KABANATA XIII

2.4K 121 8
                                    

THIRD PERSON'S POV

Hindi mapalagay si Martin sa kaniyang kinauupuan habang nakatingin sa babaeng nakahiga sa kama. Nag-iisip kung paano nangyari ang lahat. Ngunit ang hindi niya maintindihan ay ang pag-aalalang umuusbong sa kaniyang kalooban. Hindi niya mawari kung bakit siya ay lubos na nag-aalala para sa binibining nagligtas sa kaniya mula sa kapahamakan. Sa sandaling nakita niyang duguan ito, tila ba parang nawasak ang kaniyang mundo. Parang nabuhusan siya ng malamig na tubig ng masaksihan niya iyon. At kusa na lamang gumalaw ang kaniyang katawan upang puntahan ito.

Kanina pa siya nag-iisip at nakatingin sa babaeng ilang araw ng walang malay. Maging si Doña Celestina at Rosa na tagapagsilbi ay lubhang nag-aalala sa kaniya. May mga pasa ang biglang makikita sa mga braso at leeg nito. Hindi agad nila ito napansin noong una ngunit lumipas ang mga araw ay nagtataka silang may mga pasang biglang nakita sa kaniyang braso. Noong una, malilit lamang ngunit sa pagdaan ng araw naging marami na ang mga ito. Kung kaya't hindi nagdalawang isip si Martin na magpatawag ng doktor.

Ilang sandali pa ay tapos ng suriin ng doktor si Isabel.

"Ano ang kaniyang kalagayan?" mabilis na tanong ni Martin. Kalmado man ngunit talagang mahihimigan ang kaniyang pag-aalala sa kaniyang pagsasalita.

"Sa ngayon ay mas naging mabuti na ang kaniyang kalagayan kung ihahalintulad sa mga nagdaang araw. Ngunit ang ikinababahala ko ay ang mga pasa sa kaniyang braso at leeg pero hindi lang doon maging sa kaniyang mga hita at tiyan maging sa kaniyang likod ay mayroon ring mga pasa." mahabang paliwanag ng doktor.

"Ano ba ang ibig sabihin ng mga iyon? May malubha ba siyang sakit?" sunod-sunod na tanong ni Rosa. Dahil maging siya ay hindi mapalagay simula nang mangyari ito sa kaniyang kaibigan lalo pa't mag-iisang linggo na itong walang malay.

"Hindi ko pa batid sapagkat ngayon lamang ako nakasaksi at nakakita ng ganitong uri ng karamdaman. Sa aking palagay ito ay hindi pangkaraniwang sakit." tugon ng doktor.

Nakapikit man ngunit gising ang kaniyang diwa at nakikinig sa usapan ng mga tao sa kaniyang paligid. Alam niya namang may malubha siyang sakit ngunit wala siyang balak na sabihin ito kahit kanino. Minulat niya ang kaniyang mga mata at nilibot ang paningin.

"Isabel! Salamat sa Dios at ikaw ay nagising na!" masayang sabi ni Rosa.

Bumangon naman si Isabel sa pagkakahiga na kaagad tinutylan ni Martin.

"Huwag ka munang bumangon sapagkat hindi pa iyon maaari." mahinahon niyang sabi ngunit sa kaloob-looban niya ay malubha siyang nag-aalala para sa kaniya.

"Tama si Martin, Isabel. Nararapat lamang na huwag ka munang bumagon para mabawi mo ang iyong lakas." dadag naman ni Doña Celestina na maging siya ay nabuhayan ng loob sa kaniyang paggising.

"Tsk! Ilang araw na ba akong walang malay?" walang gana niyang sabi na nakatingin sa doktor. Nagulat ang lahat sa inasal niya sapagkat parang may kakaiba sa kaniya. Hindi naman maintindihan ni Martin kung bakit naging ganito ang kaniyang pakikitungo sa kanila. Parang ang lamig ng kaniyang pakikitungo, bagay na kailan ma'y di nila inaasahan.

"Mag-iisang linggo na, iha." matipid na sagot ng doktor.

Eto ang pinakaayaw niya sa lahat, ang maging pabigat sa iba. Kaya ganito na lang ang pagiging malamig ng kaniyang pakikitungo dahil nagagalit siya. Nagagalit siya sa kaniyang sarili. Kaya ayaw niyang ipagsabi sa iba na may malubha siyang sakit dahil sa tingin niya ay magiging pabigat lang siya. Napapikit na lamang siya at ginulo ang kaniyang buhok dahil sa inis.

"Bakit? Ano ba ang problema Isabel?" lakas loob na tanong ni Rosa. Kahit naninibago siya sa inasta ng kaibigan, nag-aalala parin siya rito. Bumuntong hininga muna siya bago magsalita at tiningnan sila.

Saving The Governor-General (Completed) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon