SA MADILIM at malamig na gabi ay naroon si Louis, nag-iisa sa balkunahe ng treehouse, pinapanood ang mga nagliliparang alitaptap.Sa loob ng tatlong araw simula ng dumating sila ay wala siyang ibang ginawa kundi ang sumama sa mga pinsan niya sa papamasyal para makaiwas sa dalaga.
Humiga siya sa picnic mat na inilatag niya at pinagmasdan ang kalangitan na punong-puno ng bituin. Nang makaramdam siya ng gutom, bumangon siya at nagsalin ng wine sa kaniyang baso at nilantakan ang paborito niyang snack na Pringles.
Muli siyang napatingin sa mga alitaptap na dumapo sa sanga at dahon ng matandang puno ng acacia at ilang alitaptap na na-aakit sa ilaw ng gaserang dala niya. Habang nakatingin siya sa mga ito ay naalala niya ang mga panahong magkasama sila nila Fleur at Justin.
Mga panahong tumatakas sila para manghuli ng alitap at ilagay sa garapon na kalaunan din ay papakawalan nila.
Masasabi niyang naging napakasaya ng pagkabata niya dahil sa mga ito ay taas noo niyang masasabi na saksi ang dilim ng gabi, ang treehouse, at mga bituin at alitaptap kung paano sila naging bata.
Mga batang walang ibang ginawa kundi ang tumawa, maglaro, at magsaya sa mundong inakala niya ay isa lamang laro, na parang isang kwento na may happily ever after.
Nang mga panahong iyon, kailan man ay hindi niya naramdamang mag-isa siya, ngunit ngayong wala na ang mga ito, pakiramdam niya ay nag-iisa na lamang siya. Ang lugar na ito ay napakatahimik. Ngunit, punong-puno ng mga maiingay na ala-ala na kailan man ay hindi niya pagsasawahang pakinggan.
Habang nakatingin siya sa mga bituin at alitaptap, hindi niya maiwasang hilingin na sana maibalik pa ang dati na kung saan isa siya sa tatlong batang hindi natatakot sa dilim at nagsasaya.
Nang may namataan siyang bulalakaw, si Fleur agad ang naisip niya dahil mahilig itong humiling sa mga bulalakaw na tinawag nitong shooting star.
Hindi niya maiwasang mapangiti nang maalala niya na sa tuwing may dumadaang bulalakaw, ay humihiling silang tatlo. Dati paniwalang-paniwala siya sa ideyang iyon pero ngayon ay hindi na, dahil ang kaisa-isang hiling niya sa mga bulalakaw na nakikita niya, ay ang makasama si Fleur hanggang pagtanda at manatiling masaya kasama ang mga kaibigan niya.
Ngunit, sa mga oras na ito ay gusto niyang sumubok ulit. Hiniling niyang makasama ang dalaga sa oras ng kaniyang pag-iisa.
IT'S been three days since they arrived. Louis's cousins and some of their family friends went there to welcome them warmly.
She is wearing her color champagne nightdress made with silk. She looks at the wall clock hanging in her room. It's 12 in the midnight and she still couldn't sleep.
Napagdesisyunan niyang magtungo sa balcony ng kaniyang kwarto. Tumingala siya sa kalangitan na punong-puno ng bituin at pinagmasdan ang malawak na hardin na pagmamay-ari nila Louis, full moon kaya naman hindi gaanong madilim sa hardin pero ang mas nakakuha ng atensyon niya ay ang mga nagliliparang alitaptap. Di niya alintana ang malamig na simoy ng hanging amihan dahil naaliw siya sa mga ito.
Hindi naman siguro masama kung lalabas siya at pagmamasdan ang mga ito sa malapitan.
Kinuha niya ang isang Italian style na gasera na nasa kaniyang silid at nagtungo sa hardin. Sa kaniyang paglalakad ay may mga alitaptap na lumalapit at naakit sa liwanag ng gaserang hawak niya.
Nasulyapan niya ang malaking puno ng acacia na pinagtayuan ng kanilang treehouse nung mga bata pa sila. Inilapag niya ang gasera at umakyat sa stairs na nakapaikot dito patungo sa loob ng treehouse.
Ang treehouse na dinesenyo ng ama nitong architect at tinayo ng ilan sa kapit-bahay nilang karpentero ay hindi lang basta-bastang treehouse na pinaglalaruan ng mga bata kung tutuusin ay pwede na itong gawing tirhan ng dalawang tao.
BINABASA MO ANG
Fireflies
RomanceIn life, you cannot have it all and for an almost-perfect-woman like Fleur, happiness is something that she cannot afford in her wealthy and luxurious life. Her intimidating father always reminds her that everything has a price, her happiness in exc...