KABANATA VIII

2.7K 110 12
                                    

Hindi nagdalawang isip si De la Vega na umalis at pumunta sa plaza na sinasabi ng lalaki kanina. Mabilis niyang pinatakbo ang kabayo habang ako naman ay kalmadong nakasunod lang sa kaniya. Wala akong choice kundi manguha ng kabayo para makahabol. Even though I'm not really familiar in riding a horse. I made a promise and I'm true to my words. Hindi ko kayang biguin si Doña Celestina. I know clearly in myself what push me to do this because I saw the resemblance of my mother to her. Kaya pumayag ako sa alok niya o mas tamang salita ang 'pakiusap' niya sa akin to look after her son. Natatakot siyang may mangyaring masama at mawala ang kaniyang anak. Dahil alam niyang tumataas ang bilang ng mga taong gustong kumitil sa buhay ni de la Vega. At hindi ko siya masisisi dahil gagawin ng isang ina ang lahat ng makakaya niya, mapangalagaan lang ang kaniyang anak.

Sinabi niyang malaki ang kaniyang tiwala sa akin na kaya kong protektahan ang anak niya. I've gain her trust and I'm afraid to break it. I have trust issues. Malaki ang pagpapahalaga ko sa salitang 'tiwala', sa mga taong pinagkakatiwalaan ko at sa mga taong nagtitiwala sa akin. Because for me it's hard to have someone's trust I mean, the trust that can last long.

"Ipadala ang indio'ng ito sa polo y servicio!" rinig kong sabi ng isang matandang lalaki. Naabutan kong nagkakagulo ang mga tao. May nakita akong isang matandang lalaking nakaluhod na galing pa binugbog. Nakaluhod ito sa harap ng lalaking nagsalita kanina na may katabing isang babae na sa tingin ko'y magka-edad kami.

Agad akong bumaba sa kinalalagyan ko at humalo sa kumpol ng mga tao. Agad akong nakalapit sa banda kung nasaan si De la Vega.

"Ako po ay lubos na humihingi ng paumanhin Don Miguel. Hindi ko po sinsadyang madumihan ang damit ni Señorita Felicia." nanginginig at utal na sabi ng matandang nakaluhod.

Nagtataka ako sa buong pangyayari. Bakit ganyan ang sinapit niya kung nadumihan lamang niya ang damit nitong 'Felicia'?

"Tumahimik ka indio! Batid kong nais mo kaming nakawan! Ipadala na iyan!" galit na sabi ni Don Miguel na sinasabi nila.

"Sundin ang utos ng Don Miguel." biglang nagsalita si De la Vega.

Nakita ko kung paano magsisisigaw at magmakaawa ang matanda habang kinakaladkad ng mga sundalong kastila o mga Conquistador. Gusto ko mang pigilan ang sitwasyon, pero hindi ito naayon sa kalagayan ng pangyayari. Wala akong nagawa at sumunod na lang sa kanila.

Nandito kami ngayon sa di ko pamilyar na hacienda. Nakasunod lang ako kay De la Vega na inaaalalayan si Felicia na makaupo kasama din ang ama niyang si Don Miguel. Bakit niya siya inaaalayan? Wala naman siyang bali o kahit man lang sugat. Hanep din 'tong si De la Vega.

"Ikaw ba'y nahihilo pa, anak?" tanong ni Don Miguel . Ahh.. Nahilo pala siya.

"Hindi na gaano, ama. Ngunit makakaya ko nang ako lang."

Sabay umupo silang tatlo habang ako namang nakatayo lang pero may distansya sa kanila. Biglang napatingin sa akin si Felicia na may supladang tingin. Ayun! Lumbas na din ang tunay na kulay.

"Sino ka at ano ang iyong ginagawa dito sa aming hacienda?" tanong niya sa mapang-insultong tono. Normal ko lang siyang tiningnan bago sumagot.

"Kasama ako ni De la Vega." sabi ko nakapagpakunot sa noo niya ng todo.

"At anong karapatan mong tawagin ng ganoong na lamang ang Gobernador-Heneral?! Wala kang galang!" galit na siya parang 'yun lang. Pero pagtingin ko kay de la Vega ay pinandilatan niya ako ng mata. Oppss.. sorry naman pero ko sasabihin 'yun. Asa siya!

"Ako ay humihingi ng paumanhin sa kagaspangan ng kaniyang ugali. At totoo ang kaniyang sinabi na kasama ko siya." biglang sabi ni De la Vega.

"Bakit kasama mo ang isang indio? Hindi iyon magandang tingnan Martin lalo pa't ikaw ay Gobernador-Heneral." si Don Miguel 'yan.

Saving The Governor-General (Completed) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon