Chapter XXV

151 4 0
                                    

Cases of COVID-19 in the Philippines are  increasing. Stay at home, don't panic and please follow preventive measures. Keep safe everyone 💕

PAGKAUWI na pagkauwi namin ay dumiretso muna kami sa sala.

Bakas sa mga mukha naming tatlo na masaya kami at galing sa pamamasyal. Kumain na rin kami bago dumiretso sa bahay.

"Mommy, next time sa zoo naman tayo!" Suhesitiyon ni Lanz habang pumapasok kami sa kabahayan.

Nagmula kami sa likod dahil sa garahe  nag-parking si Redrick.

"Wait, baby!" Ani Lanz na tumatakbong sumunod sa amin.

Umikot ang mga mata ko sa tinawag niya at akmang aakbay pa sana ng umiwas ako. Hawak ko sa isang kamay si Lanz.

Nagtatanong ang mga mata niya ng nilingon ko.

Bumuntong-hininga ako.

"Let's talk later." Turan ko sa kanya.

Tumango naman siya at tahimik na lumipat sa kabilang tabi ni Lanz.

Ako naman ay nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makapasok sa sala ay pareho kaming natigilan ni Redrick sa nakita naming bisita ko.

"Kella." Tawag ko dito pero sinuklian lang ako nito ng matatalim na tingin.

Si Lanz naman ay tumakbo lamang papunta dito.

"Mama Kella!" Masayang tawag sa kanya ni Lanz. Niyakap ito ng anak ko ng makalapit dito.

Umupo naman si Kella para magpantay kay Lanz. "It's nice seeing you but you need to go upstairs. May pag-uusapan lang kami ng mommy at daddy mo."

Ngumiti si Lanz at tumango. Hinalikan muna nito si Kella bago tuluyang umalis. Nang tuluyang mawala ang bata sa paningin namin ay binalot kami ng katahimikan. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na hangin na nagmula sa electric fan at ang tunog ng grandfather clock na nasa gilid ng telebisyon.

"Masaya na kayo?" Basag ni Kella sa ilang segundong katahimikan.

Nilingon ko ito. "Kella–"

"What? Anong paliwanag ang gusto mong sabihin na naman?"

Natigilan ako sa pagsasalita at kahit ang mga iniisip ko'y natigil rin. Hindi ako magpapaliwanag. Hindi rin ako hihingi ng kapatawaran. Gusto ko lang sabihin na itatama ko na ito.

"Kell–"

"What now, Rick?" Putol din nito kay Redrick. "Alam kong sa aming dalawa siya ang papanigan mo, kaya ano? Sabihin mo na." Matapang na anito.

Tapang man ang ipinakita nito sa akin o sa amin peeo hinding-hindi niya ako maloloko. Sa aming dalawa, siya ang madaling mabasa, siya ang mas nagsasabi ng totoo kaya nakilala ko siya ng husto. Binuksan niya ang sarili sa akin noon. Nagbago lang iyon simula ng maging sila ni Redrick. Naging malihim siya at naging limitado sa akin.

"Kella, please. Huwag kang manggulo dito." Si Redrick ang nagsalita.

Umiiling-iling si Kella na animo may sinabi si Redrick na hindi kapani-paniwala.

"Wow, I felt so mistress here. Ako talaga ang sinabihan mo niyan?" Tumaas ang kilay ni Kella at nilingon ako.

Nanatili akong tahimik. Ayokong dagdagan ang galit niya.

"Stop it, okay. Anong ginagawa mo dito?"

Redrick's voice were cold and I just can't avoid the guilt that makes me hover at the moment. I feel the pain but it was not for me, it was for Kella. Ironic but I am hurt for my friend and more ironic because I am the reason, I'm part of the reason.

The Woman Today (Bed Imprisonment Sequel) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon