Chapter V

173 6 0
                                    

MALAWAK ang ngiti ko habang nakatingin sa mga display na mga damit. It's been a long time since I went shopping.

My eyes actually gleams as I saw amazing dresses. Those glitters in the cloth lining that makes the dress more sophisticated to look attracts every costumers in this area. It's a black dress with white lining and the white beads were formed as rose. It's simple but it shouts glamour.

"You like that dress, don't you?" Napaigtad ako sa boses ni Kella. Kumapit siya sa mga braso ko at hinila ako papasok sa boutique. "Why don't we buy it?" Suhesitiyon naman niya.

Akmang lalapitan ko ang dress ng may sumagi sa isip ko. Humarap ako kay Kella at umiling. Siguro kung nakita ko noon ang dress na ito ay hindi ako magdadalawang isip na bilhin ito. Noon kasi, sarili ko lang ang iniisip ko pero iba na ngayon.

"Wala naman akong paggagamitan niyan." Sabi ko.

Hindi makapaniwalang napatingin si Kella sa akin at umawang pa ang bibig niya sa gulat.

"Seryoso ka?" Aniya ng makabawi. Nagkibit-balikat lang ako.

"Halika na." Ani ko at saka hinila siya palabas sa boutique.

"Hold up!" Ani Kella at pinigilan ako sa paglabas. Napahinto naman ako at napatingin sa kanya. "I thought this is our bonding? So don't spoil our moments! Goodness!" Maarteng sabi niya.

Inikutan ko siya ng mga mata. "Hindi ko alam kung saan ko iyan isusuot. Besides, hindi na ako masyadong dumadalo sa nga party. And that dress, is way too sexy. So, nope! I'm not gonna buy that." Matigas pa rin na sabi ko.

She rolled her eyes at me. Alam kong medyo inis na siya sa akin dahil kanina pa kami dito sa mall pero wala pa kaming binibili. Sa tuwing papasok kasi kami sa isang boutique ay iniisip ko pa kung saan ko paggagamitan ang bibilhin ko. Hindi agad ako binibili ang mga damit kung wala naman akong pupuntahang importante na pwedeng gamitan ko ng damit.

"You're no fun! Goodness! Is this adulthood hitting on you?" Sikmat naman niya sa akin. Kitang-kita ang pagkainis niya.

Huminga ako ng malalim at tinitigan ang dress na nagustuhan ko. Saan ko ba kasi yan isusuot?

Napasimangot lang ako ng wala talaga akong maisip na event na pagsusuotan ko niyan.

"Kumain muna tayo. At saka mamimili na talaga tayo." Pag-aaya ko sa kanya muli.

"Let me remind you, we're here to have a make over. Erika, nagmumukha ka nang manang." Nakasimangot na turan naman niya.

I'm all aware sa mga sinusuot ko o di kaya ay sa pag-aayos ko ng sarili. Sadyang hindi ko na gusto ang dating hitsura ko. It's not that I'm ugly with that get up. I'm just not comfortable wearing clothes and putting heavy make up anymore.

Pero napag-isip-isip ko rin ang sinabi ni Kella, nandito kami para mag-ayos ng panibago sa sarili namin. Siguro hindi naman masamang bigyan ko ang sarili ko ng konting regalo.

"Promise. Pakainin mo lang ako, magsisimula na tayo sa make-over natin." Paninigurado ko sa kanya.

Nakahanap agad kami ng kakainan kalaunan at mabilis na nag-order.

Ng dumating ang mga pagkain ay agad namin iyong nilantakan. Pareho kaming gutom kaya hindi na kami nag-usap ni Kella.

"Para tayong mga patay-gutom." Natatawang turan ko.

"Sino na namang hindi? Isang oras lang naman tayong nagpa-ikot-ikot sa mall sa kadahilanang wala kang napiling susuotin." She rolled her yes. "Imagine how irritated I am since earlier?" She pointed out.

Tumawa lang ako at tumayo na. "Lez go." Sabi ko at hinila siya. Walang nagawang sumunod ito sa akin dahil hawak ko ang kamay niya.

"Makahila naman 'to." Reklamo naman niya.

The Woman Today (Bed Imprisonment Sequel) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon