Epilogue

342 10 11
                                    

May mga grammatical errors pa siguro ito kahit na na-edit ko na. Isang beses lang kasi ako mag-eedit at kada edit ko ay magdadagdagan ako ng scenes. Pagnadagdagan ko na ay hindi ko na binabalikan pa ang mga na-add na scenes. Pwede niyong punain ang mga errors para na rin ma-aware ako. That will really help me. A LOT.

Enjoy reading!

Epilogue
-----

KUNG hindi para sa iyo ay hindi para sa iyo. Kung ipagpipilitan mo man ay ang tadhana na ang siyang gagawa ng paraan para maiwala niyo ang isa't-isa.

Many years had past. Was it ten years or more than that? What happened to me scarred my life and it gives me so much lesson.

I opened my eyes and stared at the ceiling.

Another tough day, huh?

"Mommy!"

"Momma!"

"Mama!"

Magaan na ngumiti ako at mabilis na umayos ng upo. Nakita ko agad ang mga anak kong nagkukumahog na lumapit sa akin. Malalaki ang mga ngiti sa mga labi ng mga ito at nagtatawanan pa.

"Careful." Saway ko sa mga ito.

Pero nag-unahan pa rin ang mga itong umakyat sa kama at paharap na umupo sa akin.

Tinaasan ko ang mga ito ng kilay.

"What is it?"

The three pouted. Napahilot ako sa sentido ko dahil alam kong may hihingin na naman ang mga ito.

"Let's go to park, mommy?" Si Light Miracle na siyang nag-iisang babaeng anak ko at ang pinakabunso.

"Yes, momma, please?" Si Lux Miraculum naman, ang pangatlong lalaking anak ko.

"Sige na, mama." Si Edrick John ang panganay sa triplets ko.

Nang pinagbubuntis ko ang mga ito ay hindi ko napansin na mas malaki pala ang tiyan ko kumpara sa normal na mga buntis. Laking gulat ko nalang noong six months na ang tiyan ko at sinabi ng ob-gyne ko na tatlo ang laman ng tiyan ko.

Kaya kahit wala ang ama ng mga ito ay hindi ko man lang magawang magmukmok dahil tatlo ang inaalagaan ko.

"Where's your kuya?" And as if on cue, the 18 year old Lanz came in.

Napangiti ako ng makita ang mukha nito na animo pinagbaksakan ng langit at lupa ng pumasok.

Kitang-kita ko ang pagbabago ng katawan niya at ang itsura niya, maging ang boses nito ay nabago na rin. Mataas na rin ito sa akin at kung dati ay siya ang hinahalikan ko ngayon ako na ang hinahalikan niya.

"Hey, mom." Isang baritonong boses na aniya at hinalikan ako sa noo.

"What's with the face?" Natatawang ani ko.

Agad na ngumuwi si Lanz at binalingan ang tatlo.

Humalukipkip ako at tumingin sa tatlo na ngayon ay halos hindi man lang makatingin sa akin.

"Light, Lux and Rick." Mas lalong nag-iwas ng tingin at tatlo. "Look at me." Kalmadong sabi ko.

Pero alam talaga ng triplets kung kailan sila dehado dahil dahan-dahan ang mga ito sa pag-alis ng kama ko na animo hindi namin nakikita.

"Stay right there." Seryosong saad ko.

Naistatwa naman ang tatlo sa sinabi ko at sabay na mangiyak-ngiyak na tumingin sa akin.

The Woman Today (Bed Imprisonment Sequel) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon