August 1, 1992
Dear Ferdinand,
Masayang-masaya ako sa binigay mong bouquet of flowers. Thanks talaga ha. Pag-abot nga sakin ng mga kaibigan ko, nagtilian sila sa kilig at may nakasulat pang "I love you" sa tag nito. Nakakakilig ka talaga. Ang swerte ko talaga sayo. Kasi kahit may problema tayo, ang sweet sweet mo pa rin. Namiss tuloy kita bigla. Kita tayo bukas, pwede? Kahit sa Mini-Baguio lang. Namimiss lang kita.
Simula kasi nung nag-away kami ni Tita Rosemarie nung June, hindi na tayo gaano nakakagala o nakakapag-usap man lang sa personal. I want to spend time with you. Just to tell stories and everything. Gusto ko ng tumambay tayo dun kahit ilang oras lang. I just wanna feel that there's nothing wrong -- that the world is not our enemy. I wanna feel something like forever.
Nung nabasa ko nga ulit yung book na binigay mo sakin last Christmas, ang dami ko pa ring natututunan. Hindi ko kasi siya masyadong naintindihan nung una ko siyang binasa. And guess what, ngayon, alam ko na at naiintindihan ko na din siya. :)
"Kung ayaw mong maghanap siya ng iba, wag ka magbigay ng rason para iwanan ka niya."
Nabasa ko 'to dun sa libro. Pa, diba hindi mo naman ako ipagpapalit kahit kanino kahit anong mangyari? Mahal mo ko diba? Alam kong hindi mo ko iiwan, Pa. Natatakot ako, Pa. Baka mamaya may mahanap kang mas maganda, mas matalino, mas MAYAMAN kesa sakin. Yung tipong mas magugusutuhan ng parents mo kesa sa katulad kong halos walang mapakain sa pamilya. :(
Hindi ko alam kung anong ipanghaharap ko sa mundo kapag nangyari yun. Sabi mo nga sa akin, hindi mo ko iiwan. Alam ko mejo madrama pero natatakot kasi ako na sa gitna ng malaking problemang meron tayo ngayon ay bigla mo akong iwan. Hindi ko kakayanin yun.
By the way, hindi pala ako makakadalaw sa ospital para kay Jun ngayon mga panahong 'to. Preliminary Exams kasi namin for the Second Year, First Semester. And I know, there will be bigger problems to face. Natatakot din akong mawala ang scholarship ko. Hindi ako makakapagtapos kapag nawala ito, Ferdinand. Kailangan ko magconcentrate. So I guess, baka hindi ako makasulat for weeks or even months because of this. Pero don't worry, if you'll send a letter, babasahin ko yun. Baka matagalan lang talaga ako ng reply. Sana puro good news na ang mga susunod mong ibabalita sa akin tungkol sa buhay mo.
Kakamustahin sana kita tungkol sa studies mo. Naalala ko, tumigil ka na nga pala. Sorry. :(
Malaki na rin ang nangyari sa atin. And guess what, next month, Anniversary na natin. Yehey! Excited na ako sa first anniversary ko with my first boyfriend. Naks, hahaha. Proud ako sayo, Pa. Hindi mo ko pinabayaan. Pinaglaban mo ako. I love you with all of my heart.
Anniversary na natin ano? Ang bilis ng panahon. Gosh, dalaga na ako. HAHAHAH. Biro lang.
Anyway, Harold did good things to me. Nililibre nya ako ng lunch -- which is ang sabi niya sa akin ay ginagawa daw niya iyon para lang makatulong daw siya sa mga problema ko. Pinapasyal niya din ako at ang mga kapatid ko sa Manila Zoo. Ayy, Pa! May bago palang hayop sa Manila Zoo! May nilagay silang King Cobra sa zoo. Gusto ko mapuntahan din natin yun.
Masaya ako kasi nasa tabi ko si Harold. And somehow, I feel secured na din kahit wala ka sa tabi ko. Don't worry, Ferdinand. Ikaw lang naman mahal ko eh. Baka naman magselos ka sa kaibigan mo ha. HAHAHAH. Matatawa ako kapag nangyari yun.
Hindi ko type si Harold. Besides, we both know nililigawan niya si Monette. And another thing is, ginagawa lang naman niya ang mga bagay na yun kasi yun ang sinabi mo sa kanya eh. Well, if you're getting jealous or something, wag mahihiyang mag-open up sakin, ha? I'll be glad to know how you feel, Pa. Mahal kita. Kaya kailangan, wala kang tinatago sa akin. Honesty is the best policy sabi nga. HAHAHAHA.
Kung kakamustahin mo ako? Heto, kasalukuyang nagbabasa ng makapal na makapal na libro ng Accountancy and Management na libro. Grabe! Parang pinagpatong na Encyclopedia at Dictionary ang kapal ng librong 'to. Hindi ko nga alam kung saang kamay ng Diyos ako kukuha ng lakas at talino para sagutan ang Preliminary Exams namin next week. Kaya kailangan, makapag-aral na ako ngayon.
Buti na nga lang, nagkikita pa rin tayo paminsan-minsan sa Mini-Baguio. Kahit papaano, nakakapagkwentuhan pa rin tayo. Namromroblema tayo sa communication, time at higit sa lahat, sa parents mo. :(
Hindi pa rin ata ako nakaka-move on sa nangyari samin ni Tita Rosemarie. I'm still upset. Minsan pagtingin ko sa langit, naisip ko sana yung tingin ng mga mayayaman sa mahihirap na katulad ko, hindi mababa. Sana hindi na lang ako naging mahirap para tanggap ako ng parents mo. Sana wala na lang Social Status sa Earth.
Sana.
Haays. Ganoon na ata ako ka-desperadang magustuhan kahit one percent ng parents mo. Syempre, pangit din sa foundation ng relationship natin ang may side natin na against sa relasyon natin, diba? Maganda pa rin tignan kapag both sides ng relationship, agree with the terms and agreement. Understand? Mas maganda pa ring malamang LEGAL ang isang relasyon, kaysa sa MASAYA NGA, TAGO NAMAN.
Hindi ko na din nakikita si Monette this days. Siguro busy na rin siya sa studies niya (na dapat pinag-aaralan mo din by this point in time). Sorry kung medyo bitter ako sa pagtigil mo sa pag-aaral. Alam ko kasing mali talaga ang huminto mag-aral. Ang sarap kaya mag-aral. Yung tipong dito mo matututunan lahat ng mabuting asal na kailangan mo para mabuhay.
I hope you're still happy on your life, Ferdinand. I hope me, myself, can make you feel as happy as you can be.
I love you, Ferdinand. Forever and Always.
Always Yours,
Martha.
P.S. Everything I Do, I Do It For You
----------------------------------------------------------------------------------------------
A/N:
A bigger twist is going to happen on the next chapter. Sige mag-update ako ngayon. Bukas na yung iba. :) Alam kong maraming tanong ang gumugulo sa inyo. Bakit ang ikli ng updates? Kasi love letters lang sila. At ano nga ba ang gustong sabihin ni Jun? Abangan.
Czar Dy @grandprince16
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ng Isang Lalaki [Complete Series] -- Book 1
Novela Juvenil"Makakahanap ka din ng taong magmamahal sayo." Yan ang pinakamasakit marinig sa taong mahal mo. Saan nga ba hahantong ang pagmamahalang ikaw mismo ang kailangang pumutol para sa ikaaayos ng lahat? Paano mo aayusin ang gulong pinasok mo at ang mahal...