KABANATA XVII

2.1K 91 1
                                    

Hi! I'm back. Eto naaahh! Salamat sa paghihintay. At sana magustuhan niyo.

--

It's already midnight pero hindi ko magawang makatulog. Nag-iisip kasi ako kung paano ko maisasagawa ang plano. Naisipan kong tawagin si Carlos at wala pang isang minuto ay nandito na siya sa kwarto ko.

"So, bakit mo ko tinawag?" tanong niya habang nakatayo pa rin sa kaniyang dating pwesto 'pag nandito siya.

"We'll execute the plan." I said.

"Nang tayo-tayo lang? I mean, just the two of us?"

"Oo. Gusto ko nang matapos na ang lahat ng ito."

"Okay so paano natin gagawin?"

"Iyan ang kanina ko pa iniisip. Wala akong maisip na matinong paraan. Lalo na iyong pagpapaalis kay De la Vega." I said, frustratedly.

"Hhmmm...." sabi ni Carlos while he place his fingers in his chin thinking deeply. Sandali kaming hindi nagkibuan, at nag-iisip ng malalim.

"Ako na ang bahala kay De la Vega." napatingin ako sa kaniya nang sinabi niya iyon.

"Anong balak mo?" tanong ko. But he's just grinning in me.

"Basta ako na ang bahala kay De la Vega at pagkatapos ikaw na ang bahala. Alam kong may plano ka na sa gagawin mo." sabi niya nng may ngiti.

"Okay." pagsang-ayon ko. Eh sa siya na daw ang bahala.

"Ah! One more thing, ano bang oras tayo magsisimula?" tanong niya.

"Sa tingin mo, kailan ba tayo magsisimula?" balik kong tanong.

"Uummmm.... now?" hula niya. Kaya nakangiti ko siyang tinanguan. Bigla na naman siyang naglaho. I can't wait the sun to rise.

--

Nakahiga ako ngayon dito sa kwarto ko. Everything is set. I'm just waiting for the signal of Carlos. Hindi ko alam kung ano ang pinaplano niya kay De la Vega pero binalaan ko siyang siguraduhin niyang hindi mapapahamak si De la Vega. Malalagot talaga siya sa akin. Ngunit sinabi lang niya sa akin 'Prepare yourself for the worst.' nagtaka ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi iyon. Masama ang pakiramdam ko sa kaniyang sinabi. Sana mali ako... sana talaga.

"It's showtime, Anderson." napadilat ako ng mga mata sa sinabing iyon ni Carlos. Inihanda ko ang sarili ko bago tuluyang lumabas. Siguro nasa mga alas nuwebe pa ng umaga ang oras ngayon. Ramdam ko ang pag-iba ng ihip ng hangin dito sa hacienda. Kung ang mga tao sa ganitong oras ay di magkamayaw sa paglabas, ngayon ay parang sa pagputi pa ng uwak sila lalabas. Galing din ni orasan ha! Napasunod niya talaga si De la Vega. Ano kaya ang ginawa nun? Habang papunta ako sa opisina ni De la Vega, nakaslubong ko si Rafael.

"Isabel. Magandang umaga!" bati niya sa akin na may ngiting abot tenga. Ano kaya nangyari rito? Hindi pa ako nakakasagot ay biglang lumabas si Rosa sa pinanggalingan ni Rafael. Nanlalaki ang mga mata ni Rosa na nakatingin sa akin at ganoonon rin si Rafael. Nakatingin lang ako sa kanila na nagtataka.

"Ahh... Maga-ndang ar-aw! Isabel!" bati sa akin ni Rosa na nauutal. Ano bang nangyayari? Tsk!

"Magandang umaga rin. Huwag kayong mag-alala, maasahan niyo ako. Ang lihim ay mananatiling lihim." sabi ko. I twinkled my eyes as a sign for them that their secret is safe with me.

"Maraming salamat Isabel! Ngunit paano mo nalamang kami ay.. alam mo na." sabi ni Rosa kaya napangiti ako.

"Madali lang naman. May pagkakataong wagas ka kung makangiti na ngayon ay nakumpirma ko na kung bakit. At kapag nagkikita kayong dalawa ay parang kumikislap ang inyong mga mata." sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Alam kong nakasunod lang sila sa akin. At di na nila natiis at nakipantay na sila lang lakad sa akin. Panigurado magtatanong ang mga ito.

Saving The Governor-General (Completed) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon