KABANATA XI

2.5K 117 3
                                    

Ang awkward. Yan lang ang masasabi ko. Napag-alaman naming tumakas agad ang magkasintahang nakita namin nang bumagsak ang mgalalagyan ng libro. At buti na lang bago pa dumating ang mga guardia ay nakarecover na rin kami sa posisyon namin kanina. At buti na lang din wala namang gasgas at mga sugat na natamo si De la Vega.

Hayyss... paano ba 'to?

Nandito kasi ako ngayon sa office ni De la Vega. May kailangan daw kaming pag-uusapan na importante. Kanina pa ako nabibingi sa katahimikan. Hanggang kailan kaya kami magiging ganito? Gabi na ngayon. siguro bandang alas sais na nang gabi. Ano ba ang pag-uusapan namin? Ako na nga lang ang magtatanong pagong kasi 'tong si De la Vega! Tsk!

"Hoy... Grabe lang Anderson?" biglang sabi ni Carlos aka orasan. Di ko siya pinansin.

"Ano ang pag-uusapan natin?" basag ko na sa katahimikan. Ibinaba niya ang mga papeles na hawak niya at nagsalita.

"Saan mo nakuha ang mga impormasyon sa katauhan ni Hernan Cañerez na siyang bihag?" tanong niya. Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.

"Mahalaga pa ba iyon? Basta ang importante nalaman natin ang katauhan niya." kalmadong sabi ko.

"Kailangan kong malaman iyon Isabel para sa mga malalim na pag-iimbestiga." bwelta naman niya and this time he said it straight to my eyes. I sigh.

"Simple lang naman, De la Vega. Ito.. " sabay kuha sa larawang aking ginuhit na mukha ni Hernan. Kung tama ang nakikita ko, pagkamangha ang namamayani sa kaniyang mukha.

"Kung gusto, maraming paraan. Kung ayaw maraming dahilan. Kaya naisipan ko ang paraang ito at ako mismo ang nangalap ng mga impormasyon. Madali lang naman ang magtanong De la Vega." pagpapatuloy ko.

Kung gusto, maraming paraan. Kung ayaw maraming dahilan.

Ito ang mga katagang isa sa mga natutunan ko sa pagiging pulis. Alam kong gasgas na ang mga katagang ito pero hindi naman ito gasgas sa pagbibigay sa akin ng pananaw sa buhay. Kapag determinado kang makuha ang isang bagay, gagawa at gagawa ka nang paraan para makuha iyon. Pagsusumikapan mo. Lalaanan mo nang oras at panahon. Pagpapawisan ka bunga ng iyong pagsusumikap. Ngunit nakakalungkot lang na isipin, na ganito ring uri ng konsepto ang mga maaaring dahilan kung bakit nakakagawa ng krimen ang mga tao. Nababahiran ang mga katagang ito ng kasamaan kung sa una pa lang, masama na ang iyong layunin.

"Hindi ko inaasahang ikaw ay mahusay sa pagguhit Isabel." napabalik ako sa realidad. Did I heard it right? Is that a compliment? Pinupuri ako ni De la Vega? Wow! Once in a blue moon o talagang ngayon ko lang narinig si De la Vega mag-compliment ah!

"Alam mo ikaw, ang seryoso mo pa rin kahit dapat maging masaya ka sa sinasabi mo." sabi ko naman. Tumikhim naman siya at umayos ng upo.

"Alam mo bang ikaw lang ang may lakas ng loob na makipag-usap sa akin ng ganito? Hindi ka ba natatakot? Dahil kaya kong wakasan ang buhay mo kung nanaisin ko lamang." sabi niya nakapagpatigil sa akin. Naninibago ako. Nagtataka ko siyang tiningnan.

--

Nagising ako ng maaga at sinundan si Rosa sa kanilang bahay. Nakita ko siyang umalis dito sa hacienda kanina kaya sumunod ako. Hindi ko rin maatim na makita o makasalubong man lang si De la Vega kasi dahil sa nangyari kahapon. At dun rin sa sinabi niyang papatayin niya ako. Talaga lang ha? Ngayon pa niya naisipan yun? Sasagot na sana ako nun pero may dumating kaya ayun nakawala sa kapahamakan.

"Ama...kailangan ba talaga kayong umalis?" tanong ni Rosa kay mang Bernardo. Aalis na kasi siya patungo sa kanilang probinsya upang tulungan muna ang kaniyang mga magulang doon. Ako naman ay naghuhugas ng pinggan sa aming mga pinagkainan. Nang magising kasi ako kanina, dumiretso agad ako dito sa bahay nila Aling Lita nang makita kong papaalis si Rosa sa hacienda kaya sinundan ko siya.

Saving The Governor-General (Completed) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon