Hi guyss! Eto na sana magustuhan niyo.
WARNING: You may encounter numerous mistakes.--
Hindi ako na-orient na may party pala ngayong gabi dito sa hacienda ni De la Vega. Speaking of De la Vega, pagkatapos kong magpasalamat sa kaniya kahapon ay hindi ko maipaliwanag ang naging expression ng mukha niya. At nagtataka ako kung bakit nakatitig lang siya sa akin. Then I ask innocently.
"Bakit? May dumi ba ako sa mukha De la Vega?" tanong ko.
Pero wala pa ring effect hanggang sa parang natauhan siya kasi bigla siyang kumilos at umayos ng tayo bago siya nagsalita.
"Kailangan na nating bumalik sa hacienda sapagkat marami pa akong aasikasuhin." sabi niya at nagsimula nang maglakad kaya sumunod naman ako. Siya ang nauuna at ako naman ay nasa likod niya, nakasunod lang sa kaniya hanggang sa makaabot nga kami dito sa hacienda.
Simula kahapon naging tahimik na siya. Talagang tahimik yung tipong hindi na halos magsalita. Parang naging malala yata ang pagiging tahimik niya. At pansin ko ring nagiging mailap siya pero sa akin lang. Halos hindi niya ako tinatawag para utusan kung mayroon man siyang iuutos, sa iba niya pinapagawa. At kahit isang beses hindi siya tumingin sa gawi ko na malapit lang naman ako sa kaniya. Abala siya ngayon at ang mga tao sa hacienda.
Pumunta na lamang ako nina Rosa kaysa sa mamatay sa ka-boring-an dito sa loob ng opisina niya. Kaya nagpaalam ako pero di pa rin siya nagsalita o tumango man lang o tumingin sa akin para payagan akong umalis.
"Pupunta muna ako kay Rosa." paalam ko pero yun pa rin siya. Abala sa ginagawa at parang walang naririnig kaya bahala siya dyan umalis na ako kahit di pa siya umu-oo.
Kay Rosa ko nalamang may party pala o pagdiriwang mamaya dito sa hacienda at ang mas nakakawindang hindi lang iyon basta-basta na pagdiriwang lamang kundi mamaya rin isisiwalat na magpapakasal na si De la Vega kay Felicia. Pinagkasundo sila ng kaniyang ama para mas maging matibay pa ang pagsasamahan ng kanilang pamilya at ang pamilya ni Felicia, ang mga Hermañes. Talaga lang ha? Eh kung bangasan ko kaya kayo? Papatayin niyo rin naman si De la Vega kaya mas mabuti kung kayo ang mauna. Tsk!
"Anderson..." natigilan ako nang tumawag sa akin si Carlos. Ang boses niya ay parang nanghihina.. at nahihirapan.
"Bakit? Anong nangyari sa iyo?" sagot ko habang tinutulungan si Rosa sa pagtutupi ng tela na kinuha upang palitan ng bago para sa pagdiriwang mamaya.
"Can I reach for your help?" natigilan ako nang garagal na ang boses niya.
"Isabel, may suliranin ka ba?" natauhan ako sa tanong na iyon. At napatingin kay Rosa.
"Huh? Ahh! Wala.. Wala ayos lang ako." sabi ko.
"Anderson, can I please?" pakikiusap pa niya at sa pagkakataong iyon nabitawan ko ang telang hawak ko.
"Isabel, talaga bang ayos ka lamang?" nag-aalalang tanong ni Rosa.
"Pasensya ka na Rosa, pero kailangan ko munang umalis pagkat may mahalaga akong tutulungan." sabi ko sa kaniya. Siya naman ay nagtataka kaya hinawakan ko ang kaniyang kamay.
"Rosa, pangako mabilis lang ako. Mahalaga talaga kasi ang pupuntahan ko. Pangako, babalik ako sa takdang oras." sabi ko.
"Ngunit sigura—
"Ikaw na ang bahalang magdahilan kay Doña Celestina at kay De la Vega. Aasahan kita Rosa." sabi ko at nginitian siya.
Mabilis akong umalis sa hacienda para hanapin si Carlos.
"Nasaan ka Carlos?"
"No need. I will be the one to come for you. Asan ka ba?"
"Di ko alam kung nasaan na ako. Basta ang alam ko malayo na sa—
BINABASA MO ANG
Saving The Governor-General (Completed) ✓
Historical FictionMost impressive rank: #1 police Most impressive rank: #1 tragic Most impressive rank: #4 time travel -- She is just a police woman doing her job with all her heart. She is fierce. She is strong. She is Inspector Brave Anderson. But behind of this al...