KABANATA IX

2.6K 145 10
                                    

Note: I'm sorry guyss for taking so long. It's just I've gone through a lot these days. Hope you understand and thanks for waiting.  Yun lang God bless and please BE SAFE!

--

Pinatay ko ang ilaw. At maingat na pinihit ang pinto para makalabas ako. Walang ingay akong lumalabas. Madilim. Napakamadilim pero saulo ko na naman ang bawat sulok ng bahay na'to kaya ayos lang. Thanks to my photographic memory. Tanging pakiramdam lang ang panlaban ko ngayon dahil wala akong nakita at walang ilaw. Mabuti na lang at maliwanag ang buwan kaya kahit papaano'y may gabay pa ako sa paghahanap sa tamang daanan.

I saw light escape from the holes of the door of De la Vega's. Ibig sabihin gising pa siya at hindi pa namamatay ang ilaw. Dahil sa ilang araw na pamamalagi ko rito, madalas niyang pinapatay ang ilaw kapag natutulog na siya but not this time. Hindi kaya inaasahan na niyang mangyayari ito? Probably. Pero bakit hindi siya nag-abalang magsabi? Well I'm not really pertaining to myself pero sa mga kasamahan niya? Mga bantay? Di naman siguro ganoon kabato ang isang 'to at marunong naman siguro 'tong magmalasakit sa kapwa niya. Kasi kung ganoon siya, dapat inalarma niya ang lahat ng tao sa buong hacienda para maaware sila na aatakihin siya ng mga kalaban niya at baka madamay sila.

"Ako'y nagagalak sapagkat sa wakas ikaw ay nakilala ko na rin." rinig kong sabi ng isang boses na puno ng sarkastiko. 

Paano ba 'to? Saan ako dadaan na hindi nila namamalayan? Isip... isip...

Natigil ako sa pag-iisip ng nakarinig na naman ako nang malakas na kalabog galing sa loob ng kwarto ni De la Vega. Kaya walang pagdadalawang isip kong binuksan ang pinto.

Bumungad sa akin ang magulong kwarto. Broken glasses scattered in the floor. Until I focus my vision to these two men. Nakatutok ang baril eksakto sa noo ni De la Vega na hinihawakan ng di ko kilalang lalaki. Madami namang sugat ang natamo ng lalaki. Habang si De la Vega naman ay may sugat sa kanang bahagi ng kaniyang braso at patuloy sa pag-agos ang dugo nito.

Mabilis silang napatingin sa direksyon ko at nanlalaki ang mga mata ng lalaking may hawak ng baril sa akin. Tiningnan ko siya ng may madilim na tingin. Hinila niya si De la Vega'papalapit sa kaniya. Tiniis ni De la Vega ang sakit sa kanang braso niya at nagpupumiglas na makawala.

"Kung sino ka man ay hindi ko hahayaang mabunyag mo ang pangyayaring ito. Kaya uunahan na kita." madiin niyang sabi. Ngunit hindi niya namamalayang unti-unting  kumakawala si De la Vega sa pagkahawak niya and I mentally smirk.

"Mamamatay kayong dalawa ngayong gabi." sabi niya na may matagumpay na ngiti.

"Talaga lang ha? At sa tingin mo hahayaan kong mangyari ang gusto mo?" sabi ko nang may nakakalokong ngiti. Kailangan kong samantalahin ang pakikipag-usap niya para may sapat na panahon pa si De la Vega para makawala at para makakuha ako ng tamang timing para makuha ang baril na hawak niya. Matagal siyang nakatitig sa akin bago siya nakapagsalita.

"Aba. Isa kang matapang na binibini. Nakakamangha ngunit hindi mo ako madadaan sa katapangan mo dahil batid kong hindi magtatagal ang tapang mo." nakangisi niyang sabi.

Naglakad ako papalapit sa kanila na bitbit pa rin ang nakakalokong ngiti.

"Kung ganoon, hindi mo rin ako madadaan sa mga walang kwenta mong salita." seryoso kong sabi at walang pasabing kinuha ang braso niya at mabilis na pinilipit papunta sa likod para mabitawan niya ang baril na hawak niya. Narinig ko siyang napasigaw sa sakit. Agad kong kinuha ang baril sa sahig at tinutok sa kaniya.

"Sa tingin ko'y ikaw ang malalagutan ng hininga ngayon gabi." sabi ko habang nakatutok pa rin sa kaniya ang baril.

Isa.

Saving The Governor-General (Completed) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon