Prologue

67.8K 739 29
                                    

Ayoko sanang umalis dahil ayokong mapalayo sa mahal kong si Mara pero kailangan, para sa kinabukasan namin, kaya ko rin ginawa ito kahit na wala akong balak pumunta sa bar na kasama si Mr. Mirai Akiyama. Hindi ko naman kasi alam kung ano bang ginagawa namin sa maingay na bar na ito. Malaki ang lugar at punong-punong ng tao.  Sanay ako sa ganitong lugar pero, sa mga oras na ito, ang gusto ko lang ay ang ma-close nag deal kay Mr. Akiyama at makauwi ng pilipinas para yayain mag pakasal ang pinaka-mamahal ko.

Maraming tao at sisikan habang hinihintay ang isang banda. Base sa nakikita ko, mukhang maraming fans ito dahil na rin sa mga taong kahit na hirap na dahil sa sikip ay nag tya-tyaga parin. Tumingin ako kay Mr. Akiyama na tahimik na nag hihintay rin. Hindi ko alam kung anong ginagawa namin dito pero sa nakikita ko, mukhang kilala nya ang mag peperform.

Nabaling sa stage ang mata ko ng mag hiyawan ang mga tao pag katapos lubas ang banda. Saglit akong natigilan dahil hindi ko inasahan na babae pala, lahat ng miyembro nito. Interesting. Tiningnan ko sila isa-isa. Nag simula ako sa Drummer na unang lumabas. Maganda sya at maputi, nasa 5’5 siguro ang height. Sunod na lumabas ang  lead guitarist. Ang weird nya tingnan dahil blonde ang buhok nya, pero Japanese sila kaya weird talaga, dahil mukha syang half. Nabaling naman sa bassist na pangatlong lumabas ng stage ang paningin ko. Maganda rin sya kagaya ng dalawang nauna, pero napansin ko ang malapad nyang ngiti. Mukhang sya ang clown at pinaka masiyahan sa  banda. Hindi ko rin tuloy maiwasan na mapangiti, pero nawala yun ng makita ko ang lead vocalist.

She’s small, sa katunayan, sya ang pinaka maliit sa apat nasa 5’3 siguro ang height. Balingkinitan ang katawan. Lagpas balikat ang manipis na buhok. Matangos ang ilong. Sungki ang ngipin. Singkit ang mga mata. She looks like a Japanese doll.

“Anata-tachi wa, junbi ga dekite imasu ka?” Wika nya. Hindi ko naintindihan kung anong sinabi nya pero nag hiyawan ang mga tao.

“She said, are you guys ready.” Wika ni Mr. Akiyama. Napalingon ako sa kanya. Paano nya basa ang iniisip ko?

“Ahh..Okay.” Alanganin kong sagot. Nabaling ulit sa banda ang atensyon ko ng mag umpisa silang tumugtog. Tumaas ang kilay ko dahil, magaling sila. Sa pilipinas kasi, konti lang ang mainstream na banda. General Luna nga lang ang kilala ko, pero malayo sila sa banda yun. Mas cuter version sila.

Pag katapos ng performance ay niyaya ako ni Mr. Akiyama na umupo sa isang table at nag umpisa kaming mag inuman.

“Sir, I think we should stop.” Suhestyon ko. Kanina pa kami nainom at nahihilo na rin ako. Inisang lagok ni Mr. Akiyama ang hawak na baso saka nag salita.

“Ahhlam moh bha? Mish na mish ko ang hanak ko? pewo hindi ko sya makashama, kashi ayaw ng angkan sha kanilaaa.” Slang na wika ni Mr. Akiyama. Alam kong marunong syang mag salita ng tagalog dahil nga may naging asawa syang pilipina. Alam ko rin na may anak syang babae na sa pilipinas nakatira.

Hindi ako nag salita at nakinig lang sa bulol nyang tagalog. Pag bagsak ng ulo ni Mr. Akiyama sa table ay tumayo ako at inalalayan, sya para iuwi na. Nasa labas na kami ng bar ng makarinig ako ng babaeng boses.

“Otōsan, anata wa daijōbudesuka?” Napalingon ako sa nag salita. Namukhaan ko agad sya. Yung vocalist ng banda kanina sa loob ng bar.

“What?” Tanong ko. Tinapunan nya ako ng tingin. Nahigit ko ang pag hinga dahil matalim ang mga titig nya.

“I said. Is he okay?” Wika nya.

“Yes. He is just drunk.”

“I’ll take him.” Balewala nyang wika saka kinuha si Mr. Akiyama sa akin pero bago pa sila makaalis ay dumating ang mga kabanda nya kasama ang ilang staff at crew na inalalayan pa si Mr. Akiyama. Nakatingin lang ako sa kanila.

“Hey, come on, let’s go. I’m Tomo.” Nakangiting wika ng bassist nila.

“No, thanks, I have my own unit.” Sagot ko pero hinatak nya ako papasok sa loob ng malaking bus na parang bahay sa loob.

“Bakit nandito yan?” Tanong ng babaeng kumuha kay Mr. Akiyama sa wikang Nihongo kaya wala akong maintindihan. Sana kasi English nalang diba. Papahirapan pa ako eh.

“Meg, Kasama sya ng papa mo saka baka nakalimutan mo yung dare namin sayo.” Wika ni Tomo. Ang babaeng humatak sa akin dito. Nakita ko ang pag taas kilay ng may pangalan na Meg. Ano kayang dare yun?

“Pwede naman sa ibang araw yun eh, pwede rin na sa ibang lalaki nalang.” Sagot pa nito. Wala talaga akong maintindihan dahil salitang alien ang gamit nila, para akong tanga na nakatingin lang sa kanila habang nag uusap sila.

“Ohhh He’s hot.” Singit ng isang babaeng galing sa kung saan.

“Mimi Herera?” Wika ko. Kilala ko sya dahil sikat syang artista sa Pilipinas.

“You know me? Are you a Filipino?” Tanong ni Mimi.

“Yes. Can you tell me what’s going on?” Nalilitong tanong ko. Nahihilo na ako at init na init sa suot kong damit dahil sa alak na nasa katawan ko kaya gusto ko na talagang mag pahinga. Nakita ko ang pag ngiti nya.

“Ahhh… Wala naman, come on. Baka pagod kana.” Wika ni Mimi saka ako hinatak sa kung saan.  Nahilo ako lalo ng itulak nya ako papasok sa isang kwarto.

“Hey! Girls! Wag nyong gawin sa akin to! Bakero!” Sigaw ni Meg pag sara ng pinto.

“What’s going on?” Tanong ko. Umupo ako at nag umpisang mag tanggal ng damit. Naiinitan talaga ako.

“Hey! Wag ka ngang mag hubad dito!” Awat nya sa akin.

“Mainit, bakit ba mainit dito?” Naiirita kong sagot saka marahas na hinubad ang long sleeve polo ko. Nag iwas sya ng tingin. Bakit? pangit ba ang katawan ko? di naman ah.

“Mag damit ka nga!” Utos nya.

“Ayoko nga! Matutulog na ako!” Sagot ko saka humiga at hindi sya pinansin. Agad akong dinalaw ng antok. This is life.

Isang malakang na suntok ang nag pagising sa akin. Pag dilat ko ay mukha ni Mr. Akiyama ang nakita ko. Namumula ang mukha nya sa galit. Disoriented akong bumangon. Hindi ko alam kung anong nangyayari.

“Anata ga yarō! Watashi wa tsumorida anata o korosu!” Sigaw ni Mr. Akiyama. Wala na naman akong naiintindihan. Badtrip talaga. Kailan ba sila mag sasalita ng maaarok ng isip ko.

“What did he say?” Tanong ko kay Meg na pinipigil ang tatay nyang nag wawala.

“You bastard, I'm gonna kill you.” Interpret ni Meg. Bigla akong naalarma dahil kilalang pamilya ng mga samurai ang mga Akiyama. Agad din akong tumayo para kunin ang damit ko sa sahig.

“Mr. Akiyama, it’s not what you think.” Mahinanon kong paliwanag. Shit lang. Mukhang mapapahamak pa ata ako.

“Anata ga watashi no musume to kekkon shite iru.” Pinal na wika nya.

“Otosan! No!” Madiin na tanggi ni Meg.

“What did he say?” Kinakabahan kong baling kay Meg.

“He said. You need to marry me.”

Para akong nabingi sa sinabi ni Meg. Bigla kong naisip si Mara na hinihintay ako sa pilipinas. I can’t marry this woman.

----------

Ayan, mag sisimula ng tumakbo ang story ni LId at ngayon palang nag papasalamat na ako sa lahat ng readers na patuloy na nag babasa ng mga nobela ko. XDD

Please be an active reader, your comments motivates me to update faster as I could. 

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon