Pit Senyor everyone!
Happy Reading!
INILAPAG ko ang dalang tray na may lamang juice at cookies sa lamesa na andito sa sala.
Ang naantalang pakikipag-usap ko sa organizer para sa birthday ni Lanz ay natuloy na rin pagkalipas ng ilang araw.
Napangiti ako ng makitang magkatabi si Lanz at Redrick habang nakatingin sa isang magazine na may lamang iba't-ibang themes para sa birthday party ng anak namin. Redrick insisted to do everything since this is the first time we will host a party for Lanz. He regretted those year where he didn't able to give Lanz a grand celebration.
Maybe, because of regret and guilt he doubled his efforts, and me, I will only be his support. If this will make him better and will make him happy then I have my whole heart to be there for him. To support him and to ease the pain he's feeling right now.
Napailing ako at tumabi kay Lanz. Napapagitnaan namin siya ni Redrick.
Nagkatinginan naman kami ni Redrick. Ginawaran naman agad ako ng ngiti ng lalaki. Tumalon ang puso ko at hindi napigilan ang napangiti.
Inilagay ko ang kamay sa likod ni Lanz habang nakitingin din sa magazine na hawak ng mag-ama ko.
My heart feels excited as I actually think that I'm with these guys in my life. This is just so perfect. Me, Lanz and of course, Redrick.
Napatingin ako sa kamay ko sa likod ni Lanz ng may lumapat doon. Dumoble ang kaba sa dibdib ko ng makitang kay Redrick iyon. Napaangat ako ng tingin at parang nalula ako ng ang mata ni Redrick ang sumalubong sa akin.
Nangungusap iyon at hindi ko maipagkakaila ang pagmamahal na andun sa mga mata niya. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kaya ang intensidad ng titig niya.
Ipinukos ko ang paningin ko sa magazine habang hawak pa rin niya ang kamay ko sa likod niyon. Hindi na ako magkamayaw sa upuan ko pero pinilit ko na maging pormal sa labas.
"Mommy, daddy, gusto ko po avengers pa rin ang theme ng party ko po." Masayang tugon sa akin ng anak ko.
Lumingon ako kay Elisa Quijano na siyang organizer na kinuha ko. Pilipino ang babae kaya siya ang pinili kong kunin para rito.
Tinanguan ko ito at agad namang sinulat sa maliit na notebook ang gusto ni Lanz.
Napalingon ako kay Redrick ng pinisil niya ang kamay ko. Nagtatanong ang mga mata kong nakatingin sa kanya.
"You should rest. I know you're tired." Mahinang sabi niya.
I rolled my eyes. Of course! Who wouldn't! Ginapang na naman ako ng mahal na lalaking ito at hindi na ako pinatulog hangga't hindi ko sinabing hindi ko na kaya.
"Who wouldn't?" I sarcastically said but the man just laughed.
Napatingin ako sa kamay ko ng iangat niya ang mga iyon. Nabigla ako sa sunod niyang ginawa. Masuyong hinalikan niya iyon habang nakatingin sa akin. Nahigit ko ang hininga ko kasabay ng paggalaw ng mga bulate ko sa tiyan.
"Red..." Matiim ko siyang tinitigan.
"Rest, please? Ako na ang bahala dito. I want you to rest. Di ba sabi mo papasok ka mamaya?" Masuyong sabi niya sa akin.
Napalingon ako sa wall clock na andito sa sala at nakitang alas syete pa lang ng umaga.
Napabuntong-hininga ako at tumango. "Fine."
Napangiti si Redrick at binitiwan na ang kamay ko. Umuklo naman ako para halikan sa noo si Lanz.
"Magpapahinga lang si mama, baby." Sabi ko kay Lanz na tinanguan lang ako. Busy na naman kasi ito sa pagtingin ng mga cakes na nasa isang magazine.
BINABASA MO ANG
The Woman Today (Bed Imprisonment Sequel) (Completed)
RomanceAs Erika came back, she discovered things that shatters her heart and her world. Her love of her life, Redrick, is already happily married to her best friend, Kella, and her son, Lanz, treat Kella as his mother. They were a picture of a happy family...