"Paumanhin binibi ngunit sino ka? Bakit ka narito?" tanong niya.
Sasagot na sana ako nang biglang nagsalita ang ina niya.
"Martin.. anak." sabi ng kaniyang ina bago siya nawalan ng malay.
"Ina!" mabilis niyang binuhat ang kaniyang ina patungo sa kalesa. Susunod sana ako kaso may kamay na humila sa may pulsuhan ko kaya napatingin ako sa kung sino ang humila sa akin.
"Sandali! Saan mo ako dadalhin? At sino ka ba ha?" iritang sabi ko kasi naman walang pasabing nanghihila ehh.
Binitiwan niya ako nang makarating kami sa mataong lugar. Inilibot ko ang paningin ko na hindi makapaniwala sa mga nakikita. Maliwanag ang sikat ng araw na nagbibigay sa mga tao ng komportableng pagtatrabaho. Nandito ba ako sa Intramuros? Bakit napakaluma ng mga pinaggagawa ng mga tao dito? Mula sa kasuotan, pati mga buildings? Parang mga noong sinunang panahon? Do I need to start believing that I traved back in time? Na hindi ko lang to panaginip o imagination? Na totoo ang lahat ng to?
"Ipagpaumanhin mo binibini ang aking inasal. Ngunit wala na akong maisip na paraan upang mailigtas ka." sabi ng babaeng humila sa akin. Huh? Anong iligtas? Ano bang pinagsasabi nito?
"Iligtas?" takang tanong ko.
"Oo.. binibini. Nais kong iligtas ka sa kapahamakang iyon kanina. Sapagkat ikaw ay nakasaksi ng pangyayaring hindi mo dapat masaksihan. At ang higit sa lahat at ang pinakamapanganib ay pinakialaman mo ang mga bagay na may kinalaman sa Gobernador Heneral." paliwanag niya.
"Huh? Gobernador Heneral? Sino naman yan?" tanong ko.
"Nakakapagtaka kung bakit hindi mo kilala ang Gobernador Heneral. Siya ang may pinakamataas na katungkulan sa ating bansa. Kilala siya ng bawat Pilipino."
Teka. Ba't naging Gobernador Heneral ang may pinakamataas na katungkulan? Diba dapat ang presidente ng Pilipinas? Hindi kaya...
"Sandali, ano na bang taon ngayon? At sino ang namumuno sa bansa?" kinakabahan ako sa magiging sagot niya.
Please....Please.... lang naman oohh...
Mali naman ang iniisip ko hindi ba??
"Hindi man ako nakapag-aral pero batid ko naman ang mga bagay na iyan. Ang taon ngayon ay isang libo't walong daan siyamnapu. At ang kasalukuyang namumuno ay si Gobernador Heneral Santiago Martin de la Vega." sabi niya nang may malapad na ngiti.
AAAAAAAANNNNNNNOOOOOOO??????!!!!
HINDI YUNNN PWEDEEEEEE!!!
Ano ba talagang nangyayari???
I'm out of words now! What the.... This is crazy! Literally crazy!!!"Ahh... binibini, ayaos ka lang?" kahit hindi pa ako naka-recover tumango na lang ako.
"Kung ganoon, hayaan mo akong magpakilala. Ako nga pala si Rosalina Concepción." nilahad niya ang kaniyang kamay sa akin kaya kahit ang lutang ko pa tinanggap ko na lang..
"Tawagin mo na lang akong Rosa. Ikaw ano ang pangalan mo binibini?" huh ako? Siyempre may pangalan ako noohh...
"Ako naman si Brav---
Hindi ko na ituloy ang sasabihin ko kasi parang may bumulong sa akin na ang sinasabi ay
"Isabel Cruz." kaninong boses yun? Atsaka nasaan naman siya? Inilibot ko ang paningin ko sa paligid para hanapin ang nagsalita."May hinhanap ka ba?" mabilis kong hinarap si Rosa. Nakalimutan ko pala siya.
"Ahh.. Wala naman." sabi ko. Sino ba yung Isabel Cruz? And what's creepy is kung sino ang nagsabi nun?
BINABASA MO ANG
Saving The Governor-General (Completed) ✓
Historical FictionMost impressive rank: #1 police Most impressive rank: #1 tragic Most impressive rank: #4 time travel -- She is just a police woman doing her job with all her heart. She is fierce. She is strong. She is Inspector Brave Anderson. But behind of this al...