KANINA ko pa naririnig ang mga katok sa labas at tinatawag ako. Alam kong si Redrick iyon at wala akong planong pagbuksan siya.
Mali man sa pandinig para sa iba pero ang gaan sa pakiramdam na kumakatok siya sa pintuan ko at parang sinusuyo ako. Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang mga ngiti ko.
"Erika? Please, mag-usap tayo. I'm sorry." Aniya sa mahinang boses.
Huminga ako ng malalim bago tumayo mula sa kama. Tumingin ako sa orasan ko at nakitang isang oras na rin pala siya sa harapan ng kwarto at tinatawag ako.
Napakunot ang noo ko ng may mapagtanto.
Lumapit na ako sa pinto at binuksan iyon. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni Redrick pero hindi ko iyon pinansin. Nameywang lang ako sa harap niya.
"Wala ka bang pasok sa opisina mo at andito ka pa?" Mataray na sabi ko.
"I'm the owner. My office can wait for me." Turan naman niya.
Pinaikot ko ang mga mata ko. "Nagsasayang ka ng oras mo dito. Pumasok ka na sa opisina mo." Seryosong saad ko.
"Hindi ko rin naman magawang makapagpokus sa opisina na alam kong galit ka." Bumuntong-hininga ito.
"Ano naman sa iyo kung galit ako? Rick, wala kang dapat ipag-alala kung galit man ako. Hindi mo ako dapat suyuin. Redrick, ina lang ako ni Lanz, ng anak mo, hindi mo ako girlfriend o asawa. Kaya wala kang responsibilidad sa akin kung galit man ako sa iyo. May asawa ka na Redrick, hindi mo dapat ako pinag-aaksayahan ng panahon mo." Parang may bumara sa lalamunan ko sa mga sinabi ko.
Mahal ko pa si Redrick at kahit gusto ko pang suyuin niya ako at makasama siya ay dapat kong pigilan iyon. Ayokong maging matya ako ng pagsasama nila ni Kella. Pinipigilan ko ang sarili ko. Grabeng pagpipigil ang ginagawa ko ngayon. Dahil may respeto ako kay Kella at dahil mahal ko si Redrick.
"Ahmm..." Umangat ang kamay ni Redrick pero agad din iyong bumaba. Magsasalita pa sana ito pero hindi na niya tinuloy.
Ako naman ay pumasok muli sa kwarto at napaupo sa sahig. Ang sakit. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sobrang sakit.
"KELLA, I thought you're going to separate with your husband?" Napapikit ako ng mariin sa tanong ng ina ko.
Ilang beses kailangan niyang itanong iyan? Hindi ito ang una at mas lalong hindi ito ang huli. At hindi ako tatanggi na naiirita na ako sa sarili kong ina. Nakakainis lang na kung magtanong siya tungkol sa pakikipaghiwalay ko sa asawa ko ay parang nanghihingi lang ng pagkain. Maibibigay ko kaagad.
"Mom, hindi ko hihiwalayan ang asawa ko, okay?" Matigas na sabi ko.
Hindi ko hihiwalayan si Redrick hangga't hindi siya humihingi ng annulment. Dahil nararamdaman ko, unti-unti na niya akong minamahal muli. Unti-unti ay pinapakita niyang mahalaga ako muli sa kanya at masaya ako doon.
"You're impossible! First, you don't want to go home because of a damn friend and now, you're not coming back because of a fucking guy? When in fact you don't know if that guy really loves you or he's still not over his ex, which is your best friend, by the way." May halong iritasiyon at pang-uuyam ang mga salita ng ina ko. At kahit para akong sinampal sa pinagsasabi niya ay pinilit kong hindi magpaapekto.
"You're not the one to tell me that mom. You're not the one." Ibababa ko na sana ang aparatong hawak ko ng magsalita itong muli.
"Who? Who will tell you then? Your husband and your best friend? Be careful, Kella. Best friends are hoes too. And she can bitch your husband. Don't come crying to me, dearest." Aniya sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
The Woman Today (Bed Imprisonment Sequel) (Completed)
RomanceAs Erika came back, she discovered things that shatters her heart and her world. Her love of her life, Redrick, is already happily married to her best friend, Kella, and her son, Lanz, treat Kella as his mother. They were a picture of a happy family...