NASA hapag sina Fleur, Anika, at Louis. Tahimik silang kumakain ng dinner nang araw ding iyon.
Nakaupo ang ninang Anika niya sa pinakaunahan habang siya at si Louis naman ay magkaharap na kumakain kaya naman malaya silang magpalitan ng masasamang titig.
Siguro nga ay nangako ang binata na hindi na siya nito babastusin pero hindi naman ito nangakong hindi na manlalamig sa kaniya. Hindi naman nito sinabi na papatawarin na siya nito kaya naman galit parin ito sa kaniya hanggang ngayon.
Kumbaga isang civil war ang nagaganap sa pagitan nilang dalawa. Masama ang tingin niya dito at ganon din ito sa kaniya.
Nanggigil niyang hiniwa ang steak na nasa pinggan niya hanggang sa hindi niya namamalayang pati ang plato ay nahiwa niya narin.
Samantalang si Louis naman ay nakabasag ng mamahaling wine glass dahil sa sobrang lakas ng pagkakalapag sa mesa nito.
Ang Ninang Anika niya naman ay napangiwi na lang at naiilang na ngumiti. "Ang sarap ng dish" anang ginang na pilit pinapagaan ang atmosphere para kahit paano ay mabawasan ang tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa ni Louis "Pinaluto ko yan kay manang-"
Hindi na nito natuloy ang sasabihin nang padaksol na tinusok ng walang hiya nitong anak ang steak na nakahain sa gitna ng mesa.
"Aheheh" naiilang na lang itong napatawa "woh! Ang init"
Pagkatapos kumain ay agad siyang dumeretso sa kaniyang silid. Pabagsaka siyang nahiga sa kama nang bigalang magring ang kaniyang cellphone.
Tinignan niya ang Caller I.D.
Justin
"SHIT!" Napamura siya nang mabitawan niya ang kaniyang cellphone at bumagsak sa kaniyang mukha dahil sa gulat. Ano ang sasabihin niya kay Justin, paano niya masasabing nawala ang alaga nitong aso na binigay sa kaniya ng yumao nitong ina.
Nangiginig ang mga kamay na pininot niya ang accept
"H-hello?" Hindi niya maitago ang kabang kaniyang nadarama.
"From the other side?" Nagawa pa talaga nitong magbiro
"Ahm...sis kase" Hindi niya alam kung anong sasabihin "Yung aso mo kase na-"
"Don't worry hindi siya pinatapon nor pinapatay ni Louis"
"A-ano?" hindi makapaniwalang tanong niya
"Hindi niya pinatapon at pinapatay si Cea. Dinala niya lang si Cea kay Phine para itago sayo at bwisitin ka" paliwanag nito "Yung totoo, normal pa ba yang kinakapatid mo" he asked in disbelief
Ang lalaking yun! Wala na talagang ibang ginawa kundi ang bwisitin siya at stressin to the highest level
"Ahmm Fleur, nandyan ka pa ba?" Anang kaniyang kaibigan nang wala itong narinig na kahit anong komento galing sa kaniya "Ayos ka-"
Nang-gigil niyang hinang-up ang tawag at nagmamartsyang nagtungo sa library kung saan laging namamalagi ang binata.
Bwisit talaga ang lalaking yun, lagi na lang siyang pinagtiripan. Meron pa naman siyang dalaw ngayon kaya napakadali lang uminit ng ulo niya.
Mabibigat ang kamay na kinatok niya ang pinto ng library, nakakasampung katok na siya pero wala paring Louis na nagbubukas ng pinto para sa kaniya "Louis! Lumabas ka dyan kung ayaw mong sirain ko tung pinto mo" gigil na gigil siya. Wala siyang pinagkaiba sa isang torong umuusok ang ilong sa galit, yung galit na kayang sumira ng pinto.
"Ahm..Señorita" nag-aalangang tawag sa kaniya ng isa sa mga maids. Pinukol niya ito nang nakakamatay na titig dahilan para mapa-atras ito sa takot "W-wala po si Señorito Louis dyan"
"Kung ganon nasaan siya" hasik niya rito. Nanginginig naman ang kamay ng katulong nila na itinuro ang isang kulay light blue na pinto sa kabilang dulo ng palapag na ito.
"Sigurado ka?" May pagbabantang paninigurado niya dito.
Ayaw na ayaw niyang nakakasagap ng fake news o ng maling impormasyon lalong-lalo pag ganitong nagliliyab siya sa galit. Samantala, nanginginig namang napatango ang maid na kausap niya.
Malalaki ang hakbang na nagtungo siya sa pintong itinuro nito.
"Ma'am sandali lang po" pigil nito sa kaniya.
Tinignan niya ito ng masama "Huwag kang makikialam kung ayaw mong itulak kita sa hagdan at sisiguraduhin kong hindi ka na sisikatan ng araw bukas ng umaga" pagbabanta niya rito.
"P-pero Sen-"
"LAYAS!" galit niyang sigaw dito at itinuro ang hagdan pababa.
Pag hindi pa ito tumigil ay baka madamay ito sa galit niya kay Louis at baka mandilim ang paningin niya ng hindi oras at maging instant kriminal.
Tumigil siya sa paglalakad at walang bwelo-bwelong sinipa ang pinto ng silid na kinaroon ni Louis. Sa lakas ng sipa niya, the door sprang widely open.
Imbis na sugurin ang binata ay naistatwa siya sa kaniyang kinatatayuan. Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng lakas at umakyat papunta sa pisngi niya ang lahat ng dugo sa kaniyang katawan.
Naduwag siyang sugurin ito, kung sabagay sino ba naman ang may sapat na lakas at tapang na sugurin ang isang lalaking hubu't hubad as in wala ni isang saplot na nasa ilalim ng shower
"AHHHHHHHHHHHHHHH" she shouted in horror and shock as she covered her eyes using her palms "BASTOS! BASTOS KANG LALAKE KA!!"
"T-teka anong bastos eh ikaw nga itong sumira ng pinto habang naliligo ako" he said in disbelief as he reached for the towel to cover the lower part of his naked body. "For all I know wala akong ginagawa sayo" anito nang makalapit ito sa kaniya na nakatakip parin ang mga mata.
She doesn't want to look at him wearing nothing but a towel that covers his lower part of the body. Baka kung ano pang isipin nito.
"Ikaw ang may-" Hindi na nito natapos ang sasabihin nang marinig nila ang nagpapanic na boses ng kaniyang ninang
"What's going on here?" Anang ginang na napatingin sa anak nitong walang saplot sa katawan kundi ang twalyang nakatapi dito. "Louis!" Sita nito "Magbihis ka nga! Nakakahiya ka sa harap ka pa talaga ni Fleur nag-"
"Ma! Wala akong ginagawang masama sa kaniya" he said defensively.
Pinapalabas ba nito na bigla na lang siyang sumugod dito ng walang dahilan o baka naman pinapalabas nito sa kaniyang Ninang Anika na kaya siya narito ay para makapamboso
"Siya itong bigla na lang akong sinugod habang nalili-" dadag nito na hindi na niya pinatapos.
Tinanggal niya ang kaniyang palad na pinangtakip niya sa kaniyang mga mata at pinaghahampas ang dibdib ng binata "ANONG WALA HUH?!" galit niyang sigaw dito "NALOKO MO KONG BWISIT KA! SABI MO PINATAPON AT PINAPATAY MO YUNG ASO NI JUSTIN EH HINDI NAMAN PALA!"
Hindi ito nakasagot "PINATAGO MO LANG PALA KAY PHINE PARA BWISITIN AKONG HAYOP KA! NGAYON ETO NA TALAGA! IT'S OVER" pagpapatuloy niya na wala paring tigil sa paghampas sa binata na walang tigil sa pagsalag sa mga atake niya. "IT'S OVER!!" sigaw niya na malamang ay rinig na rinig sa buong kabahayan.
"Hija maghunos dili ka" awat ng kaniyang Ninang Anika nang sabunutan niya ang binata at kinaladkad papuntang inidoro.
Wala siyang pake kung anak ito ng pinakamamahal niyang ninang. Punong-puno na siya at sagad na sagad na ang hindi kahabaan niyang pasensya.
"Aray!" Pilit itong nagpupumiglas sa pagkakahawak niya pero sa mga oras na ito ay alam niyang masmalakas siya rito at wala itong laban sa kaniya.
Iba talaga ang nagagawa ng galit!
"CONGRATULATIONS" she said sarcastically "YOU FINALLY SUCCEEDED IN PESTERING ME" after she ended her last few words ay inilublub niya ang binata sa mamahaling bowl na katabi ng shower
"AYYYYY! HIJA! TAMA NAAAA" natatarantang sigaw ng ina nito na pilit siyang inaawat.
Tatlong magkakasunod na beses niyang nilublub ang mukha ng bwisit na binatang iyon bago siya tumigil at hinihingal na nagmartsya papasok sa loob ng kaniyang silid at pabagsak na isinara ang pinto.
BINABASA MO ANG
Fireflies
RomanceIn life, you cannot have it all and for an almost-perfect-woman like Fleur, happiness is something that she cannot afford in her wealthy and luxurious life. Her intimidating father always reminds her that everything has a price, her happiness in exc...