Chapter XXXVI

131 5 0
                                    

"LIGHT MIRACLE." Sabi sa akin ni Redrick isang araw habang nasa tabing-dagat na naman kami.

Umagang-umaga ay nagyaya si Lanz sa amin na maligo ng dagat kaya pinagbigyan namin. Nakaupo kami sa buhangin, si Redrick ang nasa likod ko at nakasandal sa kanya, tinitingnan namin si Lanz na masayang nakikipaghabulan sa mga alon. Basa na ito dahil naligo na ito kanina at ngayon nga ay piniling makigpaglaro sa dagat.

"Light Miracle?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

Marahan niyang hinaplos ang tiyan ko.

"This baby here will be named Light Miracle."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. It was a beautiful name!

Nakangiting binalingan ko siya. "I like it. Pero paano kapag lalaki? O di kaya ay kambal?" Lumabi ako. May lahi pa naman kaming kambal.

Napaisip si Redrick. Bago muling bumaling sa akin.

"Kapag lalaki ulit then let's name him Lux Miraculum."

Muling namilog ang mga mata ko sa kanya.

"Lux Miraculum? Red, that's so..."

"So?"

"That's sounds so... luxury." Komento ko sa pangalang napili niya.

Tumawa lang siya at umiling. "That's just a latin word for light and miracle."

Namilog ang mga mata ko at namamanghang nakatingin sa kanya. Tinaas niya ang dalawang kilay niya at ngumising nakatingin sa akin.

"Am I amazing?" Proud na sabi niya at tinaas-baba ang mga kilay niya.

Natatawang napailing nalang ako at muling humarap sa dagat, paharap kay Lanz. Muling naliligo si Lanz at nang makitang papunta ito ng malalim na parte ay tumayo agad ako at lumapit dito.

"Nope. Didn't I told you're not allowed yet to go far." Saway ko rito habang hawak ang kaliwang kamay nito.

He pouted and nodded. "Ligo tayo, mommy!"

Ngumiti ako at tumango. Sinamahan ko na ito sa pagligo at ilang sandali pa ay sumali na rin si Redrick sa amin. Salitan kami ni Redrick sa pagbabantay kay Lanz at sa paglangoy. Mayroom ding kaming tatlo ang naglalaro at nagsasaboy kami ng tubig dagat sa isa't-isa. Hindi na rin kami lumayo pa sa dalampasigan at mas pinili nalang na maglaro ng habol-habulan sa tubig.

Tawa kami ng tawa kapag si Lanz ang nagiging taya dahil ito nakakahabol sa amin. Kapag si Redrick naman ang taya ay sinasadya nitong magpabagal ng takbo para mahuli siya ni Lanz. Kaya sa huli ay silang dalawa nalang ang naghabulan habang ako ay hindi napapailing na tumingin lang sa kanilang dalawa.

Napakunot ang noo ko ng makitang naging tahimik ang dalawa at nagbubulong-bulungan habang nakatingin sa akin. Tinaasan ko ng kilay ang dalawa pero nakita ko lang si Lanz na seryosong tumatango sa ama.

Mas lalo lang akong naguluhan at nakuryuso kung anong pinag-uusapan nila. Kaya hindi ko na napigilan at lumapit na sa kanila.

"Mommy gutom na po ako." Nakasimangot na sabi ni Lanz at basta nalang tumalikod. Sinubukan kong tawagin ito pero hindi na ito lumingon.

Natawa ako sa ginawi nito at napailing. Nilingon ko si Redrick na lumayo kaunti nang lumapit ako para lumangoy. Iikot na sana ako para hanapin siya ng may isang kamay ang humawak sa bewang ko mula likuran.

"Redrick." Saway ko ng maramdaman ang kamay nito'y papunta sa gitnang bahagi ng hita ko. Andito si Lanz! At isa pa open space itong kinalalagyan namin kahit pa sa private beach ito.

Napatingin ako sa harap ko at nakitang hindi man lang lumingon si Lanz na naglalakad. Dumiretso ito sa pagpasok sa bakod hanggang sa nakita namin ang paglapit niya sa bahay. Hindi pa ito nakakapasok ng lumabas si Tita Leora at kinuha na si Lanz. Lumingon pa ang ginang sa amin at itinaas ang kamay at nag-ok sign. Napailing nalang ako.

The Woman Today (Bed Imprisonment Sequel) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon