MABIGAT ang pakiramdam ko sa araw na iyon. Siguro dahil wala akong tulog magdamag at lalong wala akong pahinga. Mugto din ang mga mata ko at hindi ko alam kung bababa ako o hindi.
Napatili ako sa inis ng tumunog ang isa kong cellphone na ginagamit ko sa trabaho. Nakasimangot na kinuha ko iyon.
Kalil calling...
Napabuntong-hininga ako ng makita ang sekretaryo ko ang tumatawag.
"What do you need? Have I not told you that I will be in a vacation for months?" Inis na sabi ko sa kanya. Ako na kasi ang namahala sa kompanya ni daddy. Pumayag nalang din ako sa gusto ni Aunt Melinda dahil hindi na raw niya kaya ang mamahala ng dalawang kompanya. Wala na akong nagawa kaya noong isang buwan lang ay ipinasa na sa akin lahat ng negosyo ng mga magulang ko sa akin. Todo pursige din ako sa mga panahong iyon dahil sa plano kong pag-uwi. Mabuti nalang at ginabayan ako ng mga tao sa paligid ko at inintindi nila ako. Kaya naging madali sa akin ang paghawak ng kompanya.
"Ma'am I can't handle your cousin. She is so lousy and she seems not attentive in work." May pag-aaalala ang tinig ng magsalita ito.
Napahilot ako sa sentido ko. Dana is always lazy but she cares. At kikilos lang iyon kung kinakailangan na talaga.
"Fine. I'll call her." Ani ko at pinatay na ang tawag. Agad ko namang tinawagan si Dana.
"Hey cousin!" Masiglang sabi ng kabilang linya. "How's heart? Still alive? Still beating?"
Napangiwi agad ako sa tanong nito.
"As long as I'm breathing. It's still beating." I rolled my eyes. "By the way, Kalil called me. What happened, Dana?" May diin ang boses ko ng magsalita ako ulit.
"Ohhh, so he called you." Anito bago tumawa. "Your secretary is one hot hella guy." Aniya at mas malakas na tumawa.
"Dana! Don't you dare flirt with my secretary! He's off limits!" Inis na anas ko sa kanya.
I don't want to lose an efficient secretary! Napakagaling ni Kalil sa trabaho niya kaya ayokong magkaproblema siya sa trabaho niya. Besides, sa lahat ng mga naging lalaking katrabaho ko siya lang ang hindi nagpakita ng interes sa akin. Ang iba kasi ay oras ng trabaho nakikipaglandian sa akin at ayoko ng ganun.
"Oo na. Hindi na!" I rolled my eyes ng magtagalog ito. Marunong na itong magtagalog dahil nagpaturo talaga ito ng lengguwaheng Filipino sa akin.
"Siguraduin mo lang." Mataray na sabi ko na ikinatawa lang ng huli.
"Bye, cousin. Your secretary, I mean my secretary for the mean time is sending me daggers through his eyes at the moment." Tumatawag aniya. "Ang dami naman kasing pipirmahan at babasahin nito. You know reading doesn't loves me." Maktol pa nito.
"Let me remind you, you volunteered." I pointed out.
"Fine. Fine. Gotta go. Kalil, will really kill me." Anito at ito na mismo ang pumatay sa tawag.
Napailing na tumayo nalang ako. I wouldn't mind leaving the company to Dana. She has experience and I know she will not disappoint me. I trust her. Sadyang maligalig lang ang isang iyon at medyo pilya.
Pumasok ako sa banyo na andun at naglinis ng katawan. The shower calm my nerves and it helps me think clearly.
Andito ako para sa anak ko at hindi kung para kanino...
Tama! Andito ako para kay Lanz at hindi para kay Redrick o di kaya ay kay Kella.
Si Kella... I wonder what is her reaction after seeing me. Is she happy? Or is she sad? Is she even excited? She should have hugged me when she saw me. Something changed. Napapikit ako ng mariin.
BINABASA MO ANG
The Woman Today (Bed Imprisonment Sequel) (Completed)
Roman d'amourAs Erika came back, she discovered things that shatters her heart and her world. Her love of her life, Redrick, is already happily married to her best friend, Kella, and her son, Lanz, treat Kella as his mother. They were a picture of a happy family...