Chapter VIII

172 6 1
                                    

"MOMMY, aren't you gonna come with me?" Si Lanz habang inaayos ko ang damit niya.

Maaga itong nagising kaya napilitan rin akong bumangon ng maaga. Hindi pa rin ako pumapasok sa opisina kahit na nga ba magdadalawang-linggo na kami dito sa tinitirhan namin sa America.

"No, baby. Ikaw lang." Ani ko at tinapos na ang pag-aayos sa kanya. Agad akong tumayo ng makontento sa suot at ayos ng anak ko.

"Bakit po? Ayaw niyo pong nakita si Daddy Redrick at Mama Kella?" Napalunok ako sa tanong ng anak ko at nag-iwas ng tingin.

After two weeks, the couple decided to visit Lanz. Of course, they contacted me but I let my secretary, Kalil, talk to them. Irarason kong busy ako o di kaya ay nagpapahinga. Wala akong planong magpakita sa kanila, at least, not now. Masyado pang maaga para magkita-kita kaming muli.

"Call your Aunt Dana, Lanz. Tell her I want to talk to her." Imbis na sagutin ang anak ko ay inutusan ko ito.

Nakasimangot na tumango siya at saka bumaba ng kama bago lumabas ng kwarto. Nasa kabilang kwarto lang naman si Dana at hindi rin naman kalakihan ang bahay namin kaya alam kong madali itong makakapunta sa pinsan ko.

Ilan pang sandali at bumukas ang pinto at iniluwa nun ang pinsan ko na hila-hila ng anak ko.

"Careful, baby." Ani Dana na halatang nagpipigil na hindi mahila ng tuluyan ni Lanz para hindi sila humalik sa sahig.

"Lanz, stop it. You'll drag yourself down together with your Aunt Dana." Saway ko naman agad sa anak ko. Malakas ito para sa edad nito kaya baka makuyog niya si Dana at pareho silang lumagapak sa sahig.

"Okay, mommy." Aniya at umayos na ng tayo. Lumapit naman ako dito at pinantayan siya. "Mag-uusap lang kami ng Aunt Dana mo pumunta kana sa ibaba, okay?"

Tahimik na tumango ang anak ko at mabilis na tumalikod. "Careful, Lanz!" Sigaw ko ng madinig ang pag-iingay ng hagdan dahil sa pagtakbo nito.

"That kid has so much energy." Komento naman ni Dana.

Nilingon ko siya at tinitigan. "Sinabi mo pa. Kung hindi lang yan naninibago sa klima at sa lugar dito ay malamang na nagyaya na yang lumabas."

Tumawa lang si Dana at hinarap ako. "Bakit mo nga pala ako gustong makausap?" Nakataas na kilay na sabi ni Dana.

Bumuga ako ng hangin at tumalikod para maglakad papunta sa kama saka umupo room.

"Pwede bang ikaw muna ang maghatid kay Lanz kina Kella at Red?" Nakagat ko ang labi ko at bumaling sa kanya. Pinilig ko ang ulo ko habang nakatingin sa kanya.

"I know how in love you are to Redrick, Erika. You're smitten by him. So, why don't you go and see him yourself?" Nakataas ang kilay na aniya.

"You do know that he's married?" Nakataas din ang kilay na tanong ko sa kanya.

Tumawa ng sarkastiko ang pinsan ko saka pinaikot ang mga mata. "Oh come on, I know you don't care whether he's married or not. Huwag ka ngang plastik."

"Shut up, okay?" Tumayo ako at pinagkrus ang brasomg humarap sa kanya. "I don't want to see them. The more I see him the more I want to be with him. So, hindi ako magpapakita hangga't hindi pa ako handa."

Tumaas muli ang kilay ng pinsan ko. "What's your plan, coz? Mind telling me?"

Nanatili akong nakatingin sa mga mata niya at hindi siya hinayaan na makita ang totoong emosyon ko.

"At anong 'hangga't hindi ka pa handa?" My cousins smirked then laughed.  "You cunning woman!" Tumatawang Turan ng pinsan ko.

Nakaramdam ako ng iritasiyon sa ginawi at sinabi niya. Inirapan ko siya at tinalikuran. "Kung ayaw mo sa pakiusap ko sabihin mo lang." Inis na sabi ko.

The Woman Today (Bed Imprisonment Sequel) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon