Oh yeah! Here is the update.
Belated Happy Mother's Day!--
Tuluyan ng nawalan ng malay si De la Vega dahil sa kaniyang natamo. Hindi ko na tinapos pa ang digmaan at mabilis na umalis doon upang malagay si De la Vega sa ligtas na lugar. I really thank Carlos for acting so quick when I needed help. Hindi ko alam kung paano niya nagawang itipon ang mga taong tapat kay De la Vega dito sa kwebang pinagdalhan ko sa kaniya noong siya ay nasugatan. Tanging dalawang gasera lang ang nagbibigay liwanag sa buong paligid at sa aming lahat. Kakaunti na lang ang natira sa hanay namin lalo na sa hukbo ni De la Vega.
Maraming sugatan pero mas marami ang nalagas na buhay pero wala na akong magagawa pa para doon. Lubhang nasugatan si Rafael dahil siya ang pinuno at ang isa sa mga puntarya ng kalaban. Sa kabilang banda naman, nakahinga ako nang walang nasaktan kina Rosa, sa pamilya niya at kay Doña Celestina. Pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit walang mapaglagyan ang pag-aalala ko para kay De la Vega. Yung pakiramdam na titigil ang takbo ng oras sa pagkakataong mawala siya. I can't compose myself or rather control myself from worrying very much. What's this strange feeling?
"It perhaps called love?" napatingin ako kay Carlos nang sabihin niya iyon sa isipan ko. Nakangiti siyang nakatingin sa akin ngayon. Kaya iniwan ko muna si De la Vega na walang malay at nakahiga. Maingat ang bawat naging hakbang ko dahil lahat ay nagpapahinga at isa pa tingin ay malalim na ang gabi. Nang makalapit ako sa kaniya ay magsasalita pa lamang ako ay sumenyas siyang huwag mag-ingay. He motioned his hand to his mouth and do the 'sshh'. Nagsimula siyang maglakad kaya sumunod ako sa kaniya. Minsan naiisip ko kung tagahawak lang ba 'to ng oras o si Doremon. Kasi hindi ko alam saan siya nakakuha ng isa pang gasera eh sa dalawa lang ang mayroon dito. Narinig ko siyang tumawa kaya nagtataka akong nakating in n sa kaniya habang paupo ako sa isang malaking bato na pinaglagyan niya ng gasera.
"Anong itinatawa mo dyan?" magkakrus ang mga kamay kong tanong sa kaniya.
"Nakakatawa ka. Ikumpara mo ba naman ang isang katangi-tanging nilalang na tulad ko kay Doremon? Ano ako anime character? Ppff.. Iba rin pala saltik ng utak mo." natatawa niyang sabi. My eyebrows arched the way he laugh.
"Ah..ganun?!" naiinis kong sabi tsaka siya binatukan ng malakas.
"Aray naman Anderson!" angal niya.
"Di ka talaga mabiro no?" tanong niya pa. I just shrugged at napatingin sa nagniningning na kalangitan. The night sky never failed to give me amazement, it's always sensational. I sighed heavily.
"What will happen next?" tanong ko. I feel his gaze at me and I turn my gaze to him.
"Anong 'what will happen next?' " pa-inosenteng tanong niya. Napapikit na lang ako sa inis dahil sa kalokohan niya.
"Talaga bang di ka titigil? Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin Carlos!" naiinis kong sabi at pasigaw na. Kung kanina 75% ang inis ko sa kaniya ngayon 200% na!
"Talagang ni-rate mo pa ha? Haha!! Ba't ang high blood mo ata ngayon? Mayroon ka no?" pilyung tanong niya na pinagtataas baba ang mga kilay niya. Naitulak ko siya dahil sa inis. What a pervert!
"Talaga bang hindi ka titigil?! Sa ating dalawa talagang ako ang dehado. Nababasa mo ang isip ko samtalang ako ay hindi. Mortal ako ikaw maligno!" inis kong sabi. Kailan ba kami magkakausap ng matino? For this time's sake! Nagkakagulo na!
"Hoy! Maligno? Grabe ka naman! Hindi pa pwedeng malignong gwapo?" sabi niya ng may ngiti na naka-pogi sign pa. Hoy! Kainin na sana siya ng lupa ngayon. I gave him a disgusted look.
"Your unbelievable." naiiling kong sabi. Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa kalangitan. Tumahimik na rin ang ungas, buti naman. Ilang sandali kaming tahimik bago ulit may nagsalita.
BINABASA MO ANG
Saving The Governor-General (Completed) ✓
Historical FictionMost impressive rank: #1 police Most impressive rank: #1 tragic Most impressive rank: #4 time travel -- She is just a police woman doing her job with all her heart. She is fierce. She is strong. She is Inspector Brave Anderson. But behind of this al...