HINDI ko alam kung ilang oras na akong nakayuko habang nananalangin at nangangalay man ang mga tuhod ko ay hindi ko iyon alintana. Hindi ako huminto sa pagdadasal. Ayaw ko dahil baka ilang segundong lang na hindi ako makadasal ay baka mawala si Redrick sa akin.
Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata. Kanina pa ako umiiyak. Nararamdaman ko man ang panghihina ko, ang gutom at ang pagod ay hindi ko iyon pinansin. Alam kong sa mga oras na ito ay mas nahihirapan si Redrick.
Napabaling ako sa tabi ko ng may umupo habang nakaluhod pa rin ako. Nakita ko ang isang madre na siguro ay nasa 40's na niya. Ngumiti agad ito sa akin ng magtama ang mga mata namin.
"Kanina ka pa umiiyak. Kanina ko pa rin napansin ang pagdadasal mo. Kung ayos lang sa iyo maaari ko bang malaman kung ano ang iyong dinadamdam?" Sabi nito. Ngumiti ito sa akin.
Humikbi ako ng ilang segundo at kinalma ang sarili ko. Siguro naman hindi masamang magsabi ng sama ng loob hindi ba? At saka hindi naman niya ako kilala kaya ayos lang.
"Nasasaktan na po ako. Nahihirapan. Pakiramdam ko'y wala ng mangyayaring maganda sa buhay ko. Nakikinig po ba ang Panginoon?" Humihikbing sabi ko na parang batang nagsusumbong dito.
Ngumiti itong muli sa akin at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam pero sadyang nakakagaan ng loob ang mga ngiti nito at ang kahit ang simpleng paghawak nito sa kamay ko.
Dinala naman ako nito paupo sa isa sa mga mahahabang kahoy na upuang andito. Tahimik na nagpadala ako rito.
"Anak, lahat tayo ay nasasaktan at nahihirapan. Kailangan lang nating siguraduhin na nasasaktan tayo sa tamang tao at sa tamang sitwasyon. Hindi mo makita ang mga magagandang bagay na nangyari sa buhay mo dahil ang nakikita mo lang ay ang mga problema mo. Isa pa, tandaan mo ito. Nakikinig ang Diyos. Nagkakaroon ka ng problema dahil andiyan Siya. Ang mga lahat ng nararanasan mo ay mga pagsubok na alam niyang mapagtatagumpayan mo." Mahabang sabi nito pagkaupong-pagkaupo namin.
Pinunasan nito ang mga luha sa aking pisngi.
"Kung nasasaktan ka man ngayon ay mas nasasaktan ang Panginoon. Pero kailangan niyang magbigay ng pagsubok sa iyo upang mas maging mabuti kang tao at mas tumatag ka pa sa susunod na pagsubok mo." Ngumiti ito sa akin.
"Mahal ko po siya, sister. Ayoko pong mawala siya. He's dying. Ni wala nga kaming sapat na memorya na ibabaon ko." Umiling ako at mapait na ngumiti.
"Kung siya man ang para sa iyo, alam kong maliligtas siya. Pero ito ang tandaan mo, may mga taong dumadaan sa ating buhay para dalhin tayo sa tamang tao." Humigpit ang hawak nito sa aking kamay.
"Pero mahal na mahal ko po siya. Andami ko pong nasakripisiyo para sa kanya kaya bakit kukunin pa po siya?" Humihikbing sabi ko.
"Hindi iyon sa sakripisiyo, hija. Nasa puso iyon. Siguro nga mahal na mahal mo siya pero hindi mo alam na MAS may mamahalin ka pa pala." Anito.
Umiling ako at yumuko.
Sinakop nito ang mukha ko gamit ang mga kamay at saka ngumiti sa akin.
"Magiging maayos ang lahat, hija. Manalig ka sa Panginoon. Kung mayroon man siyang hindi ibinigay na hiniling mo tandaan mong may roon siyang mas magandang ibibigay sa iyo."
Muling ngumiti ito sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Rest a bit, my child. I know you're tired." Anito.
At parang mahika ang tinig nito dahil unti-unti ay nakaramdam ako ng antok. Hindi ko iyon mapigilan kaya dahan-dahang bumagsak ako sa mga upuan. Pero bago ko naramdaman ang upuan ay naramdaman ko agad ang hita nito na naging unan ko. Naramdaman ko namang hinahaplos nito ang buhok ko at mahinang kumanta.
BINABASA MO ANG
The Woman Today (Bed Imprisonment Sequel) (Completed)
RomanceAs Erika came back, she discovered things that shatters her heart and her world. Her love of her life, Redrick, is already happily married to her best friend, Kella, and her son, Lanz, treat Kella as his mother. They were a picture of a happy family...