HAPPY READING EVERYONE AND KEEP SAFE TOO.
WE WERE laughing our ass out as Redrick entered the car to the garage. He was teasing me and even joke about the seven years me being single.
I rolled my eyes and chuckled slightly.
"Talagang hindi ka makapapasok sa kwarto ko mamaya makikita mo." Pananakot ko dito. Nilingon ko siya.
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin at nakita ko agad ang pagkaawang ng bibig niya at ang panlalaki ng mga mata niya. Hindi makapaniwala ang ekspresiyon nito sa mukha at parang binisita ng multo iyon.
Mahinang natawa ako at mabilis na lumabas ng sasakyan.
I heard him groaned in annoyance.
"That's so unfair!" Reklamo niya at mabilis na pinatay ang makina ng sasakyan.
Tumaas ang dalawang kilay ko ng nagmamadali itong lumabas ng sasakyan. Nataranta ako kaya ang mga gamit ko sana na kukunin ko sa likod ng sasakyan ay hindi ko na kinuha at basta dumiretso nalang ako sa loob ng bahay.
"Am gonna get you, Erika!" Narinig kong sigaw ni Redrick na ikinatawa ko.
Baka ano na namang gawin niya kapag naabutan ako kaya kailangan kong magmadali para hindi niya ako mahuli. May pagkabaliw pa naman ang isang iyan.
Nasa bukana na ako ng pinto sa kusina, doon ako dumaan mula sa garahe, nang matigil ako ng makarinig ng pamilyar na boses na hindi ko inakala na maririnig ko ngayong araw.
Pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Nayanig ang buong pagkatao ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
Napalunok ako at kumapit sa pintuan ng kusina. Ramdam ko ang pagwawala ng puso ko dahil sa kaba. Napapikit ako para pakalmahin ang sarili ko at malalim na huminga. Paulit ko iyong ginagawa kahit na mas lalong ikinakaba ko lang.
"I think that's, Redrick, oh I miss him!" A voice of a woman exclaimed in gladness. "I heard a car just went inside."
Kinapa ko ang dibdib ko at tinapik-tapik iyon. Kailangan nitong kumalma kundi ay talagang magkakagulo ngayon.
Isa pang malalim na hininga ang pinakawalan ko at pinikit ng mariin ang mga mata ko kasabay ng pagkuyom ko ng mga kamay. Doon ako kumukuha ng suporta dahil nanginginig ang tuhod ko at kung hindi ko lalakasan ang loob ko sa paghakbang ay siguradong malulugmok ako.
"Erika!" Lahat ng nasa sala na kanina ay nagkakatuwaan at nagkukwentuhan ay parang slow motion na lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon, walang iba kundi si Redrick na kapapasok lang ng kusina.
Huli na para tumalikod ako at nagtago Keaya taas-noo ko nalang hinarap sila at sinalubong ang mga mata nila. Hindi ko hinayaang manaig sa akin ang kaba kahit na nga ba ay nagwawala na ang buong pagkatao ko. Tipid na ngumiti ako sa kanila.
Ang mga mata nila'y nagtatanong, nakakunot ang mga noo, salubong ang mga kilay at kita sa ekspresiyon nila na nalilito sila sa pagtawag sa akin ni Redrick. Wala silang alam na maayos na kami at mas lalong wala silang alam na may ginagawa na kaming kakaiba.
Andun sa sala sina Dana, Cana, Lenon, Lanz at ang babaeng hindi ko inaasahang makikita ko ngayon. Hindi ako handa at hindi-hinding kailanman.
Napalunok ako, sinusubukang mawala ang bara sa aking lalamunan, bago lumingon kay Redrick na siyang tumawag sa akin.
Nakita ko si Redrick na natigilan rin at parang natulos sa kinatatayuan niya habang nakatingin sa likod ko. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin at ang mga mata niya'y parang nanunuklaw sa kaba at ang kanyang mga labi'y mamula-mula man ay kitang nanginginig.
BINABASA MO ANG
The Woman Today (Bed Imprisonment Sequel) (Completed)
RomanceAs Erika came back, she discovered things that shatters her heart and her world. Her love of her life, Redrick, is already happily married to her best friend, Kella, and her son, Lanz, treat Kella as his mother. They were a picture of a happy family...