MASAYANG nag-aagahan si Fleur kasama si Mama Nika sa dining table. Pinagsasaluhan nila ang napakasarap na waffles na binake niya.
Nasakalagitnaan sila ng pag-uusap tungkol sa pagluluto ng desserts, bread and pastries, at iba pang pagkaing binibake nang dumating si Louis na naging dahilan upang mapalis ang ngiti sa kaniyang mga labi
Nakapang-business attire na ito at mukhang papasok na sa opisana. Humalik ito sa pisngi ng kaniyang ina "oh hijo, papasok ka na?" Tanong ng ginang "maaga pa ah"
"Mom, it's already 7" anito na hindi manlang tinapunan ng tingin ang lamesa o kahit siya na prenteng nakaupo habang pinapanood ang mag-ina.
Nagtungo ang binata sa kusina at nang bumalik ito ay may dala na itong toasted bread at tasa ng umuusok na kape.
"Coffee and toasted bread na naman, hindi ka ba nagsasawa sa ganiyan, anak?" Tanong ng ina nito na para bang sawa na itong makita ang anak na nag-aagahan ng toasted bread at kape araw-araw.
Tumingin ang ginang sa kaniya at sa waffles na binake nito "Ayaw mo bang itry yung waffles na binake ni Fleur" nakangiting saad ng ginang sa binata "it's you're favorite, right?"
Walang esmosyong tumingin ang binata sa kaniya at sa waffles na binake niya. Binalingan nito ang ginang "I am fine with these" bahagya nitong itinaas ang kamay nitong may hawak ng kape at toasted bread and with that isinubo nito ang tinapay at sumimsim ng konti sa kape at nagpaalam sa ginang bago umalis. Umalis ito nang hindi manlang tumitingin o nag-papaalam sa kaniya.
Sino nga naman ba siya para magpaalam ito sa kaniya?
Nang matapos silang kumain ay may natirang 4 na waffles nilagay niya ang mga iyon sa refrigerator na nasa kusina. Plano niyang meryandihin ang mga iyon pag sapit ng alas tres ng hapon.
Inilagay niya sa lababo ang pinagkainan nila ng kaniyang Mama Nika balak niya itong hugasan nang dumating ang isa sa mga katulong nila at nagvolunteer na ito na lang daw ang maghuhugas kaya naman pumanhik siya sa kaniyang kwarto para doon tumambay.
Humiga siya sa kama at tumingala sa kisame. Naisipan niyang manood sa Netflix kaya kinuha niya ang kaniyang laptop na nasa study table ng silid nang maalala niya ang waffles na nilagay niya sa refrigerator.
AMINADO siyang paborito niya ang waffles at kung wala lang doon ang dalaga at hindi ito ang nagbake nun at hindi siya galit dito ay baka walang habas niyang inubos ang mga iyon.
Nang makalabas siya ng bahay ay sumakay agad siya sa kotse at nagsimulang magmaneho papuntang opisina para makaiwas sa tukso na bumalik sa dining hall at dumekwat ng waffles sa mesa.
Pilit niyang sinasaksak sa kokote niya na hindi masarap ang mga iyon, na kesyo baka may lason ang iyon, at kung ano-anu pang mga pampipintas ang sinabi niya sa waffles na binake ng dalaga habang nagmamaneho.
Ngunit hindi niya talaga kinayang labanan ang temtasyon ng mabango at katakam-takam na waffles na iyon.
Nag-uturn siya pabalik sa bahay nila at dumaan sa backdoor at nagtungo sa kusina. Palihim niyang pinagmamasdan ang kaniyang ina at ang dalaga na masayang nag-aagahan. Sana lang ay tirhan siya ng mga ito.
Nakamasid lang siya ng palihim hanggang sa matapos ang mga itong mag-agahan at napasuntok siya sa hangin dahil sa tuwa nang makitang may natira pang apat na waffles sa mesa.
Umalis na ang kaniyang ina matapos kumain habang si Fleur naman ay naglalakad papuntang kusina kaya naman agad siyang nagtago sa likod ng pinto. Nakita niyang nilagay ng dalaga ang pinagkainan ng mga ito sa lababo nang lumapit ang isa sa mga katulong nila at nagvolunteer na ito na lang daw ang maghuhugas ng pinagkainan.
Lumabas ang dalaga at nang bumalik ito ay dala-dala na nito ang apat na waffles na nasa plato at inilagay sa refrigerator. Naglakad ito palabas ng kusina habang siya naman ay pasimpling sumisilip para alamin kung sana ito pupunta.
Napabuntong hininga siya nang makitang pumanhik ang dalaga sa silid nito.
It's showtime!
Abot tenga ang ngiti niyang nagtungo sa kusina, binuksan ang ref at agad na sinubo ang isang pirasong waffle sa kaniyang bibig.
It taste like heaven. Wala siyang ibang inisip kundi ang napakaperktong lasa ng waffle na nasa bibig niya. Para siyang adik na on session sa paghithit ng marijuana.
Hindi niya na nabilang kung ilang waffles na ang kaniyang nakain basta subo lang siya ng subo at nguya ng nguya kaya naman napa-igtad siya nang makitang may isang kamay mula sa likuran niya ang dumampot sa kahu-hulihang waffle na nasa plato.
"Busy ka pala ah" pumihit siya paharap sa pinangalingan ng pamilyar na boses at bumulaga sa kaniya si Fluer na may napakalapad at nang-aasar na ngiti sa mga labi.
Hiyang-hiya siya sa nangyari at baka nga namumula na siya. Napalunok siya sa isiping iyon, only to find out na hindi niya pa pala nangunguya ng maayos ang huling waffle na isinubo niya kaya naman bumara iyon sa kaniyang lalamunan na naging dahilan para mabulunan siya.
Dinampot niya ang tumbler na may laman na tubig na nasa ref at ininum iyon. He sight heavily and a lil laud then he cleared his throat.
"So.." Iwinagay ni Fleur and hawak nitong waffles na hindi pa nito nagagalaw "Gusto mo sayo na lang ito" nang-aasar nitong saad tsaka ito tumawa ng nakakaloko.
Sa sobrang hiya niya ay hindi niya naiwasang hindi mautal "H-hindi na, salamat na lang" tumalikod siya dito at nagmamadaling lumayo sa dalaga na para bang napapaso lalo pa nang marinig niya itong humalakhak ng pagkalakas-lakas.
BINABASA MO ANG
Fireflies
RomanceIn life, you cannot have it all and for an almost-perfect-woman like Fleur, happiness is something that she cannot afford in her wealthy and luxurious life. Her intimidating father always reminds her that everything has a price, her happiness in exc...