Chapter XXI

120 4 0
                                    

"KELLA, let me e-explain." Nanginig ang boses ko habang patuloy na dumadaloy ang luha sa aking mga mata.

"Ayusin mo yang damit mo." Iyon lang ang sinabi ni Kella at tumalikod na.

Kinakabahan ako at natatakot. Iba si Kella magalit, talagang nagwawala ito at nagbabasag kaya ngayong kalmado lang ito ay tanda lang na abot langit na ang galit niya. Ibig sabihin lang nito ay galit na galit siya sa akin na hindi niya kayang humarap sa akin.

"Fix yourself, Erika." Napalingon ako sa nagsalita. Si Dana iyon at kitang-kita ko ang dismayado niyang ekspresiyon.

"D-dana." Tawag ko sa kanya pero ni hindi ito tumingin sa akin. Tumalikod lamang ito.

Nilingon ko si Lenon at si Cana. Parehong walang imik ang dalawa at nakayuko habang magkahawak kamay.

"L-lenon... Cana..." Napahikbi ako ng kagaya ng nauna ay umiling lang ang mga ito at tumalikod din.

"Kella! Why did you walk away? Iyong asawa mo andun sa ibang kwarto! You should have fight for your husband!" Sigaw ni Tita Leora mula sa labas ng kwarto ang nakapagpatigil sa aming lahat. She is fuming mad.

"Ma, stop it. It won't help." Pagod ang boses ni Kella at halatang ayaw ng gulo.

"At anong makatutulong? Ang pagkukulong mo sa kwarto? Ha? Hindi ka man lang ba galit?" Hysterical na ang boses ni Tita Leora at halatang nagtitimpi lang ng emosyon.

"Ma, galit ako! Galit na galit. Nakita ko lang naman ang asawa ko na may kahalikang ibang babae. Best friend ko ang kahalikan niya. Sa tingin mo hindi ako galit? Ayokong ilabas ito, ma. Itong galit na ito ang sisira sa ating lahat kaya, mama, please, hayaan mo ako. Gusto kong makapag-isip." Malumanay man ang boses ni Kella ay may bahid ng pagmamakaawa iyon at galit. Hindi ko alam kung paano siya nakakapagtimpi sa mga oras na ito pero alam kong hindi iyon madali.

Nilingon ko si Redrick at nakatayo na ito. Matapang ang mukha. Alam kong handa siya sa posibleng mangyari ngayon. Ilang sandali pa ay may napagtanto ako habang kami lang ulit dalawa ang nasa kwarto.

Matatalim na mga mata na binalingan ko siya.

"Pinlano mo ito, ano?" Akusa ko sa kanya.

Hindi siya umimik. Nanatili lang itong nakatingin sa akin. Pagod na muling lumuha ako.

"Plano mo ito, Red?" Nakagat ko ang ibabang labi ko ng hindi pa rin siya sumagot. "Red, naman!"

He planned this!

Umiling ako at lumabas ng kwarto. Nakita ko agad sila Tita Leora at Kella sa harap ng kwartong gamit nila Redrick.

Mabilis na napalingon ang dalawa sa akin. Agad ako nakatanggap ng matalim na tingin mula sa ginang. Humarap ang ginang sa akin at halatang galit.

"Erika, I told you already! This is adultery! Bakit hinayaan mo ang sarili mong maging ganito? Hindi ka ba talaga nadala? Ha?" Umalingawngaw ang malakas na boses ni Tita Leora sa buong bahay.

Napayuko ako at napalunok. Dapat inaasahan ko ng maging ganito ang mangyayari. Pero bakit ganun? Ang sakit pa rin. Hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Sasagot ba ako? Makikipagtaasan ba ako ng boses? O tatahimik na lang?

Pipiliin ko ang huli. Tatahimik ako. Ako ang naglagay ng sarili ko dito, ako ang nang-agaw at ako dapat ang walang karapatang lumaban. Ako ang may kasalanan kaya ang kapal naman ng mukha ko kung magmamatapang pa ako.

"Ma, tama na." Saway ni Kella sa ginang.

Mas lalo akong nakonsensiya. Hanggang sa mga oras na ito ay pinagtatanggol niya pa rin ako. Kahit galit ito ay inaalala niya pa rin ako.

The Woman Today (Bed Imprisonment Sequel) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon