Pasensya na po. Ang tagal kong naka-update medyo naging busy lang sa school. 😁😁 I hope you all understand.
And the wait is over. May you all enjoy. God bless!
Salamat sa mga nagbasa ng storyang tooohh!! Sa mga nagvote, I sincerely thank you from the bottom of my hypothalamus. 😂😂
--
Nabalik ako sa reyalidad ng magsalita siya ulit.
"Binibini, sa tingin ko'y ikaw ay lubhang nasaktan. Kaya't kung—
"Hindi. Ayos lang ako." putol ko sa sinasabi niya. Tumayo na ako para puntahan si Emman. Pinapapagpagan ko ang damit ko kasi nadumihan kaya. Hindi na ako nag-aksaya at nagpaalam na.
"Pasensya na ginoo, pero kasi kailangan ko nang umalis at may gagawin pa ako." paalam ko. Maglalakad na sana ako pero...
"Ikaw ba ay nakakatiyak na ika'y maayos lamang?" tanong niya.
"Oo naman. Siguradong-sigurado ako." tugon ko at naglakad na paalis.
"Kung ganoon ay ika'y mag-ingat." habol niya pa pero I just wave my right hand in the air.
"Emman!" tawag ko sa kaniya.
"Ate Isabel...nais ko bumili ng ganoon." sabay turo sa bayabas na paninda ni Aling Mila. Naku!! Patay tayo dyan! Wala akong pera.
"Ahh.... Emman... kasi.. "
Bigla na lang nagbigay ng isang supot si Aling Mila na naglalaman ng bayabas. Kaya nagtataka akong tiningnan siya.
"Ali—
"Ayos lang iha sapagkat hindi naman kayo iba sa akin. Papaalahanan ko na lamang si Rosa sa bagay na ito." nakangiti niyang sabi. Kaya wala na akong nagawa at tinanggap na lang ang bigay niya.
"Maraming salamat po Aling Mila!" magiliw na sabi ni Emman.
"O, Rosa! Ano't naparito ka?" sabay kaming lumingon ni Emman kay Rosa.
"Ahh.. kasi hinahanap ko sila." si Rosa 'yan.
"Bakit naman? Wala ka bang trabaho?" ako 'yan.
"Kami ay maagang natapos kaya ako ay nagtungo rito." sabi ni Rosa.
"Ahh.. " pagsang-ayon ko sabay tango.
Nagtitingin-tingin lang ako sa paligid ng biglang may nahagip ang mga mata ko.
Isang kalesa na napapalibutan ng iilang mga tao na sa tingin ko bodyguards? Basta parang ganoon.
"Si Doña Celestina de la Vega." it's from random person, gossiping.
Mukhang kilala ang nasa loob ng kalesang 'yun. Di naman maikakaila sa kaniyang kilala siya. Well, maybe because she's from a noble family.Yeah...that's expected.
"Ang Doña Celestina nga! Ang ina ng Gobernador-Heneral." sabi ng isa.
"Tayo'y lumisan na, Isabel. Wala naman tayong gagawin pa rito." rinig kong sabi ni Rosa.
"Mmm." sabi ko na may kasabay na pagtango. Nakita kong nakakunot ang noo ni Rosa pero ipinagsawalang bahala niya na lang kaya ganoon rin ang ginawa ko.
"Aling Mila...kami po ay aalis na. Salamat nga po pala dito.. " sabay pakita sa supot na binigay niya. "Sa susunod na balik ko na lang po." paalam ni Rosa.
"Walang anuman Rosa. Aasahan ko iyan." sagot naman ni Aling Mila.
Naglalakad na kami at naging mabilis ang mga pangyayari. Bigla na lang may lalaking mabilis pa sa alas kwartong dinaig pa si flash sa bilis at kinuha ang supot na hawak ni Rosa. And I guess it contains money.
BINABASA MO ANG
Saving The Governor-General (Completed) ✓
Historical FictionMost impressive rank: #1 police Most impressive rank: #1 tragic Most impressive rank: #4 time travel -- She is just a police woman doing her job with all her heart. She is fierce. She is strong. She is Inspector Brave Anderson. But behind of this al...