MADALI akong umakyat sa itaas at hinanap ang kwarto ni Redrick. Alam kong nasa guest room ang lalaki.
Pinihit ko ang pinto at ng maramdamang hindi iyon naka-locked ay binuksan ko ito ng walang pag-aalinlangan.
Nakita kong mahimbing ang tulog ng binata. Lumapit ako sa kama pero natigilan ako ng makarinig ng vibration. Lumingon ako sa pinanggalingan niyon at nakita ko agad ang cellphone niya sa bed side table na umiilaw.
Nilapitan ko iyon at nakitang may tumatawag dun, si Kella.
Kumalabog ang puso ko at ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Wala sa sariling inangat ko ang kamay ko at para kunin sana iyon ng may ibang kamay na naunahan akong hawakan ang cellphone.
Nilingon ko si Redrick na nakaupo na sa kama at sinagot ang tawag. Naka-loud speaker iyon.
Nakatingin ang binata sa akin. Walang emosyon ang mga mata niya. Nagbago ang mga tingin niya sa akin at hindi ko man aminin ay alam ko sa sariling naaapektuhan ako.
Lumunok ako at nag-iwas ng tingin.
"Rick? How are you? How 'bout Lanz?" Anang malambing boses ni Kella.
Habang naririnig ko ang boses ni Kella ay parang sinuntok ako ng katotohanan. Pero ano na nga bang bago? Simula't-sapul pa lang ay alam ko nang nakatali na si Redrick. Kaya bakit pa ba ako masasaktan kung sa una pa lang ay pinatay na ako ng nararamdaman ko sa sitwasyon namin?
"I'm okay, Kella. Ikaw? Kumusta ang trabaho?" Ani Redrick sa isang normal na boses. Habang ako ay hindi na halos makahinga sa paninikip ng dibdib. Para iyong ng niyurakan at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nanghihina dinnang tuhod ko.
Nilingon ako ni Redrick at nabigla ng hinila niya ang kamay ko. Napaupo ako sa kandungan ng lalaki at napasinghap. Tinakpan ko agad ang bibig ko.
"Ito. Pagod pa. Katatapos lang ng operasyon ko." Ani Kella sa isang pagod na boses.
"You should rest." Ani Redrick habang ang kamay as nasa bewang ko at marahang hinahaplos iyon.
"Yeah, pauwi na nga ako." Si Kella.
"Good. Tawag ka ulit kapag nasa bahay ka na, okay?" Ani Redrick sa isang malambing na boses.
"Sige. Miss you, Rick." Pinatay na ng asawa nito ang tawag.
Habang si Redrick ay inilagay ang ulo sa balikat ko.
"Red, Kella is so good." Napakagat ako sa labi ko habang kinakain ako ng guilt. Napapikit ako ng mariin.
"I know, baby. I know." Ani Redrick at mas humigpit ang yakap niya sa akin.
Pilit na kumawala ako sa kanya pero hindi niya ako hinayaan. Mas humigpit pa lalo ang yakap niya sa akin.
"Bitawan mo ako, Red." Matigas na sabi ko.
"No! Alam kong iiwan mo na naman ako. No, Erika. Hindi mo na ako iiwan. Hinayaan mo na akong angkining kang muli kaya hindi kita hahayaang iwan mo ako ulit."
Hindi ako umimik. Nanatiling tikom ang bibig ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko at baka kung pilitin kong magsalita ay iba ang lalabas sa bibig ko
"Natatakot ako, Erika, dahil ramdam kong nagsisisi ka na sa mga ginawa natin. Erika, please." May pagmamakaawa sa boses ng binata.
Napalunok ako at umiling. "I slipped." I said referring the pleasure we shared the past hours and day.
Naramdaman kong nanigas si Redrick sa kinauupuan niya at medyo lumawag ang hawak niya sa beywang ko.
"Can you just slipped forever?" Ani Red sa takot na boses at muling hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Bumagsak ang balikat ko. My plan was shattering. My plan to get him back was shaking. It was now quivering and might actually be done the way I vision it. Because of the conscience and because of the guilt. Because of the regret that might follow afterwards.
BINABASA MO ANG
The Woman Today (Bed Imprisonment Sequel) (Completed)
RomanceAs Erika came back, she discovered things that shatters her heart and her world. Her love of her life, Redrick, is already happily married to her best friend, Kella, and her son, Lanz, treat Kella as his mother. They were a picture of a happy family...