This chapter is dedicated to FlamesofLove_
*****KINAGABIHAN sinundo siya ni Louis mula sa kaniyang kwarto at isinakay sa isang simple pero eleganteng karwahe na kulay royal blue. Kulay silver naman ang bawat metal at dekorasyon na nakapalibot dito. Hila-hila din ito ng dalawang puting kabayo na imamaniobra ni Mang Unyok na nakangiti sa kanila.
Napakagara ng karwaheng iyon. Buong akala niya sa storya lang ni Cinderella ang may ganon.
Ngunit, kahit pa mukhang mamahalin ang karwaheng iyon at napakagara, hindi iyon ang reson kung bakit nakakaramdam siya ng saya sa kaniyang puso, kundi ang oras at effort na nilaan nito para sa kaniya.
Alam niyang napaka-simpli lang ng probinsya ng Tarlac, lalo na sa barangay San Andres na kung saan sila kasalukuyang namamalagi. Puro bukid, puno ng mangga, paper tree, at acacia lang ang nakikita, pero dahil sa efforts ng binata para sa kaniya ang probinsya ng Tarlac ang pinakamagandang lugar na kaniyang napuntahan. Ito ang nag-iisang probinsya na hindi niya pagsasawahang balik-balikan
"Natulala ka na dyan, may dalawa pa akong surpresa sayo" nangingiti nitong saad sa kaniya "anong masasabi mo?"
Ano pa nga ba ang masasabi niya kundi, "Sobrang ganda, pakiramdam ko tuloy para akong prinsesa"
"Tapos ako yung prinsepe?" Nangingiting tanong nito sa kaniya na para bang sigurado itong sasang-ayon ito sa kaniya.
Though, sumasang-ayon naman talaga siya dito pero sympre hindi niya hahayaang malaman nito iyon baka lumakas pa ang hangin at hindi niya makita ang dalawa pa nitong surpresa sa kaniya "oo naman, ako yung prinsesa tapos ikawa yung frog prince" pang-aasar niya dito.
Buong akala niya ay tatablan ito ng pang-aasar niya pero nagkamali siya "Kung ganon kailangan mo muna akong ikiss para maging isang ganap na prinsipe" he pouted as if he's waiting for her kiss "dali kiss mo na ako" dagdag nito habang nakapout parin habang nagsasalita, mukha tuloy itong pwet ng manok.
"Tumigil ka nga dyan, mukha kang pwet ng manok" nangingiti niyang sabi. "Tara na baka magbago pa isip ko"
Kailangan na nilang makasakay at makaalis doon dahil baka ito na ang sumunod na pasyente ni Athena sa mental.
"Oo nga, tara na baka magbago pa ang isip ko at hindi pa kita payagang ligawan ako" mahangin pa sa bagyong Undoy at makapal pa sa papel dilihang pagmamayabang nito
"Eh kung iwanan kaya kita dito para sarili mo na lang ang surpresahin mong kupal ka" para siyang misis na sumusundo sa mister niyang nakikipag-inuman sa kabilang kanto kung makapag-salita.
"Sabi ko nga tara na at baka magbago pa ang isip mo"sabi nito na parang isang empleyadong na supalpal ng manager nito
"Buti alam mo" gusto niyang matawa sa inasal nito pero maspinili niyang icover up ito sa pamamagitang ng pagtataray
Inalalayan siya nito papasok sa loob ng magarang karwahe, naupo ito sa tabi niya, at nang maayos na nila ang kanilang sarili ay binigyan niya ang kotserong si Mang Unyok ng go signal at nagsimula na silang umandar.
Dumaan sila sa isang sementadong daan na hindi niya alam kung saan patungo.
Dumaan sila sa isang napakalawak na bukid na pagmamay-ari ng mga Fortalejo.
May mga nakatayo ding mangga sa bawat paligid, kapansin-pansin din ang mga nagliliparang alitaptap at mga sumasayaw na dahon ng palay.
"Anong tinitignan mo dyan?" Tanong nito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Fireflies
RomanceIn life, you cannot have it all and for an almost-perfect-woman like Fleur, happiness is something that she cannot afford in her wealthy and luxurious life. Her intimidating father always reminds her that everything has a price, her happiness in exc...