NAKARAMDAM ng magkahalong saya at pangungulila ang puso ni Fleur nang makalapag ang eroplanong sinasakyan niya papuntang Pilipinas. Saya, dahil siya ay malaya at pangungulila para sa kaniyang mga magulang.Alam niyang hindi magiging madali ang buhay niya sa Pilipinas ngunit kailangan niyang kayanin hanggang sa maging handa ang kaniyang ama na makinig sa kaniya.
Sinalubong siya ng kaniyang kinakapatid at matalik na kaibigan na si Louis. Muntik na niya itong hindi makilala dahil sa laki ng pinagbago nito when puberty hits you nga naman, kung hindi niya nabasa ang tarpaulin na hawak nito na may nakasulat na Fleur Cullado hindi niya malalaman na ang gwapo at matipunong lalaki na may supladong pagmumukha ang dating palangiti at tabachoy niyang best friend na anak ng ninang niya na isang matalik na kaibigan ng kaniyang ina.
Mabilis pa sa kisap mata ang pagkawala ng sayang kani-kanina lang ay naghahari sa kaniyang sistema. Sa dinami-dami ba naman kase ng pwedeng magsundo sa kaniya ay ang bwisit na lalakeng ito pa.
Alam niyang hindi matutuloy ang ninang niya sa pagsundo sa kaniya ngunit hindi niya inasahan na ang buguk niyang kinakapatid ang magsusundo sa kaniya.
Nagtagpo ang mga mata nila at kitang-kita niya ang pag badha ng inis sa gwapo nitong mukha.
Gwapo? Ew! Mukha siyang zombie!
Nang makalapit siya sa binata, buong akala niya ay kukunin nito ang ilan sa mga dala niya gaya ng kung paano tratuhim ng isang maginoo ang isang binibini, ngunit nagkamali siya.
Inibot nito sa kaniya ang tarpaulin na hawak nito, isang daang piso at kapirasong papel kung saan nakasulat ang address nito
"Look! I am a very busy right now. As a new appointed CEO, I have lots of things to do in my office and I also have a very important meeting to attend 30 minutes from now kaya naman wala akong oras para makisawsaw sa kaartehan mo " tumingin ito sa suot nitong relong pambisig na maslalong nagpasumplado sa mukha nito "there is the address and cash for your transportation. Magtaxi ka" tumalikod ito sa kaniya at naglakad palayo.
Pansamantala muna siyang titira sa bahay ng kaniyang ninang Anika na ina ni Louis na siyang dapat magsusundo sa kaniya sa airport at maghahatid sa bahay nito ngunit nagkasakit ito kaya naman ang anak nito na may kagaspangan ang ugali ang inutusang magsundo sa kaniya.
Nagpupuyos siya sa galit habang ang mga kamay niya ay kating-kati ihampas ang maleta sa pagmumukha ng bastos na binatang iyon. Kaartehan bang matatawag ang mga hirap na dinanas niya? Bagkus hindi ito ang nakaranas at hindi nito naiintindihan ang kalagayan niya.
Ultimo pinaghirapan niya ay binitawan niya alang-alang sa kaniyang kalayaan at kasiyahan.
Nakakailang hakbang pa lamang ang binata nang huminto ito at tumingin sa kaniya "By the way, I hope you enjoy your stay here in the Philippines" may halong sarkasmo ang boses nito na maslalong ikinainit ng ulo niya ngunit sa kabilang banda, hindi niya ito masisi "wag kang mag-alala, hindi ka naman siguro mapapano dahil..." tinignan siya nito mula ulo hanggang paa "hindi ka naman kagandahan at mukhang mayaman" dagdag nito na may halong pagkairita at pangaasar.
Anong pinapalabas ng bwisit na lalakeng iyon, na pangit siya at mukhang bobo at hampas lupa kaya naman hindi na mag-aaksaya ng oras ang mga rapist at magnanakaw sa paligid na galawin siya dahil wala namang makukuha ang mga ito sa kaniya.
Para na din nitong sinabi na isa siyang mababang tao na walang pakinabang sa lipunan kaya naman maging ang mga halang ang sikmura ay hindi siya pakikinabangan. Eh kung isampal kaya niya ang isang milyong dolyar maging ang taba at bilbil niya sa pagmumukha ng bastos na lalaking iyon. Tama isa siyang bastos! Walang modo!
BINABASA MO ANG
Fireflies
RomanceIn life, you cannot have it all and for an almost-perfect-woman like Fleur, happiness is something that she cannot afford in her wealthy and luxurious life. Her intimidating father always reminds her that everything has a price, her happiness in exc...