WARNING: You may encounter grammatical errors. Wrong spellings because of my typos.. Hehhe... sorry..po. You can correct me, just go to comment section. I badly need feedbacks. Thank you and enjoy! 😁😁
--
"Ano ang ginawa mo sa akin?!" may mga diing sabi ko.
Hindi ko alintana ang kung sinuman ang papunta ngayon dito sa kinaroroonan namin ang sagot niya ang kailangan ko.
"Inspector.... " nagulat ako sa sinabi niya kaya napaluwag ang pagkakahawak ko sa kaniya.
"Hangga't maaari ay agapan niyo ang gulong ito." narinig kong utos ng isang lalaki.
"Masusunod gobernal-heneral!" tugon naman ng isa pang lalaki. Nagsimula na silang maglakad sa kinaroroonan namin. Hindi ko namalayang mabilis na nakawala ang lalaki sa kamay ko kaya nakatakbo siya.
Man! I can't be destructed! Brave come to your senses!! Goodness!! Ngayon pa talaga! Hindi ko na naabutan ang lalaki kaya tumakbo na lang ako para makaalis. Nakatalikod ako sa bungad na daan kung saan dapat ang daan para makaalis ngunit sa pagdapo ng tingin ko ay nakita kong paparating na ang mga taong sa tingin ko ay 'yung nag-uusap kanina.
Kailangan ko nang makaalis. Hindi nila ako pwedeng mahuli at kailangan ko pang mahanap ang lalaking iyon dahil hindi pa kami tapos. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid looking for chances to escape from this place.Hanggang sa makakita ako ng isang parang maliit na daanan. Ayun! Kaya mabilis akong tumakbo papunta roon pero iilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay may humila sa akin.
Mabilis akong napatingin sa kaniya. Magsasalita na sana ako ngunit sumenyas syang huwag akong magsalita habang hawak-hawak pa rin niya ang pulsuhan ko. Nangunot ang noo ko sa inasta niya. Base sa kasuotan niyang parang pandigma ay nabibilang siya sa isang mayamang pamilya. Diba ganoon naman noon? Na kapag ikaw ay nabibilang sa mayamang pamilya ay it's either you are a doctor or a lawyer o pwede ding isang kagaya ng nasa harapan ko ngayon na nabibilang sa pandigma.
Sinundan ko ang tinitingnan niya at pinagmasdan ang mga grupo ng mga sundalo? Hindi ko alam ang tawag sa kanila sa panahong 'to kaya sundalo na lang para mas madali. Nag-usap pa sila pero umalis rin pagkatapos. Kaya bumalik ang tingin ko sa lalaking 'to.
"Sino ka?" ang tanging lumabas sa bibig ko. Kasabay ng tanong ko ay ang pagbitiw niya sa pagkakagawak sa akin. Kasi hindi ko makita nang maayos ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin kanina pa.
Inaasahan kong haharap siya pero mali pala 'yun."Paumanhin binibini kung ako ay naging mapangahas ngunit hindi na ako magtatagal pa. Hangad ko ang iyong kaligtasan." sabi niya.
Nakita kong nanginginig ang kamay niya habang nagsasalita at pinipilit na hindi mautal sa pagsasalita. Nagtataka ko siyang tinignan. Ano ang nangyayari sa kaniya? Ayos lang siya?
"Ahh.. Sandali ginoo!" pigil ko sa kaniya. Tumigil naman siya.
"Salamat." I sincerely said. I heard nothing in response pero ayos lang atleast nakapagpasalamat ako sa kaniya. Lumakad na siya palayo kaya ako naman ay naglakad na rin palayo para umuwi kina Rosa. Okay lang naman kasi kabisado ko na ang daan patungo sa bahay nila. Kasi isinaulo ko ang daan kanina habang papunta kami dito ni Rosa. Hindi ko alam kung saan ko namana ang ang pagkakaroon ng Photographic Memory kasi mayroon akong ganito. Mabilis at madali kong natatandaan ang mga bagay-bagay kahit ilang segundo ko lang natitingnan o nakikita.
--
Hindi naman ganun katagal ang paglalakad ko at nandito na ako sa bahay nila Rosa pero iilang metro pa lang ang layo mula sa kinatatayuan ko. Naglalakad ako nang mapadako ang tingin ko sa kaliwang braso ko. Nataranta ako nang makitang may mga pasa ako pati na rin sa kabila kong braso. Natigilan ako... nang may maalala ako. Ngumiti ako nang mapait.
BINABASA MO ANG
Saving The Governor-General (Completed) ✓
Historical FictionMost impressive rank: #1 police Most impressive rank: #1 tragic Most impressive rank: #4 time travel -- She is just a police woman doing her job with all her heart. She is fierce. She is strong. She is Inspector Brave Anderson. But behind of this al...