Nagtatalon at kulang na lang mamilipit ang tiyan nila Fleur at Justine sa kakatawa nang makalabas si Louis.
"Did you see that?!" Tili ng baklitang kasama niya.
"Hoy! Ano ka ba!" pabiro niya itong hinampas sa balikat, "Baka may makarinig sayo" luminga-linga siya sa paligid para tignan kung may nakakita sa kanila. Pasimple niya itong hinapas sa balikat "Pag may nakakita or nakarinig sayo dyan at chinika ka kay General bubugbugin ka na naman nun."
Ang tinutukoy niyang General ay ang ama nito. Kagaya niya ay wala din itong kalayaan, kalayaang magpakatotoo sa sarili at ipakita sa mundo na isa itong binibini na ipinanganak sa katawan ng isang gwapong ginoo. Minsan nga ay hindi niya maiwasang manghinayang sa kaniyang kaibigan, kung naging lalake lang sana ito, ay baka hindi nahulog ang loob niya kay Louis nung mga bata pa sila.
Edi sana'y wala siyang problema ngayon.
"Hay naku sis, bahala siya sa buhay niya tanggap niya ako or hindi,bahala siya" bumuntong hininga ito "Pero siiiiiiis!" Tili nito "feeling ko nagsiselos si Fafa Louis sa atin kanina" humalakhak ito ng pagkalakas-lakas at pinilantik ang imaginary long hair nito"sabi ko na nga ba gusto niya ako" nagtatalon pa ito at pakunwaring kinikilig "OMG! Sabi ko na nga ba eh, gusto niya ako hindi niya lang maamin"
"Gaga!" nangingiting aniya "Baka nga gusto ka niya" bahagya siyang natawa "Gusto ka niyang jombagin" humalakhak siya ng pagkalakas-lakas
"Jombagin ng pagmamahal" nangingiti siya nitong inungusan tsaka tumawa "Pero sis, seryoso ah" kapagkwan ay naupo ito sa sofa kaya pati siya ay naupo narin "Feeling ko talaga pinagsiselosan ako ni Fafa Louis. Kung nakakamatay lang ang tingin, baka pinaglalamayan niyo na ang kagandahan ko ngayon, nasisense ng aura ko vakla, may gusto sayo si Fafa Louis"
"Gusto!" She felt horrified sa sinabi ng kaibigan niyang pamen "Eh, bwisit na bwisit nga sa akin yun" aniya
"Ano ka ba sis! The more you hate, the more you love" napatili pa ito na parang naiipit ang lawit kaya naman hinapas niya ito ng unan sa braso.
"Ano ka ba naman! Para kang naiipitan ng lawit kung makatili" puna niya na nangingiti
"Ouch sa lawit ah!" napahawak pa ito sa dibdib at pakunwaring nasasaktan "Hindi lawit ito, talong ito! Talong! hawakan mo pa" anito na humalakhak pa
"Weh! Pahawak nga" and with that tinapik niya ang talong na sinasabi nito at medyo napalakas yata ang pagkakatapik niya dahil bahagya itong napangiwi pero imbis na makunsensya ay maslalo pa siyang natawa.
"Teh! Masakit ah! Pag tung matres ko nabasag, sige ka baka malaglag yung baby namin ni Fafa Louis" anito na napatawa na narin
"Ipatanggal mo na kase yang lawit mo para maging happy na kayo ni Fafa Louis" aniya na natawa
Sumeryso naman ang mukha nito "Ayaw ko sa kaniya" nawala ang ngiti sa mga labi niya nang tumitig ito sa mga mata niya "Gusto ko ikaw" inilapit nito ang mukha nito sa mukha niya, siya naman ay halos hindi makagalaw dahil hindi siya sanay sa ganitong ugali ng kaniyang kaibigan
Nang halos isang dangkal na lang ang layo ng labi nito sa labi niya ay humalakhak ito nang pagkalakas-lakas at bahagyang lumayo sa kaniya "Ikaw ah!" Nangingiting anito "May pagnanasa ka sa akin ah!"dagdag pa nito at pabirong hinampas ang balikat niya habang tumatawa.
" Pagnanasa?" Nalukot ang mukha niya "Alin? Sa talong mong lusak?" aniya na napapangiti "Wag na lang" tsaka siya humagalpak sa tawa
"Hoy! Hindi lusak ito noh" anito at itinuro ang gitna ng hita nito, "fresh na fresh kaya ito tignan mo pa" akmang iluluwang nito ang pantalon nito para ipasilip ang talong nito nang itulak niya ito at bituhin ng unan sa mukha.
"Ang dugyot mo talaga" aniya na hindi pa rin tumitigil sa kakatawa at kakahampas ng unan sa kaibigan
WALANG tigil sa paglaklak ng alak si Louis habang ang mga kaibigan niya ay nagsasaya sa pool area nila Phine, birthday kase nito kaya nagpainom at nagpaparty. Si Phine pa na isang you-only-live-once na tao.
May lumapit sa kaniyang babae at inagaw ang bote sa kamay niya. Napairap na lang siya sa hangin nang makita kung sinong humablot ng inumin niya, only to find out na si Lexie pala iyon.
One of his rebounds.
"Mind sharing me your drink" she said flirtatiously
"Get out!" Sininghalan niya ito.
Napaatras ito dahil sa pagkabigla "Why so harsh babe" she said sarcastically. "Hindi ka naman ganyan dati" anito na akman hahawakan ang labi niya nang tapikin niya ang mga kamay nito
"Don't call me that, damn you!" Pagalit niyang saad dito and with that kahit pasuray-suray ay pinilit niyang maglakad palayo sa babae nang marinig niya itong magsalita dahilan para siya'y mapahinto.
"Kailan mo ba matatanggap na hindi ikaw ang gusto niya, Louis" lumingon siya sa dalaga. She has this bitter smile in her lips as she wipes the traces of liquor in it using her forehand "She likes Justin" she forced a laugh "No..she loves him and he loves her too, while you" tumingin ito ng deretso sa mga mata niya "Pity" tumikhim ito at humalakhak nang nakakapang-insulto "She will never gonna love you nor choose you, kahit anong gawin mo hinding-hindi ka niya mamahalin, pero ako" itinuro nito ang sarili "Kaya kitang mahalin ng buong puso, kaya kitang piliin kahit na alam kong hindi ako ang gusto mo, kaya kong tiisin ang lahat para sayo" tumulo ang luha nito "Minahal mo naman ako noon di ba? Sadyang-"
"I never love you, so please move on" sansala niya sa mga sasabihin nito tsaka niya ito tinalikuran.
Niyakap siya nito mula sa likuran "No! It's not true!" Pagpupumilit nito "Mahal mo ako! At mahal mo parin ako hangang ngayon! Masyado ka lang nabulag sa-"
Tinanggal niya ang pagkakayap nito sa kaniya at humarap sa dalaga "Wala akong sinabing mahal kita" pagkaklaro niya dito "Ikaw lang ang nag-isip nun" dagdag niya "Isang babae lang minahal ko, pero pag-aari na siya ng iba"
BINABASA MO ANG
Fireflies
RomanceIn life, you cannot have it all and for an almost-perfect-woman like Fleur, happiness is something that she cannot afford in her wealthy and luxurious life. Her intimidating father always reminds her that everything has a price, her happiness in exc...