"KELLA, how are you and Redrick?" Kitang-kita ko ang paninigas ni Kella sa kinauupuan niya.
I knew it! There's something wrong!
I was taken a back when she gazed at me with so much intensity in her eyes.
"Bakit gusto mong malaman? What is it to you?" Galit na sabi niya.
I am offended. Very very offended. Bakit ko nga ba itinanong? Ano naman sa akin ang kalagayan nila? Kailangan bang may alam ako sa nangyayari sa relasyon nila?
Dala rin siguro sa alak ay lumalabas ang tunay na emosyon ni Kella. Ramdam ko ang pagbabago ng mood niya.
Nilingon niyang muli ang alak bago nagsalita. "Ano iyon sa iyo, Erika? What about me and Redrick? Still curious?"
Malalim akong huminga at nilagok ang laman ng hawak kong baso. Sinalinan ko iyon ng bagong laman bago sumandal sa couch na inuupuan namin at pinagkrus ang binti ko. Prenteng tiningnan ko siya habang pinapaikot-ikot ang alak sa baso ko. Lumilikha ng tunog ang ice sa baso dahil pagtama nito sa babasaging kinalalagyan.
"What is it to me Kella? Am I curious? Why not?"
Kella's face turned stoic. She faced me with fake fierceness in her eyes. I would know, she's my friend after all. Still, she remains silent waiting for what I'm going to say.
"Umalis ako para iwan siya. Iwan siya sayo. Umalis ako para magkaroon kayo ng pangalawang pagkakataon. Umalis ako para maging masaya ka. Kaya anong nangyari? Sumaya ka ba?"
From stoic her face fell leaving the mask the she had worn as we speak. Her eyes became blurry and in just a split second she cried. Her tears were flowing like there's no tomorrow and her sobs were from deep inside. Her sorrows are too deep that even without her words I know she's in great despair.
Umayos ako ng upo at nilapag ang hawak ko sa lamesa. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya.
"Hindi kayo okay." Pinal na sabi ko.
"B-bumabawi siya sa a-akin ngayon. Nararamdaman ko nang gusto niya ako ulit. M-masaya ako ngayon, Erika. H-he's giving me so much attention." She said curving her lips into a smile but with tears sliding in her cheeks.
Now, how can I believe in her happiness?
Pinagloloko niya ang sarili niyang masaya siya. Sa mga nararamdaman ko nitong mga nakaraang linggo na kasama ko sila alam kong may mali na sa pagsasama nila. Ang mga ngiti niya sa tuwing kasama niya si Redrick, kasinungalingan ba iyon? O baka pinilit niyang makontento at hindi na humiling pa ng mas malaki? Karapatan niyang maghangad ng kung ano mula sa asawa niya!
Nasasaktan man ako sa isiping dapat siyang alagaan ni Redrick pero mas nasasaktan akong nakikitang si Kella na ganito! Nanlilimos ng pagmamahal! Kella deserves better! Redrick doesn't deserve her!
And you deserve Redrick?
Iwinagli ko ang isiping iyon at mas nagpokus kay Kella. Kinuha ko ang hawak niyang baso at inilapag iyon sa lamesa saka hinila siya para yakapin. Agad niyang isinubsob ang mukha niya sa leeg ko at doon nagpatuloy sa pag-iyak. Nanatili akong tahimik habang hinihimas ang likod niya para pagaanin ang loob niya.
"Iiyak mo lang iyan." Sabi ko habang hinahagod ang buhok niya. Pinanatili ko ang mga tingin ko sa pintuan.
Gusto kong magtanong pa at kumuha ng dagdag na impormasyon pero ayokong putulin ang pag-iyak niya. Alam kong ngayon lang niya nailabas ang saloobin niya sa asawa niya kaya hinayaan ko siya.
Gusto kong konprontahin si Redrick para malaman ang panig niya. Ayokong magalit agad sa kanya kaya kakausapin ko rin siya para kay Kella. Para tratuhin naman niya ng maayos ang kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
The Woman Today (Bed Imprisonment Sequel) (Completed)
RomanceAs Erika came back, she discovered things that shatters her heart and her world. Her love of her life, Redrick, is already happily married to her best friend, Kella, and her son, Lanz, treat Kella as his mother. They were a picture of a happy family...