diyos ang lahat, Martha. Sana ikaw din.
Mahal na mahal kita, Martha. Mahal na mahal.
Always Yours,
Ferdinand
P.S. Everything I Do, I Do It For You
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N:
Problems are just getting worst. Hindi ko din kinakaya ang story pero kelangan eh. Every story has bitter parts naman. Sorry guys. :)
Sana nagugustuhan niyo yung mga updates ko kahit alam kong compare sa ibang wattpad stories, maiikli yung Chapters ko.
And besides, they are just letters, what can I do? HAHAHA.
So yeah, Hope you like it guys.
Hindi ko din alam pero kung ichecheck niyo, June 13, 1992 was Friday the Thirteenth. Kamalas-malasan nga naman. :)
Czar Dy @grandprince16
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ng Isang Lalaki [Complete Series] -- Book 1
Teen Fiction"Makakahanap ka din ng taong magmamahal sayo." Yan ang pinakamasakit marinig sa taong mahal mo. Saan nga ba hahantong ang pagmamahalang ikaw mismo ang kailangang pumutol para sa ikaaayos ng lahat? Paano mo aayusin ang gulong pinasok mo at ang mahal...