Chapter XXXIX

142 5 0
                                    

PHOTO NOT MINE. Credits to the rightful owner.

Enjoy reading!

-----

JUNE 23. Ang araw ng itinakdang kasal namin. Ang araw kung saan magiging ganap na Mrs. Johnny Redrick Caballes ako. Malapad akong napangiti dahil ngayon na ang araw na iyon.

Magana akong bumangon at napakunot ang noo ng hindi man lang makita si Redrick sa tabi ko. Mabilis akong kinabahan at natakot.

Pero nawala rin iyon ng bumukas ang banyo at nakita siya na basa at may nakatapis na tuwalya sa kanyang beywang. Mabilis siyang ngumiti sa akin at kinindatan ako.

"Get up. It's our wedding day." Napailing nalang ako sa masiglang boses niya.

"Yeah. Yeah. Excited?" Natatawang tanong ko.

"Bakit? Ikaw hindi?" Naningkit ang mga mata niya sa akin.

Mas lalo akong tumawa. "Oo na."

Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo. "I love you."

Iling lang ang ibinigay na sagot ko sa kanya. Sa makalipas na ilang linggo ay hindi ako muling tumugon sa pagsasabing mahal niya ako. Kahit pa noong nag-usap kami ni Lenon isang linggo na ang nakalipas. Hindi ako nawalan ng pag-asa. Hinahangad ko pa ring iba ang magiging wakas namin.

Isang halik sa pisngi ang nakapagbalik sa akin sa kasalukuyan.

"Get ready, baby." Aniya at muli akong hinalikan sa pisngi.

Napapailing na tumango ako at umalis sa kama bago tumingin sa cellphone ko upang ikumpirma ang oras. 2:30 pa naman ng umaga. Masyado talaga kaming maaga. 6 am pa naman ang kasal namin. Gusto kasi naming salubungin ang bukangliwayway.

Para sa akin ay simbolo iyon ng bagong pag-asa at bagong buhay.

Natatawang umiling ako at pumasok na sa loob ng banyo. Mabilis lang akong naligo at lumabas na rin. Kumunot ang noo ko ng makitang wala si Redrick sa loob ng kwarto. Siguro dahil nag-aayos ito sa kabila. Gising na rin siguro ang iba at naghahanda na.

"Hey." Pumasok si Dana sa kwarto ko. Siya ang magiging make up artist ko at hair stylist ko. "You ready?"

Lumapad ang ngiti ko. "As ever."

Ito na talaga. Ikakasal na kami ni Redrick. Ito na ang pinakahihintay ko. Mag-iisang dibdib na kami ni Redrick. Konting-konti nalang at ganap na mag-asawa na kami.

"You're smiling like an idiot." Komento ni Dana habang nilalagyan ako ng powder sa mukha.

"Can't I?" Nakangiting tanong ko pa.

Sobrang gaan ng dibdib ko at sobrang saya ko. Sa loob yata ng ilang taon ay ito yata ang pinakaunang naging masaya ako ng totoo. Ito ang pinakamasayang araw ko.

"Well, it's your wedding day kaya bakit hindi?" She stop what she's doing, looks at me and then grin. "I'm so happy! Omg! I love you! You deserve this, you bitch!"

Natatawa ako niyakap niya ako kasabay ng pagmumura niya.

Ako rin naman eh. Sobrang saya ang nararamdaman ko na hindi ko mawala sa mga labi ko ang mga ngiti.

Sinimulan na akong ayusan ni Dana. He went for my face first. Light make up lang ang inilagay niya sa akin at pinagmukha rin niya akong bata.

The light brown eye shadows match my nude lipstick. Nilagyan niya rin ako ng liquid eye liner na mas nagpa-emphasize ng mga mata ko. My eye brows were brown to match my hair. Hindi na niya ako nilagyan ng mga fake eye lashes dahil mahahaba na naman ang mga pilik-mata ko.

The Woman Today (Bed Imprisonment Sequel) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon