KABANATA IV

3.6K 163 12
                                    

Talaga namangg!! Ang aga pa ngayon. Akalain niyo yun madaling araw pa lang ngayon pasado alas singko well that's what Rosa said that it's 5:00 a.m. in the morning. Gising na silang lahat at nagtatrabaho na. Sabi ni Rosa mga alas kuwatro y medya nang madaling araw ay gising na siya pero mas maaga pa rin daw gumising sina mang Bernardo at aleng Lita.

Kaya heto ako nagising na rin kahit hindi ito ang nakasanayan kong oras ng paggising. Teka bakit parang ang busy nila? Tapos pansin kong nakabihis sila. Saan ba ang lakad ng mga to? Matanong nga si Rosa.

"Ahh..Rosa..saan ba kayo pupunta? Bakit parang abala kayo?" tanong ko.

"Ahh... kasi kailangan naming maging maaga sa pinapasukan namin." huh? Pinapasukan? Bakit may klase ba silang lahat? Diba mga lalaki at mayayaman lang ang pwedeng mag-aral? Oo alam ko yun. Pinag-aralan ko kaya ang kasaysayan noon.

"Huh? Anong ibig mong sabihin? Pinapasukan?"

"Oo.. pinapasukan naming trabaho. Lahat kami ay nagtatrabaho dito. Kasi ayaw naming akuhin lahat ng mga magulang namin ang responsibilidad kaya nagpagpasyahan naming magkakapatid na magtrabaho din para maging magaan lang ang lahat para kina ina at ama." ngayon ko lang napansin, bakit laging ang haba ng pinagsasabi nitong si Rosa?

"Pati si Emman?" oo nga sabi niya silang lahat kaya pati si Emmam. Ehh napakabata pa kaya nun, he's only 5 years old for Pete's sake!
Pagtingin ko ay umiling siya, "Hindi kasali si Emman dahil napakabata pa niya para sa mga bagay na ito." dapat lang no. Child abuse kayo. Kung nasa 2018 kayo naku.. Welcome na welcome kayong tatanggapin ng bilangguan kung nagkataon.

"Dapat lang kasi napaka-inosente pa niya. Marami pa siyang dapat matuklasan at dapat ang iisipin lang niya ay ang mga bagay kung ano ba dapat o paano ba ang isang bata." sabi ko naman. Tama naman ahh.. A child should enjoy his/her years of being a child who's still innocent and still free from harm of life. Unlike my chilhood years that not a normal child can have.

"Isabel ayos ka lang ba?" tanong ni Rosa.

"Huh? Ahh..oo naman. Ba't naman ako hindi magiging maayos?" tanging naitugon ko.

"Para kasing malungkot ka. May bumabagabag ba sa iyo? Baka makatulong ako."

"Wala naman naalala ko lang ang pagkabata ko." wala sa sariling naisambit ko. Kasi tulala lang akong nakatitig sa sahig.

"Ipagpaumanhin mo, hindi ko ibig na maungkat ang mga alaala na nais mong kalimutan."

"Ahh.. Hindi ayos lang." sabay pag-angat sa kamay na pinapahiwatig na ayos lang.

"Baka malate--ahh...ibig kong sabihin ay baka mahuli ka na sa iyong pupuntahan." Tsk!  Muntik na iyon ah!

"Hindi lang ako mag-iisang aalis." huh? Ehh sino bang kasama niya?  Ayy.. Oo nga pala..

"Oo tama.. Kayo pa lang lahat ang aalis." sabi ko.

"Lahat. Ibig sabihin kasama ka." nagulat at nagtaka ako sa sinabi niya.

"Ako? Bakit naman ako napasama?" naguhuluhan kong tanong sa bay turo sa sarili ko.

--

Wwooww!!  Di ko akalaing ganito pala kaaliwalas at kaganda ang panahon noon. Kung saan hindi pa napakainit ng araw kapag umaga pa lang. At ang mga tao ay napakamasipag. Kahit maaga pa lang ay kumilkilos na sila para magsimulang magtrabaho. Nakakamangha lang isipin na nandito ako at nasasaksihan ang mga bagay na nakasulat sa kasaysayan ng Pilipinas. Na sa panahong ito talagang nagsusuot sila ng traditional na kasuotan ng Pilipinas.

Nandito kasi kami ngayon sa bayan. In the market to be exact. Napakalayo talaga nito kumpara sa kung ano ang nasa kasalukuyan. Buhay na buhay ang mga tao dito para kumilos kahit napakaaga pa. Sabi kasi ni Rosa, wala siyang pasok ngayon at iniutos sa kaniya na siya muna ang magbabantay kay Emman. At kailangan naming mamili ng mga sangkap para sa hapunan mamaya kasi iniutos din daw ni aleng Lita. Kaya nandito kami sa sentro ng pamilihan dito sa bayan ng.... ano nga ba iyon?  Ahh basta..

Saving The Governor-General (Completed) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon