Chapter X

179 7 2
                                    

Taal Volcano has erupted and alerted level 4. Let's pray for everyone's safety and to the affected areas. 🙏 Stay Safe everyone. #PrayforthePhilippines.

Enjoy Reading!

NAGISING ako sa isang yakap at ingay ng iyak.

"M-mommy, wake up ka na." Boses iyon ni Lanz kaya awtomatikong dumilat ang mga mata ko.

"Baby, I'm awake and I'm okay." Sabi ko at niyakap din siya

"Mommy!" Tumingin siya sa akin at kitang-kita ko ang mga malalaking kuha na bumabagsak sa kanyang mga mata.

Pinahidan ko ang luha niya. "Stop crying. Mommy is okay." Sabi ko habang inaalo pa rin siya.

"I'm scared, mommy. Akala ko kung anong nangyari na sa iyo." Lumuluha pa ring sabi nito.

Maingat akong tumayo. Ginamit ko ang kamay ko para bigyang suporta ang sarili ko pero napaigik ako ng maramdaman ang sakit nun. Agad kong tiningnan ang kamay ko at nakitang may benda na iyon.

Pinilig ko ang ulo ko ng maaalala ang nangyari kanina.

Haemophobia. That's the name of my case. The fear of own blood. It comes from the past extreme experience that you can't handle and it leads you to fear your own blood. And fainting is just one of the result of this fear. Just what happened to me earlier.

I need to be very careful next time.

"Mommy is strong. I'll be okay." Sagot ko nalang at niyakap ito.

"Thank goodness! You're awake!" Nilingon ko ang pumasok at nakita si Dana.

Ngumiti ako sa kanya. "Yeah, still breathing."

Namilog ang mata ko ng may mapagtanto. Ang board meeting!

"Dana, the board meeting!" Hysterical na sabi ko.

Umalis si Lanz sa pagkakayakap sa akin. Mabilis akong tumayo at napaupo ulit ng makaramdam ako ng pagkahilo. Nasapo ko ang ulo ko.

"Are you really killing yourself? Erika, the doctor told me that you're over fatigue! Magpahinga ka naman!" Galit na sigaw sa akin ni Dana.

Nanatili akong tahimik. Apat na araw na akong walang tulog dahil sa problema ng kompanya. Inaalisa ko kung anong nangyayari at pilit na bumubuo ng sulosyon. May mga empleyado na din kasi sa boutique na gusto ng umalis dahil sa kawalan ng customer niyon. Hindi ko lang talaga kayang bitawan iyon.

"I need to save it, Dana. At least, there's one thing that mom gave me." Namuo ang luha ko. Pero pinigilan ko ang sarili kong hindi maluha. Pinatapang ko ang mukha ko at hinarap si Dana.

Dahan-dahan akong tumayo at nagtagumpay naman akong hindi mahilo.

"Erika, listen. Andiyan pa ang kompanya niyo. Ang dating bahay niyo. Hindi mo kailangang magpakahirap para dun."

Hindi ko siya pinakinggan at dumiretso sa walk in closet ko. Mabilis akong nagbihis at nag-ayos ng sarili ko. Nang makitang hindi na ako masyadong maputla ay lumabas na ako.

Nakita ko agad si Dana sa kama at kausap si Lanz. Nang makita ako ay masama ang tingin niya sa akin. Umiling ito at nilingon si Lanz.

"Say goodbye to your mommy, Lanz. Magtatrabaho na naman siya." Nagpipigil na galit na sabi ni Dana.

Hindi ko siya pinansin at nilapitan si Lanz. "I need to go Lanz. Mom will be right back."

"Erika..."

Nilingon ko si Dana. Nagmamakaawa ang tingin ko. "Hindi pa masyadong magaling si Lanz kaya please, pakibantayan at pakialagaan siya."

The Woman Today (Bed Imprisonment Sequel) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon