KABANATA XVI

2.2K 101 4
                                    

Hi. Updated again. Kinilig ako habang sinusulat ko ito. Sana kayo rin. Dun sa part na... Ayyy spoiler hahaha!

NOTE: Ang word na 'greedies' ay wala sa English dictionary. Gawa-gawa ko lang iyan. Bale parang bansag ko lang. Yun lang.

--

Dumating na ang takdang oras para sa pagsasakatuparan sa plano ni De la Vega. Nakaposisyon na ang lahat. Ang hinihintay na lang ay ang pagdating ng target namin. Nakatayo lang ako sa naka-assign sa aking pwesto na nakasandal lang sa puno. Sigurado akong hindi matutugma ang plano ni De la Vega sa inaasahan niyang mangyari. I know that those 'greedies' were pulling strings already. At sa bawat hakbang na gagawin namin ay may equivalent iyon ng kanilang hakbang na pigilan ang dapat mangyaring ikakapanalo namin. Those things revolve in my mind but I couldn't help but to think about Carlos. Nasaan kaya iyon? Hindi siya sumama sa planong ito where in fact he's in the so calles 'private meeting'.

Napaayos ako ng tayo nang nakarinig kami ng mga yapak. Ilang sandali lang iyon pero ang kasunod ay ang pagputok ng isang baril. Agad naging alerto ang lahat dahil doon. Nagsikasaan rin sila ng mga baril. Inihanda ko ang aking sarili and also pull the trigger, I think this will be a bloody encounter. Rafael gave the signal pero bago pa kami makapagpaputok ay biglang may malaking pagsabog. Tinakpan ko ang aking mukha para iwasan ang impact. Napuno nang makapal na usok ang buong lugar. So they have bombs? Kahit kailan talaga nakakainis kapag ang kalaban mo ay madumi makipaglaban! Pinasabog nila ang bahay kung saan nakatira ang pamilya ni Cañerez.

Nang mahimasmasan ako ay nagulat na lang ako ng matumba ang nasa gilid kong guardia civil. Natamaan siya sa tagiliran at umaagos ang kaniyang dugo. Nilapitan ko siya para tulungan. Pinasandal ko siya sa puno at tinalian ng isang malinis na tela ang kaniyang tagiliran upang agapan ang pagtulo ng dugo.

"Ako ay hayaan mo na lamang at tulungan mo ang ating mga kasama. Hindi ba't ikaw ang guardia personal ng Gobernador-Heneral? Siya ang pagtuunan mo nang pansin. Ayos lamang ako." sabi pa niya kaya wala akong nagawa at iniwan soya doon.

Mabilis kong hinanap si De la Vega. Bawat taong sumusugod sa akin ay walang awa kong nilalabanan. Walang pakialam kung malubha o patay na ang aking nasasagupa. Wala na akong pakialam dahil alam kong sapat na ang dahilan ko para gawin ito. Agad kong inambanan ang lalking papalapit kay De la Vega habang siya ay nakatalikod. Gamit ang baril ay malakas kong iniuntog ito sa ulo niya dahilan upang humandusay ang katawan niya sa lupa.

Napatingin ako kay De la Vega na kasalukuyang lumalaban pa rin. Napansin kong sa isang kalaban lang siya nakatutok at binabalewala ang iba pang sumusugod sa kaniya kaya ako na ang gumawa nun para sa kaniya. Abala ako sa pakikipaglaban ng magkatalikod kaming nagkabangga sa isa't-isa kaya napatigil ako at tumingin sa kaniya. Our eyes crossed without hestating. Nakatitig lang ako sa kaniya na para bang siya lang ang nakikita ko. Nabibingi na naman ako sa lakas ng pintig ng puso ko na parang mas malakas pa kaysa sa pagsabog kanina.

Hindi ko inalis ang aking mga matang nakatingin lang sa nakakahalina niyang mga mata kahit alam kong may paparating na kalaban sa likuran niya. Ayaw ko siyang mabahala kaya hindi ako nagpakita ng ibang emosyon o pagbabago sa aking emosyon simula nang magtama ang ming mata.

"Martin." bigkas ko sa pangalan niya at mabilis na kinuha ang kaniyang kamay. Hinila ko siya papalapit sa akin. At kami ay nagmistulang magkayakap sa isa't-isa. Habang siya ay natalikod at nakasandal sa akin, kinasa ko ang baril at walang pag-alinlangang pinaputok ito sa taong papalapit sa amin.

Ramdam ko ang hininga niya. Naramdaman kong tila nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan. Dahan-dahan akong humiwalay sa kaniya at nakita ang gulat niyang mukha. Those brown eyes are still beautiful as ever kahit pa namimilog na ito sa pagkabigla. Nakatitig lang ako sa kaniya na kunwari'y nagtataka.

Saving The Governor-General (Completed) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon