"MILLION dollars' a big money, Erika."
Nilingon ko si Redrick na kapapasok lang ng kusina. Naghahanda ako para sa aming tanghalian. Kanina pa umalis si Jameson at ngayon lang din ako kinausap ni Redrick tungkol doon.
"I heard from Dana." Dagdag niya ng makita ang nagtatanong na mga mata ko.
Huminga ako ng malalim at ipinagpatuloy ang paghihiwa ng dahon ng sibuyas. Plano kong magluto ng tinolang isda.
"Erika, come on." Aniya ng hindi ako nagsalita.
Ayokong pag-usapan iyon at mas lalong ayaw kong malaman sana ni Redrick. Alam kong kukumbinsihin niya lang akong bisitahin ang kompanya.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Hindi ko siya pinansin.
Inilagay ko ang mga hiniwa ko sa kalderong may mga isda na. Tama lang ang dami niyon para sa aming lahat. Inilagay ko ang kaldero sa stove at binuksan na iyon. Pagkatapos ay lumapit ako sa lababo at naghugas ng tingin.
"Are you going to ignore me?" Iyon ang narinig kong sabi ni Redrick na nasa likod ko.
Nagpatuloy lang ako sa paghuhugas ng kamay.
"Erika, hindi naman pwedeng pabayaan mo nalang ang kompanya mo dahil sa akin." Aniya na alam kong may halong inis na iyon.
Inis na tinapos ko ang paghuhugas ng kamay at hinarap siya. Kinuha ko ang basahang nasa gilid at nakatingin sa kanya habang nagpupunas ng kamay. Matalim na mga tingin ang isinalubong ko sa kanya.
"Then what do you want me to do? Fly to America and leave you here?" Nakataas ang isang kilay na sagot ko sa kanya. "Stay there for a week or so until the company is settled?" Pinagkrus ko ang mga braso sa dibdib ko at muling nagsalita. "Prioritize the company over you? That's what you want?" Nagtagis ang bagang ko habang nakatingin sa kanya.
Bumuga siya ng hininga at sumusukong tumingin sa akin. "That's not what I mean–"
"That's what I understand." Malamig na sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang pag-iling niya sa sinabi ko.
"You got it wrong–"
"Then tell me what I misunderstood? Ang unahin ang kompanya? Dapat hindi ko iyon pabayaan? Redrick you're a businessman. Alam mo ang ibig kong sabihin. Dahil kapag isa kang negosyante at negosyo ang uunahin mo mawawalan ka ng oras sa pamilya mo. That's what you want?" Mataman ko siyang tiningnan at nakitang natataranta na ito sa pwedeng sabihin.
"No– I mean. You can check the company and come back here–" I cut him off once again.
"Eh di lumabas din. You want me to fly to America. For what? Dana already volunteered and I trust Dana, Red."
Nahihirapang tumingin siya sa akin at pilit na lumapit. Umatras lang ako.
"It's not that I don't trust Dana–"
"Then what are you implying?!" Tumaas ang boses ko. "May tiwala ka naman pala kay Dana but why do you want me to go there myself?"
Bumuga siya ng hangin at sumusukong tumingin sa akin. "I just thought you can at least check personally–"
"I already said no! I'll check through phone!"
Hindi ko alam kung bakit naiinis ako ngayon o talagang wala lang ako sa mood. Iyong inis ko kay Jameson ay parang nabaling ko pa kay Redrick. Tumalikod ako para magpalamig ng ulo dahil baka mas lalo ko lang siyang awayin.
Magsasalita pa sana siya at pipigilan ako pero umiling lang ako at umatras pa ng isang hakbang palayo sa kanya.
"Pakibantay ng niluluto ko." Malamig na sabi ko at hindi na ito pinagsalita.
BINABASA MO ANG
The Woman Today (Bed Imprisonment Sequel) (Completed)
RomanceAs Erika came back, she discovered things that shatters her heart and her world. Her love of her life, Redrick, is already happily married to her best friend, Kella, and her son, Lanz, treat Kella as his mother. They were a picture of a happy family...