GUMISING akong masama ang pakiramdam ko. Masakit ang ulo ko at may sipon at ubo din ako. Kaya ng pumasok si Lanz sa kwarto na inuukopa ko ay mabilis akong bumangon at lumayo sa kanya ng bahagya.
"Bakit po mommy?" Naguguluhang tanong ni Lanz.
"I'm so sorry baby. May sakit si mommy eh, baka mahawaan kita." Paliwanag ko sa kanya na malungkot na ikinatango niya at ngumuso.
"But I want to kiss good morning to mommy." Malungkot pa rin na sabi niya at tumingin sa akin.
I smiled at him. "Why don't we do flying kiss? Good morning baby." Sabi ko at nag-flying kiss sa kanya.
Nagliwanag ang mukha niya at saka ginawa ang ginawa ko. "Good morning mommy!" Masayang aniya at tinalikuran ako. "Pupuntahan ko si daddy para sabihing may sakit ka!"
"Lanz-" pipigilan ko na sana siya pero tumakbo na ito palabas ng kwarto. Bumuntong-hininga nalang ako at muling humiga sa kama.
Napaupo naman ako ng bumukas muli ang pinto. Napahawak pa ako sa ulo ko sa ginawa kong biglaang paggalaw.
"Oh, dahan-dahan naman." Ani Kella na siyang pumasok at may dalang tray ng pagkain, tubig at gamot. Inilapag niya ang dala sa lamesang katabi ng kama.
"Okay lang." Nakangiwing sabi ko sa kanya.
"Parang mas malala yata ang hangover mo keysa sa akin ah? Eh ni hindi ka nga uminom." Aniya habang tumatawang inaabot ang baso at gamot sa akin. Tumawa lang din ako.
Of course she didn't know. After the call I send to my secretary I went back inside the bar and drink myself to oblivion. And went home around six in the morning. I glanced at the wall clock. It's almost one PM. I pressed my lips together.
"Kumain ka muna." Tumango naman ako.
Inabot niya sa akin ang platong may laman ng pagkain. Agad kong nahalimuyakan ang bango ng adobo. Kumalam naman ang tiyan ko kaya nilantakan ko na iyon.
"Gutom na gutom?" Natatawang aniya. Tumawa lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
Pagkatapos kong kumain ng adobo ay inabot niya sa akin ang isang bowl.
"Ginawa ni Redrick sa akin kanina. May hangover din ako eh." Aniya.
Natigilan ako at napalunok. Ito ang muli kong pagtikim sa luto ni Redrick. Why am I overwhelmed? Dapat hindi eh. Para nga kay Kella ang sopas na ito. At saka dapat hindi ko makalimutan ang nangyari kagabi.
"Salamat." Sabi ko at saka tinanggap ang sopas pero hindi ko iyon ginalaw. "Nga pala may sasabihin ako." Seryosong ani ko at saka tiningnan siya sa mga mata.
"A-ano yun?" Ramdam ko ang pagkabalisa niya.
Ngumiti ako sa kanya pero alam kung hindi iyon abot sa mga mata.
"Balak ko sa nang umuwi ngayong linggo." Panimula ko na ikinabigla niya.
"Ano?"
Kinagat ko ang ibabang labi ko bago nagpatuloy. "Nagkaproblema sa kompanya." Pagsisinungaling ko.
"Bakit? Anong nangyari?" May pag-aaalala sa boses niya.
Ngumiti lang ako ulit para mapanatag siya.
"Sa pag-uwi ko sana ay isasama ko si Lanz. K-kung pwede lang." Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.
"A-are you getting Lanz now?" Nanginginig ang boses ni Kella.
Muling bumalik ang pamilyar na sakit sa dibdib ko sa nakikita kong paghihirap ni Kella.
"Kella, ayoko nang mawalay sa anak ko. Pero pangako babalik kami. Babalik kami ng anak ko at kikilalanin ka pa rin niyang ina niya."
Ang hirap para sa akin na sabihin iyon dahil alam kong napalapit siya sa anak ko. Hindi ako walang puso para hindi maramdamang masasaktan siya kapag inilayo ko sa kanya ang anak ko. Pero hindi ko na rin kaya kung mawalay na naman ako sa anak ko.
BINABASA MO ANG
The Woman Today (Bed Imprisonment Sequel) (Completed)
RomanceAs Erika came back, she discovered things that shatters her heart and her world. Her love of her life, Redrick, is already happily married to her best friend, Kella, and her son, Lanz, treat Kella as his mother. They were a picture of a happy family...