Parang sa isang iglap lang bumalik ang lahat sa dati at gumagalaw na ang takbo ng oras pati na rin ang mga tao sa paligid ko. Sandali hindi ko pa natatanong ang mga tanong na matagal ng nasa utak ko. Pero gustuhin ko man wala na akong nagawa pa kasi umusad na ang oras at nagsimula na silang gumalaw.
"Hindi ko sinasang-ayunan ang iyang pasya, Martin. Nais kong palayin mo na lamang sila." matigas na sabi Ni Doña Celestina.
Teka nga. Sandali.. ano na nga ang nangyari kanina?
"Ngunit ina karapatdapat lamang na sila ay maikulong pagkat kayo ay muntik ng malagay sa kapahamakan. Alam niyong hangad ko lagi ang iyong kailgtasan. " kontra niya sa kaniyang ina.
"Naiintindihan kong mabuti iyon anak. Ngunit ako ang nasasakdal dito at sa akin mismo nanggaling ang pasya na huwag na silang ikulong pa." paliwanag naman ng kaniyang ina. Ngunit makikita sa ekspresyon ng mukha ni de la Vega na hindi siya kombinsido.
"Fernando...ano sa tingin mo ang husga dito? Pagkat alam kong kabisado mo ang batas dahil ikaw ay isang abogado." sabi niya na tumingin sa abogado sa gilid niya. Ngayon ko lang siya napansin.
"Sa aking palagay Gobernador-Heneral, ay wala tayong ibang magagawa sapgkat sa iyong ina na mismo nanggaling ang pasya na syang nasasakdal sa kasong ito." magalang na sagot niya.
Tila napaisip ng mabuti 'tong de la Vega'ng 'to ah! Ganyan nga magisip kang mabuti. Tsk! Ilang sandli siyang tahimik ngunit sa huli nagsalita na rin siya.
"Ina, ikaw ba ay nakakasiguro na sa iyong pasya?" tanong niya sa kaniyang ina. Wow ah! Segurista lang?
"Oo aking anak. Ako'y siguradong-sigurado na sa aking pasya." sagot naman ng kaniyang ina at tumingin siya sa akin ng may ngiti. My eyebrows raised. Nagtataka ako sa mga inakto niya.
"Kung ganoon ay wala na akong magagawa pa. I-urong ang pagpapakulong sa kanila at bigyan sila ng kalayaan alinsunod sa pasya ng nasasakdal sa kasong ito. Ang pahayag na ito ay pinagtitibay kong maging pasya sa kasong ito. Ang kasong ito ay sarado na. " finality is the only thing that comes in my mind when he said those words. Thank goodness! The case was closed.
"Sabihin mo na sa hukuman at ang mga opisyal na ang kasong ito ay maayos na nabigyan ng karampatang solusyon. At hindi na dapat palawigin pa ang kasong ito. "
"Masusunod, Gobernador-Heneral."
"Makakaalis ka na."
Umalis na ang abogado at kaming lima na lang ang nandito sa loob.
"Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong naging pasya, Doña Celestina. " sabi ni Rosa habang nakaluhod kasama si Emman. Nakakunot ang noo ko sa ginawa nila. Halos maiyak na si Rosa at talagang nanginginig siya kaya hinimas ko ang likod niya.
"Rosa, ayos ka lang ba?" tanong ko.
"Oo, Isabel ako'y mabuti lamang." sagot niya habang nakayuko pa rin at sumisinghot pa.
"Hindi mo iyan kailangang gawin iha." nagsalita si Doña Celestina. Kaya napatingin kami sa kaniya. Ramdam ko ang pagtitig ni de la Vega sa akin na hindi ko maintindihan kung bakit niya ako tinitingnan.
"Dapat ko lamang itong gawin sapagkat napakalaking utang na loob ang inyong ginawa, Doña Celestina." sabi ni Rosa na nakayuko na ulit.
"Hindi na kailangan na ikaw ay lumuhod. Tumayo ka't umupo na. Kagustuhan ko rin ang naging pasya ko sapagkat may utang na loob din ako sa binibining iyong kasama." malapad ang ngiting aniya.
"At ano naman iyon ina?" sabat naman ni de la Vega. Hayss.. suplado pala 'to?
"Hindi mo ba naalala Martin? Siya ang babaeng nagligtas sa akin at ang tumulong sa iyong matalo ang mga rebelde."
BINABASA MO ANG
Saving The Governor-General (Completed) ✓
Historical FictionMost impressive rank: #1 police Most impressive rank: #1 tragic Most impressive rank: #4 time travel -- She is just a police woman doing her job with all her heart. She is fierce. She is strong. She is Inspector Brave Anderson. But behind of this al...