Here it is! We're almost there! Malapit na talaga tayo.
--
Wala akong tulog na sinalubong ang bagong umaga. Kung lahat ay naghahanda para sa mangyayari ngayong araw, ako naman ay wala sa sariling makipaglaban ngayon. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang nangyari kagabi. Wala pa rin akong mahanap na dahilan kung paano niya nalaman ang tunay kong pangalan. It's like a mystery.
Pagkatapos kong bigkasin ang pangalan niya ay dumating ang ina niya para ayain na sa loob upang makatulog na. Hindi siya nagsalita at sumunod na lang sa loob sa pagpasok habang hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon ng kaniyang mukha na nakatingin sa akin bago siya umalis. Para akong tumigil sa paghinga nang mga oras na iyon. Hindi na mabilang ang mga tanong sa utak ko.
"Isabel." nabalik ako sa ulirat ng may tumawag sa akin.
"Carlos." tanging nasambit ko habang nakatingin lang sa kaniya.
"Alam na niya?" seryosong tanong niya.
"Hindi ko alam. Magulo. Ang gulo." sabi ko na nakatulala lang sa kawalan habang naglalakad kami.
"Huwag mo munang isipin at may mas mahalaga ka pang gagawin. Focus. Concentrate, Anderson." hininaan niya ang boses niya. I know what he's trying to say. Siguro nga kailangan ito muna ang pagtuunan ko ng pansin.
"Good girl." sabi niya and pat my head.
Okay. Let's straight things up. Let's do what is at hand. Ayon sa plano ni De la, kaparehong oras kami magsisimula sa oras na umatake din ang ama niya noong sumugod siya. Kaya siguradong maraming mga tao sa bayan na abala sa kanilang mga ginagawa.
Magbabalatkayo kami at hahalo sa mga tao na parang karaniwang namimili o nagtatrabaho lang. May naatasan kung sino ang magsisimula nang gulo. Gulo ang hinahanap ng ama ni De la Vega edi gulo din ang ibibigay namin sa kaniya. Hindi pinayagan ni De la Vega si Doña Celestina na sumama sa amin at umalma naman si Rafael ng gusto rin ni Rosa sumama. Kaya kasama ang pamilya ni Rosa, ay nanatili sila sa kweba.
"Hindi ko akalaing may dugong Pilipino ang ating Gobernador-Heneral." chickadora no. 1
"Maging ako ay sang-ayon sa iyong sinabi. Ngunit sa kaniyang pamumuno ay hindi na gaano marami ang mga namamatay. Dahil sa mga nagdaang Gobernador-Heneral, talagang halos linggo-linggo may namamatay at napakamarahas ng kanilang pamamalakad." chikadora no. 2
"Sa kaniyang pamumuno ay nawakasan niya ang mga ito. Ngunit marami rin ang nagsasabi na iyon ay isang palabas lamang upang mahuli niya ang ating tiwala." chikadora no. 3.
Kalat na talaga ang balita sa buong bayan. Matinik din talaga ang ama ni De la Vega. Di nagsasayang ng oras para sa mga masama niyang hangarin.
Dumagundong ang isang nakakabinging pagsabog sa buong lugar dahilan para magkagulo ang lahat samantalang hudyat iyon para sa pagsisimula. Agad na nagsilabasan ang mga guardia civil and the action starts. Ganoon rin ako, nakikipaglaban. Suntok dito, sipa doon. Hindi ko na namalayan kung saan na ako dinala ng pakikipaglaban kong 'to. Dahil ang layunin ko lang naman dito ay iwasan ang nakatakdang manyari. At yun ay ang pagkamatay ni De la Vega sa kamay ng sarili niyang ama.
Napapikit ako sa sakit ng madaplisan ako ng bala sa braso. I didn't see it coming. Napatingin ako sa bumaril para lang magulat. Si Don Lucianno De la Vega lang naman na nakangiti ng nakakaloko. Sandali nga! Bakit ako ang puntirya niya? Hindi ba dapat si De la Vega? He's devilishly grinning in me? Anong...? Nawala siya sa paningin ko nang may sumugod sa akin kaya mabilis ang naging kilos ko at ginala ang paningin ko. Nawala na. Asan na iyon?
"Hinahanap mo ba ako?" natigilan ako ng may nagsalita sa likuran ko. Kaya dahan-dahan akong napaharap only to find out that the metal thing is pointing my head. Talagang nakadikit na ito sa aking noo. Gulat man pero hindi ko iyon ipinakita sa kaniya. Naging blangko lang ang ekspresyon ko. I look at him with furious eyes. What is he plotting? Naguguluhan ako. Talagang magulo.
BINABASA MO ANG
Saving The Governor-General (Completed) ✓
Historical FictionMost impressive rank: #1 police Most impressive rank: #1 tragic Most impressive rank: #4 time travel -- She is just a police woman doing her job with all her heart. She is fierce. She is strong. She is Inspector Brave Anderson. But behind of this al...