I WENT restless the following days. From reassuring Lanz' birthday party to the problem in the company, once again. Though, Redrick is helping me out in the company and he's the one moving the success of Lanz' party. I can't just stay still and do nothing for my kid. He's my miracle and I'll do anything for him.
Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla at maraming problema ang kompanya samantalang nitong mga nakaraang buwan naman ay wala namang naging problema.
But I can't pinpoint the blame to anyone. Maybe, the company is losing its golden ages and I'm trying to keep the golds. My company won't lose. It's just a small problem but I just can't neglect it. Small problem might actually grew big and it will cause bigger trouble.
"Here. For you to relax." Anang isang boses at naramdaman ko nalang ang mga kamay na marahang minamasahe ang balikat ko patungong ulo ko.
Napapikit ako sa sarap ng sensasiyong iyon at unti-unti ay kumakalma ang pakiramdam ko.
"Thanks, Red. I'm fine now." Sabi ko ng gumaan-gaan ang pakiramdam ko.
Nilingon ko siya na nasa likod ng swivel chair ko. Nasa opisina kami. Sumama na naman kasi siya sa akin. Ayaw daw kasi niyang mag-isa ako dahil maraming lalaki sa paligid at lalaki pa daw ang sekretarya ko.
"Miss Erika?" Nilingon ko si Kalil na kapapasok lang.
"Yes?" Sagot ko dito.
"One of the clients is here. He wants to talk to you." Anang si Kalil na tinanguan ko.
"He?" Napalingon kaming pareho ni Kalil ng magsalita si Redrick.
"Yes, Sir. Mr. Lawrence is on the lobby. Should I let him in?" Turan ulit nito at binalingan ako.
"Please. Let him in." Sabi ko.
Mabilis na lumabas si Kalil. Ako naman ay bumalik sa pagkakaupo at isinandal ang katawan sa kinauupuan. Pinikit ko ang mga mata ko.
"I really hate it knowing that you're working with men." Dumilat ako sa sinabi ni Redrick at tiningala ito.
Lihim akong napangiti pero kumawala iyon ng halikan niya ako bigla.
"Redrick! Nasa opisina tayo!" Sinusupil ang mga ngiting sabi ko sa kanya at saka itinulak ang mukha gamit ang kamay ko.
He tsked and walk away. Tumaas ang dalawang kilay ko at pinigilan ko ang hindi matawa. Ang arte ng lalaking ito kapag nagseselos.
Tatayo na sana ako para lambingin siya ng bumukas muli ang pinto at iniluwa nun si Kalil na may kasamang lalaki. Nasa late 20s ang lalaki at halata ang pagkabanyaga nito.
Tumayo ako para salubungin sila. Nang makita ako ng kliyente ay agad na gumuhit sa kanya ang isang ngiti. Ginawaran ko naman siya ng simpleng ngiti.
"So, you're the owner?" Ani Mr. Lawrence. His manly features compliments the suit he's wearing. His hair were golden brown and I can't help but admired him because he looks like a prince in a business attire.
Tumikhim ako. Talagang pinuri siya ng mga mata ko sa harapan ni Redrick. I'm sure kapag nalaman niyang pinuri ko ang lalaking ito ay siguradong mas magwawala ito. I can only imagine him getting angry and sad at the same time.
"Yes, I'm Erika Matthews. The owner of Matthews Incorporation." Pakilala ko dito at ngumiti.
Naglahad siya ng kamay kaya mabilis ko iyong tinanggap. Matigas ang kamay nito at halatang batak sa gym. Oh, well.
Napalingon kami sa may sala ng opisina nang makadinig kami ng eksaheradong tikhim. Pinaikot ko ang mga mata ko ng makita si Redrick na masama na ang tingin sa aming mga kamay na magkahalugpong pa.
BINABASA MO ANG
The Woman Today (Bed Imprisonment Sequel) (Completed)
RomanceAs Erika came back, she discovered things that shatters her heart and her world. Her love of her life, Redrick, is already happily married to her best friend, Kella, and her son, Lanz, treat Kella as his mother. They were a picture of a happy family...