KABANATA XVIII

1.9K 85 1
                                    

Hi guys! This will be a short update. Kasi talagang tinatapos ko na tong isulat kaya sorry natagalan. I hope you understand. Malapit na talaga tayo kaya kapit lang!

--

"Alam na niya ang lahat." napatingin ako sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin?" yeah I know that's a lame question to think that I already know the answer. Pero kahit ganoon gusto ko pa ring magmula mismo sa kaniya ang sagot.

"Nahuli niya ako. Lagi niya akong hinahanapan ng butas sa kahit anong sabihin ko. Hanggang sa nahuli niya ako kahit pa nababasa ko ang isipan niya." sagot niya.

"Kung ga—

"Saka na kita sasagutin. Iligtas mo muna si Martin." sabi niya at biglang naglaho na para bang hindi siya napapansin ng kahit sino at ako lang ang nakakita sa kaniya. Mabilis kong ibinalik sa mag-ama ang atensyon ko. Hindi! Iilang dipa na lang ang pagitan nila habang nakatingin sa isa't-isa. Pareho silang may baril na hawak pero kung tuso ang iyong kalaban talgang matatalo ka. Hindi man napansin ng iba pero malinaw kong nakita na binigyan ng ama ni De la Vega ang isang lalaki sa likod ni De la Vega ng isang makahulugang tingin. Narinig na lamang namin ang hindi isa kundi dalawang magkasabay na kasa ng baril. When I lay my eyes back to them, they point the gun to each other's head. Tila natigilan ang lahat sa nasaksihan. Makikitang may sinasabi sila sa isa't-isa dahil gumagalaw ang kanilang mga bibig.

Bago pa man ako maunahan ng pagkakataon, ay mabilis kong pinagdugtong-dugtong ang lahat at isinagawa ang dapat kong pigilang mangyari.

"Isa." sambit ko.

"Ano ang iyong sinasabi?" tanong ni Rafael pero hindi ko siya pinansin. Hindi siya dapat mawala sa paningin ko.

"Dalawa."

"Tatlo!"

Mabilis akong tumakbo papalapit sa lalaking iyon at buong pwersa siyang sinipa sa ulo niya. Mabilis kong kinuha ang kaniyang baril at walang pag-aalinlangan siya binaril. Dumagundong ang putok ng baril sa buong paligid dahil sa aking ginawa. Kaya kaagad na nagsikasaan ng mga baril ang lahat ng mayroon at nagpatuloy sa pakikipaglaban. Nakita kong wala sa sarili si De la Vega at parang malayo ang iniisip nito. Habang humahakbang na ang kaniyang ama patungo sa kaniya bitbit ang nakakalokong ngiti. Tsk! As if I'm goona let it happen.

"De la Vega!" tawag ko sa kaniya. Nagising siya sa katotohanan at napatingin sa akin na tumatakbo patungo sa kaniya.

"Isabel!" banggit niya sa pangalan ko.

I quickly reach for his hand and grab it with all my might. At narinig namin ang isang putok ng baril na nanggaling sa kaniyang ama. Napapikit ako nang bumagsak kami sa lupa. I can feel the pain but I just ignore it. Dinilat ko ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang mga nakakahalinang mga mata. I pull myself together and get over before it captivate me deeply.

"Bakit mo ginawa iyon? Nababaliw ka na ba?" nag-aalala kong sigaw sa kaniya habang bumabangon. Hindi pa siya nakakapagsalita ay tumambad na agad sa amin ang ama niya.

"Sa wakas ay nakilala na rin kita." sabi niya habang nakatutok ang baril sa akin. I smirked right infront of his face.

"Nagagalak akong makilala ka rin, Don Lucianno De la Vega." sarkastiko kong sabi.

"Hindi ko akalaing isang binibining tulad mo ang magiging malaking balakid." sabi niya.

Hindi ako nagsayang ng oras at sinugod ko siya. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para matalo siya ngunit talagang tuso siya. Madumi makipaglaban. Iilan na rin ang natamo kong sugat pati na rin si De la Vega. Nakahandusay ako sa lupa na hinahabol ang hininga ko habang pinipigilan ang dugong lumalabas sa tagiliran ko. Di ko nahata na may patalim pala siyang dala maliban sa baril. Malakas din siya at di makakaya ng isang tulad ko lang ang talunin siya.

Papatayo na sana ako nang sumugod siya sa akin at diniinan ang patalim sa leeg ko. Napapikit ako sa sakit pero tiniis ko na lamang kailangan ko siyang madaig.

Habang tanaw ko si Carlos sa di kalayuan at papalapit sa amin. Good timing. May dala siyang pamalo at siguradong iyon ang gagamitin niya. Hinayaan ko lang siyang magsalita ng kung anu-ano habang nasa likod ko si De la Vega. Naging mahigpit ang kapit niya sa braso ko kaya bahagya akong napatingin sa kaniya. Madilim ang ekspresyon ng kaniyang mukha na nakatingin sa kaniyang ama. Napabalik ang tingin ko sa aking harapan ng marinig ko itong magkasa ng baril.

Nakangiti ito ng nakakaloko na para bang siya ang mananalo sa digmaang ito. Napapikit ako at nagmistulang bumagal ang lahat sa aking paligid at tanging putok ng baril ang naririnig ko. Kasabay ng pagdagundong ng putok baril ay naramdaman kong hinila ako ni De la Vega sa kaniyang likod. Napadilat ako at huli na ng mapagtanto ko ang kaniyang ginawa.

Tumalsik ang dugo sa aking katawan at bumagsak siya sa aking mga braso. For the nth time, I froze again. Parang tumigil ang mundo sa sandaling nasilayan ko ang kaniyang kalagayan. Hindi...hindi dapat ganito. Dahil dapat sa kahit anong paraan o dahilan man, ako ang dapat magligtas sa kaniya.

Patuloy na tumutulo ang dugo sa kaniyang balikat. Hindi ko malaman ang aking gagawin. What's gotten into me? In times like this, I definitely know what to do but what now Brave? What now???!!! Goodness!!

Pero isa lang ang naiisip ko, ayokong mangyari ito. Ayokong mawala si De la Vega. I'm afraid of losing him and I'll do everything, in any way.

Ginawa ko ang lahat ng makakaya para mabalik ako sa ulirat at iligtas si De la Vega. Kaagad kong hinanap ang sugat niya at gumawa ng paraan para pigilan ang patuloy na paglabas ng dugo. Napatigil ako at napatingin sa kaniya nang maramdaman ko ang kamay niyang hinaplos ang aking mukha. Hindi ko namalayang may tumatakas na palang mga luha sa aking mata. Nagkrus ang aming mga mata and for the first time I saw glow in his eyes.

"Pakiusap huwag kang umiyak. Hindi ko ibig na masilayan na ika'y malungkot." sabi niya.

Wala akong mahagilap na tamang salita na sasabihin at dali-daling pinunasan ang mga taksil kong luha. Ibinangon ko siya nang magsalita na naman siya.

"Hindi ko pinagsisisihan ang aking ginawa sapagkat ika'y aking nailigtas." sabi niya.

Sa gitna ng magulong lugar, nagkalat ang mga dugaan, may naglalabanan at nagpapatayan. Walang humpay na sigawan ng mga taong puno ng takot, nakakabinging mga pagsabog, at ang unti-unting pagdilim ng paligid dahilan ng pagkasira ng gandang ibinibigay nito dulot ng madugong digmaan. Nasilayan ko ang kaniyang ngiti, sa kauna-unahang pagkakataon.

--

Short update sorry again.
-blionsky

Saving The Governor-General (Completed) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon