Chapter XXIX

130 6 9
                                    

KINABUKASAN ay maaga kaming nagising. Nagluto si Kella ng agahan habang sinamahan ko si Lanz na maligo muli sa dagat.

Bumalik lang kami sa kwarto ng magutom si Lanz at tumawag na rin si Kella para kumain na.

Tanghali ng napagdesisyunan naming umuwi na para hindi kami gabihin sa daan.

This time ay ako naman ang nag-drive kahit ayaw pa ni Kella. Nagpumilit ako kaya hindi na ito umalma.

Sa kalagitnaan ng biyahe ay nakatulog na ang dalawa at halatang pagod na nasa passenger seat. Napangiti nalang ako. They look so cute.

Ilang oras pa ang biyahe hanggang nakarating na kami sa bahay.

Nasa garahe pa lang kami ay kita ko na agad ang isang pamilyar na bulto na nakatayo sa may pinto. Madilim ang mukha nito at halatang may hinihintay.

"Is that Redrick?" Paos ang boses ni Kella at halatang bagong gising nang makita si Redrick.

"I g-guess." Nanginig ang boses ko. Bigla akong kinabahan at hindi ko alam kung bakit.

Now that is Redrick is here again, what will happen?

Mabilis kong naiparada ang sasakyan sa tamang lugar habang si Redrick ay mabilis na binuksan ang sasakyan at walang imik na kinuha ang natutulog na si Lanz kay Kella.

Walang imik kaming dalawa ni Kella ng mapag-isa kaming muli. Ilang segundo ng napagdesisyunan kong lumabas at nagtungo sa likurang bahagi ng sasakyan. Mabilis na inilabas ko ang mga dala namin. Ganun din naman ang ginawa ni Kella.

Nang makapasok kami sa bahay ay iyon din ang pagbaba ni Redrick mula sa ikalawang palapag. Madilim pa rin ang mukha niya at may hawak siyanb kung ano sa kamay niya.

Inilapag ko sa sala ang mga gamit at babalikan sana ang ibang gamit ng hawakan ako ng mariin ni Redrick sa braso.

"Redrick, nasasaktan ako." Daing ko ng maramdaman ang sakit ng pagkakahigpit ng hawak niya sa akin.

"At ako hindi?" May diing turan nito at mas hinigpitan ang hawak sa akin.

Naguguluhan man ay pilit na binabawi ko ang braso ko sa kanya.

"Redrick, masakit nga!" Reklamo ko at ng hindi niya tinatanggal ang kamay niya sa braso ko.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Kella na kapapasok lang at katulad ko'y inilapag niya rin ang mga gamit sa sala.

Nilingon ni Redrick si Kella. "What's this? Ilang araw lang akong nawala okay na kayo?" Galit na sigaw nito at mas nararamdaman ko ang pagkabaon ng kamay niya sa braso ko.

"Bitawan mo si Erika, Rick. Nasasaktan na siya." Mahinahong pero may diing sabi ni Kella.

"At ako hindi?!" Sigaw nito na nakapagpatalon sa akin at kay Kella.

"Ano bang problema mo? Ikaw itong biglang nawala tapos ikaw ang babalik na galit?" Inis na sabi ko habang sinusubukang alisin ang kamay nito.

"Kaya ba may ipinalit ka agad na iba, huh?" May talim ang mga boses nito ng magsalita.

Naguguluhang tiningnan ko siya. Lumingon ako kay Kella na madilim na rin ang mukha.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan?" Asik ko sa kanya.

Nabigla nalang ako ng itulak niya ako ng malakas papuntang sofa at itinapon sa akin ang hawak nito na mga litrato pala.

Napaaray ako sa sakit sa pagkakabagsak ko sa sofa pati na rin sa hapdi ng pagkakahawak nito ng braso ko. Mabilis kong tiningnan ang braso ko at namula iyon at alam kong namamaga na iyon.

The Woman Today (Bed Imprisonment Sequel) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon