Chapter 12: May 19, 1992

136 2 1
                                    

May 19, 1992

Dear Ferdinand,

Sorry kung hindi kita kinakausap for one month. Alam kong mahirap pero kailangan. Hindi ako galit, Ferdinand. Hindi talaga ako galit. At sana itapon mo na itong letter na 'to pag binasa mo. Wag mo na isama dun sa mga letters sa envelope mo. Ayokong mabasa ng mga magiging anak natin ang letter na 'to.

Sinabi na sakin ni Monette ang lahat, Ferdinand. Kinausap daw siya ni Tita Rosemarie. Alam kong hindi ako gusto ni Tita Rosemarie bilang girlfriend mo. Sinabi sakin ni Monette ang lahat nung April 20.

"Alam kong ikasasakit ito ng damdamin mo, friend." sabi sakin ni Monette. "Alam ko ring malulungkot ka sa sasabihin ko."

"Ha? Anong sinasabi mo? Bakit? May problema ba, Monette?" tanong ko sa kanya.

"Nakausap ko ang magulang ni Ferdinand. Kinausap nila ako nung isang linggo. To be specific nung Black Friday." kwento niya sa akin.

Ang kwento sakin ni Monette, sinabi daw sayo ng Papa mo na hindi ka pwedeng magka-girlfriend hangga't hindi ka pumapayag na ipamana sayo ni Papa ang shares ng kompanya niyo. Sumuway ka pa rin daw. Pinatigil ka pala niya sa pag-aaral. Hindi ka na pala niya sinusustentuhan. Kailan pa, Ferdinand? Bakit kailangan mong itago sakin ang lahat? Bakit kailangan mo pang sabihin sa aking nahihirapan ka sa pag-aaral, na nahihirapan ka sa mga subjects mo? Tapos ang totoo pala'y hindi ka na pumapasok? Wag ka namang magtago sakin ng mga bagay-bagay, Ferdinand.

Ang sabi mo kung may problema tayo, sabay nating gagawan ng solution. Bakit kailangan mong magtago sakin ng mga bagay-bagay? Kung ayaw sakin ng parents mo, sana sinabi mo Ferdinand.

Kahapon, pumunta ako sa bahay niyo para makausap ang parents mo. Lasing si Tita Rosemarie. Umiinom siya ng wine. Nang makita niya ako, nanginginig siya sa galit. Hindi ko alam kung bakit. Alam kong inosente ako at wala akong nagawang kasalanan sa kanya. Pero pagkakitang-pagkakita niya sa akin ay binato niya ang wine glass sa harap ko at sinabunutan niya ako.

Hindi ko alam kung may nakakita sa akin. Ngunit sabi mo sa letter mo, nakita mo kami. Kung nakita mo man kami ay sigurado akong alam mo na ang mga sumunod na nangyari.

Ang sakit ng sabunot ni Tita Rosemarie sakin, Ferdinand. Ganoon na lang ako inalipusta ng Mama mo. Oo, kaming dalawa lang, sa pagkakaalam ko, ang naroroon.

"Wala kang kwenta, Martha. Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo!" sigaw niya sakin.

"Hindi ko po alam ang sinasabi niyo!" sagot ko lang sa kanya.

"Wag ka na magkaila! Alam kong ikaw ang lumalason sa utak ng anak ko! Lumayo ka sa kanya!" sigaw niya sa akin habang nagsinasabutan niya ako. Masakit. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

"Hindi ko po alam ang sina---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Nakita ko na lang ang sarili kong nakahalandusay sa sahig. Nahihilo ako noon, Ferdinand.

"Wag ka na magsalita! Wag ka na rin magpakita sa anak ko! LUMAYAS KA! HINDI KA KARAPAT-DAPAT MAGING PARTE NG PAMILYA DELOS SANTOS. SALOT!" sigaw niya sa akin.

"Wala ho akong alam sa sinasabi ninyo. At kung gusto niyo ay isaksak niyo sa baga niyo ang anak niyo. Wala ho akong ginagawang masama sa anak niyo. Kung meron man masama sa lugar na 'to. Wala hong iba kundi KAYO! Dahil ang ilaw ng tahanan ng PAMILYA MO, PUNDIDO!" lumabas ako ng kwartong iyon nang umiiyak, Ferdinand. Alam kong mali ang sigawan ko at sagutin ko nang pabalang ang parents mo. Alam ko ring mali na basta-basta akong nagsalita ng masakit na mga salita sa kanya. Pero dahil inosente ako, alam kong dapat kong ipaglaban ang sarili ko.

"Isinusumpa kita, Martha. MAGHIHIRAP KA SA BUHAY. GAGAPANG KA! MAGHIHIRAP KA! DADATING ANG ARAW NA LULUHOD KA SA HARAP KO!" yan ang huling salitang narinig ko sa kanya.

Oo nga pala. Napagdesisyonan kong wag muna makipagusap sayo habang hindi pa kami nagkakaayos. Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang balitang nilalason ko ang isip mo. Dahil ba sa hindi mo tinatanggap ang shares ng kompanya niyo, nilalason ko na? Wala na ba silang ibang iisipin kundi ang negosyo nila?

Ipaglaban mo ko, Ferdinand. Umaasa ako sayo.

I love you, Ferdinand. Forever and Always.

Always Yours,

Martha.

P.S. Everything I Do, I Do It For You

--------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Sorry kung medyo ANGST tong chapter na 'to. May pinaghuhugutan lang ako sa scene na yan.

Pero saan nga ba nakuha ni Tita Rosemarie ang idea na nilalason ni Martha ang isipan ni Ferdinand. Lumalala na ang sitwasyon, ano? Sorry ha.

Czar Dy @grandprince16

Ang Kwento ng Isang Lalaki [Complete Series] -- Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon