Chapter 1

450 8 2
                                    

Chapter 1

Cloud's POV

"Cloud," pambungad sa akin ni Bea. Sa tono pa lang ng boses niya alam kong iiwan niya na ako. Pangatlo na to ah. Ginawa ko namang hobby ang pagiging panakip butas -_____-

 "Cloud I'm sorry..." Ganun ba kasakit na iwan ang taong sumalo sayo Bea na iiyak ka pa? Kung masakit pala bakit iiwan mo pa ako?

"You should be happy right now." Dapat lang?! Pagkatapos kong masaktan ng ganito! Dapat lang na maging masaya ka Bea! Dapat lang kasi ginawa ko to para maging masaya ka.

"Cloud, mahal din naman kita eh, ang kaso sobrang mahal ko siya eh. Sobra-sobra na hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa sarili ko." Kailangan pa ba talagang ipamukha sa akin yan?! Halata namang mahal mo siya Bea eh. Siya nga pinili mo ‘di ba?

"I know. Sige na Bea. Hinihintay ka na niya." Sige na Bea, umalis ka na habang napipigilan ko pa ‘tong luha ko.

Niyakap niya pa ako bago umalis. Anong akala niya, mababawasan nung yakap yung sakit? ‘Di rin. Mas lalo nga lang nadagdagan eh. Yung feeling na the closer she gets, the more you want her to stay, lang ang pinararating nung yakap na yun.

Here I am again, dumped for the third time after they used me. Ginusto ko din naman yung paggamit nila sa akin eh. Mahal ko eh. Ganun naman talaga pag nagmamahal di ba? May mga bagay kang gagawin para lang makasama mo yung mahal mo. Wala kang pakialam sa sasabihin ng iba basta masaya ka.

Dapat sanay na ako sa ganitong feeling ah. Pangatlo ko na to pre! Ano na naman bang kagaguhan ang ilalabas ko ngayon? Kay Abi, gumapang ako pauwi sa sobrang kalasingan. Kay Tricia, lasing na nakipagaway sa mga tambay. Kay Bea kaya? Tignan naten.

Ngayon, akala niyo pag ang isang tao nagpaparaya masaya siya kasi may napasaya siyang dalawang pusong nagmamahalan? Kagaguhan yun mga pare! Nagiging bitter din kami! Hindi lang namin pinapakita sa iba para hindi makonsensya yung mga pinagparayaan namin. Mahal namin eh.

Kahit ano pang sumbat niyo sa akin ngayon, isa lang ang sagot ko. MAHAL KO EH!

Wala akong kaibigang matatawagan ngayon. Solo ko na naman ‘tong mga alak. Parang ako na lang lagi naiiwan dito? Ganun na ba ako kabait para hayaan ko na lang na ipagpalit ako ng mga taong mahal ko sa iba?

"Oh andito ka pala Cloud?" Tumango na lang ako kay Ken. Gago din to eh, malamang nandito ako unit ko to eh.

"Wanna drink?"

"No thanks." Tumino na talaga mula nung magkagirlfriend. Sino nga pala ulit girlfriend niya?

"Wag mo na akong pangaralan Ken. Salamat na lang. Sawang-sawa na ako sa pangaral at sermon niyo." Umakma na naman kasi ng litanya niya.

"Alam mo naman pala eh! Eh bakit ganyan pa rin? Mula dun kay Abi hanggang ngayon ba naman? Cloud, wag mong sayangin yang kagwapuhan mo sa pagiging second choice. Hindi nga lang kawapuhan nasasayang eh, pati opportunities! Ang daming nasayang Cloud dahil diyan sa pagpapakatanga mo." Kasasabi ko lang na wag niya akong pangangaralan eh. Malala na rin to.

Starting Over The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon