KABANATA XXII

2.1K 82 2
                                    

Good evening everybody! Here's the second update for today! I hope you like it.

NOTE: Ang mga sumusunod ay bunga lang ng imahinasyon ko. Na mention ko po kasi ang Philippine National Museum na kung saan hindi ko alam kung ano ang nasa loob nito. Tanging imahinasyon ko lang po talaga ang mga mababasa niyo tungkol sa loob ng museum at iba na may kaugnayan sa kasaysayan ng ating bansa. Hindi po ito nakasulat sa ating kasaysayan kaya huwag po kayong malito o ano. Yun lang. Have a good reading time.

--

"Ready your gears and put in mind the plan. This is an important operation. Let's give our best. Remember our Philosophy?"

"Service, Honor and Justice!" we said in chorus with our hearts in it. Habang kami ay tuwid na nakatayo and put our right hand in the part of our foreheads.

"Alright. Let's do our mission right and just!" Chief Alvarez said.

"Roger!" we said in top of our hands as we give our final salute.

Ilang minuto pa ang lumipas ng nagbigay na sila nang hudyat para pasukin na namin ang museum. With our gears on us, we quickly walk fast without any sound.

"Inspector, ang init naman!" bulong ni James! Pambihira naman! Kahit kailan talaga itong si James!

"Shut up!" asik ko naman at tumahimik siya pero nakangiti nang nakakaloko. Tsk! We turn to the left as we follow the command. Pero napatigil ako nang may alaala na namang pumasok sa isipan ko.

Natagpuan ko ang sarili ko sa isang kagubatan. May tumawag sa akin at sinabihan akong huwag siyang alalahanin dahil may dapat pa akong iligtas. Duguan siya dahil may tama siya sa katawan. Nagkakagulo sa paligid ko, naglalabanan ang mga tao. Sa gitna ay may bahay na nakatayo. At ang ipinagtataka ko ay alam ko ang rason kung bakit kami narito iyon ay para gawing hostage ang taong nasa loob. Nakita ko ang sarili kong nakikipaglaban rin sa mga nandito. Hanggang sa may nakabangga akong isang lalaki. Nagtagpo ang mga mata namin pero what's weird is his face is blurred but I can clearly see his eyes looking at me.

"Martin." bigkas ko sa pangalan niya at mabilis na kinuha ang kaniyang kamay. Hinila ko siya papalapit sa akin. At kami ay nagmistulang magkayakap sa isa't-isa. Habang siya ay natalikod at nakasandal sa akin, kinasa ko ang baril at walang pag-alinlangang pinaputok ito sa taong papalapit sa amin.

"Isabel." sabi niya na nakatingin pa rin sa akin.

"Hindi ba't ikaw ay nangakong hindi mo hahayaan ang iyong sarili na masaktan." puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha at sa tono ng kaniyang pananalita. I feel the electric rays in my system the moment he laid his hands in the part of my forehead. Maingat niyang hinawakan ang noo kong may sugat habang may pag-aalala.

Ano na naman iyon?! Sino ba talaga si Isabel? At sino si Martin? At yung lalaking nakabunggo ko? Iisa lang ba sila nang lalaking tinawag kong Martin? At bakit Isabel ang tawag niya sa akin?

"Inspector Anderson!" napabalik ako sa wisyo nang may humawak sa aking mga balikat at niyugyog ako. Napatingin ako kay James.

"Huh? Bakit?" sabi ko at napahawak sa ulo kong masakit na.

"Kanina ka pa natutulala. Bigla ka na lang tumigil at buti na lang nakapagpalusot ako." nag-aalalang sabi niya.

Napayuko ako habang hawak pa rin ang ulo kong masakit. Naging mabigat ang mga paghinga ko bago ako humarap ulit sa kaniya.

"Bakit? Ayos ka lang? Ayan na naman ang sakit ng ulo mo. Bakit ba kasi hindi mo na lang sabihing may dinadamdam kang sakit?!" tila inis niyang sabi. I just tapped his back a gesture that can calm him.

Saving The Governor-General (Completed) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon