Bawi.. bawii timmee😁😁
--
"Alam ko ang eksaktong lugar kung saan sila naninirahan, Cañerez. Hindi mo ako malilinlang." sabi ko. Nakita kong namuo ang kamao sa kaniyang mga kamay at naging matalim ang kaniyang mga tingin.
"Wala kang karapatang galawin sila! Sino ka ba at nanghihimasok ka sa mga bagay na sa isang binibining katulad mong walang kamuwang-muwang, ay nandito at nangingi-alam?!!" sigaw niya. Nanlalait talaga? I clenched. Discrimination. Discrimination is the only thing that comes in my mind.
"Para lang sa iyong kaalaman, ako ang guardia personal ng Gobernador-Heneral na inatasan ng kaniyang ina na si Doña Celestina." matapang kong sagot..
Natahimik siya nang ilang saglit pero nagsalita na rin siya. Nakatingin lang siya sa lupa na parang blanko ang kaniyang mukha.
"Sa likod ng hancieda De la Vega, doon nakatago ang aking mga kasapi. At ang aming pinuno. May lihim doon na daan papunta sa ilalim kung saan may isang malaking silid. " dire-diretso niyang sabi.
Bigla akong napatingin sa mag-ina. Mayroon pa lang lihim na silid sa hacienda nila? Mukhang ama niya talaga ang papatay sa kaniya. At kung tama ang kutob ko, ang ama nila ang pinuno.
"At sino ang inyong pinuno?" tanong ni Doña Celestina. Unti-unti niyang iniagnat ang kaniyang paningin sa amin.
"Walang iba kunng di si.......Heneral Rafael." sagot ni Hernan.
Teka ano? Si Rafael? Pero paano at bakit? Yung pilyong lalaking yun? Ano ang dahilan niya para patayin si De la Vega? Wala akong makitang matibay na dahilan. Hindi ba daat ama niya ang salarin o pinagtatakpan lang nito ang kanilang tunay na pinuno? Dahil ito ang ama ng kanilang papatayin.
"Huwag kang magparatang! Imposible ang iyong sinasabi!" galit na sabi ni De la Vega.
"Tama nga si Rafael. Talagang malaki ang iyong tiwala sa kaniya." sabi niya ng may nakakalokong ngiti.
Naging mabilis ang mga pangyayari at biglang hinugot ni De la Vega ang baril na hawak ko.
BANG!
Napapikit ang iba dahil sa impact pero ako ay nakatingin lang sa nangyayari. Tiningnan ko ang direksyong kinalalagyan ng bala. Nakita kong may butas ang pader sa likod ng bihag na si Hernan at ito ay malapit lang sa kaniyang noo. Sinadya niya bang hindi patamaan si Hernan?
Nanginginig ang kaniyang kamay na nakahawak sa baril na may madilim na ekspresyon sa mukha. Sa kalagayan ni De la Vega ngayon, kaya na niyang pumatay ng walang awa pero mas pinili niyang hindi gawin. Bakit? May kailangan pa ba siya iba sa taong to o kay Rafael? Inihagis niya ang baril at nagsalita.
"Pahirapang mabuti ang bihag." malamig niyang sabi at direstong naglakad palabas.
--
Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung bakit si Rafael ang naging pinuno katulad ng sinabi ni Hernan kanina. Naguguluhan na ako. Nasaan ba si Orasan?
"Hoyy... Orasan!"
Sabi ko sa isip. Ilang segundo pa akong naghintay pero wala pa ring sumasagot.
"Hooyy Carlos."
"Bakit? Miss mo ko?" napapitlag ako nang may nagsalita sa tabi ng bintana ng kwarto ko kaya napatingin ako sa kaniya.
"Bakit ba ang hilig mong manggulat?! Gabing-gabi na!" asik ko. Naka-crossed arms siyang nakasandal sa tabi ng bintana na naka itim lahat ang suot na damit. Habang bahagyang nakacross din ang mga paa niya.
BINABASA MO ANG
Saving The Governor-General (Completed) ✓
Historical FictionMost impressive rank: #1 police Most impressive rank: #1 tragic Most impressive rank: #4 time travel -- She is just a police woman doing her job with all her heart. She is fierce. She is strong. She is Inspector Brave Anderson. But behind of this al...