NAGISING SI FLEUR sa kaniyang kama, taliwas sa inaasahan niyang magigising siya sa picnic mat na kung saan dinalaw siya ng antok habang pinapanood ang mga nagliliparang alitaptap.
Wala siyang maalalang naglakad siya pabalik sa kaniyang silid pero naramdaman niya ang mga matitipunong bisig ni Louis na bumuhat sa kaniya pabalik sa kaniyang kwarto.
Kahit pa gising siya ng mga oras na iyon ay masminabuti niya na lang na magtulog-tulugan dahil alam niyang magiging mas-awkward ang sitwasyon nila kung sakali mang alam nitong gising siya habang buhat-buhat nito.
Kahit hindi sila gaanong nag-imikan ni Louis ng gabing iyon ay gusto niyang manatiling gising dahil ito ang unang beses na nagkalapit sila ng hindi nagbabangayan.
Naalala tuloy niya ang sinabi nito sa kaniya bago siya nito buhatin papunta sa kaniyang kwarto na kung saan naramdaman niya ang paghaplos ng palad nito a kaniyang pisngi "Hiniling ko sa mga bituin at alitaptap na makasama ka ngayong gabi at masaya ako dahil tinupad nila iyon"
Sa isang banda, kahit pa bakas ang kalungkutan sa boses ng binata nang sabihin nito ang mga katagang iyon, hindi niya maiwasang kiligin sa tinuran nito.
Nguinit, tama nga bang hayaan niya ang sariling makaramdam ng kilig para dito?
Pakiramdam niya dahil sa sinabi nito ay may puwang parin siya sa puso nito at kahit paano ay importante parin siya dito.
Gusto niyang umasa na may pag-asa pang maayos ang relasyon nila ng binata pero natatakot siyang kumapit sa paniniwala niya dahil sa sampung taong nagkahiwalay sila ni minsan ay hindi ito nagparamdam sa kaniya.
10 years ago iniwan niya ang binata dahil natakot siyang maging pabigat dito at maging dahilan ng tuluyang pagbagsak ng kompanya nito.
Kinausap siya ng kaniyang ama na pag nagpakasal siya kay Justin ay tutulungan nito ang kompanya ng lalakeng pinakamamahal niya na makabangon pero pag pinili niyang sumama dito ay puputulin niya ang lahat ng personal na koneksyon at maging ang shares nila sa kompanya nito.
Kilala niya ang kaniyang ama, alam niyang hindi lang ang pagtanggal sa shares ng pamilya nila ang kaya nitong gawin dahil kayang-kaya nitong tuluyang pabagsakin ang kompanya nila Louis at yun ang hinding-hindi niya maatim.
Masgugustuhin niyang saktan na lamang ito kaysa maging dahilan ng pagbagsak at pagkawala ng lahat ng pinaghirapan nito kaya naman iniwan niya ito at sumama sa kaniyang ama pabalik ng Canada na kung saan nakatakda na siyang ikasal kay Justin.
Ngunit, nakiusap sila ni Justin na wag muna silang ikasal sa kadahilanang kailangan muna nilang magtapos ng kanilang pag-aaral.
Bente anios pa lamang silang dalawa ng mga panahong iyon at nasa kasagsagan din sila ng kanilang pag-aaral ng abugasya kaya naman iyon ang naisip nilang gawing alibi para hindi maikasal. Mabuti na lang at nakumbinsi nila ang mga ito, kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa sila naikakasal.
Naibalik sa kasalukuyan si Fleur nang makababa siya mula sa kaniyang silid at nagtungo sa sala kung saan nakaupo sina France, Adrian, at Louis.
Nagkatinginin sila ng binata ngunit maspinili niyang magpatay malisya gaya ng ginawa nito.
"Fleur" tawag sa kaniya ni France. Nabaling ang tingin niya mula kay Louis papunta dito. Nginitian niya lang ito bilang pagtugon "Libre ka ba mamaya?"
"Wala naman akong pinagkakaabalahan" sa katunayan nga ay nauurat na siya sa kanunuod ng Netflix sa loob ng kwarto. Pakiramdam tuloy niya ay nasa Manila parin siya.
"Edi sasama ka sa amin mamayang gabi sa peryahan"
"Peryahan?" Matagal na siyang hindi nakakapunta sa peryahan pero bakit naman siya sasama sa mga ito kung from the first place wala namang nag-aaya sa kaniya.
"Bakit ayaw mo ba?" Nangingiting tanong ni France na dumako ang tingin mula sa kaniya papunta kay Louis na napakunot noo. Tumingin ito pabalik sa kaniya tsaka sinabing"May iniiwasan ka ba? May ayaw ka bang makasama sa amin" tinaas baba pa nito ang kilay upang asarin siya.
Dun pa lang ay kuha niya na kung ano ang ibig sabihin nito. Inirapan niya ito bago dinepensahan ang sarili "Baka kase may nag-aya sa akin" sarkastiko niyang balik dito
"Edi aayain kita, ngayon mismo. Ano sasama ka ba o sasama ka parin, wala kang choice" parehas silang natawa sa tinuran nito maliban kay Louis
Tumingin siya dito, blanko ang ekspresyon nito pero nararamdaman niya na sa paraan ng pagkakatitig nito sa kaniya ay hindi ito sumasang-ayon na sumama siya sakanila.
"Anong masasabi mo Louis" naputol ang pagtitigan nila nang akbayan ito ng pinsan nitong si Adrian
"Para sa mga bata lang ang perya" he answered as he looked at her intently
"Ibig mong sabihin hindi ka din sasama gaya ni Adrian" pagmamaktol ni France
"Ano namang gagawin ko dun" depensa ni Adrian "tsaka sasamahan ka naman ni Fleur" may mapaglaro at makahulugang ngiting sumilay sa mga labi nito na para bang may nais itong iparating
Ang isa naman ay parang nakuha ang gustong iparating ng pinsan nito "So ibig sabihin ba niyan" naglakad ito palapit sa kaniya at walang sabi-sabing idinantay ang braso nito sa kaniyang balikat na kaniyang ikinagulat. Nagtataka siyang tumingin dito, kinidatan namang siya nito na para bang sinasabing sumakay na lang siya sa pakulo nila ni Adrian
"Kami lang dalawa ni Fleur ang magpupunta sa peryahan" makahulugan nitong saad na para bang may ipinaparating na hindi maganda kay Louis dahilan para sumama ang ekspresyon ng mukha nito.
Maslalo siyang hinapit ni France palapit sa katawan nito upang kunin ang atensyon niya tsaka siya nito binigyan ng say-something-look.
Ngunit hindi naman niya alam kung anong sasabihin lalo na at aware siyang nakatuon sa kanila ang mga nakamamatay na titig ni Louis habang nagtatagis ang banggang.
"So it's a date then" lalo pang ginatungan ni Adrian ang tensyong namamagitan sa kanilang tatlo. "Besides, you two look good together" dagdag pa nito.
Gusto niya na lang lamunin ng lupa nang mga oras na iyon, hindi niya din alam kung anong nakain niya at nagtapang-tapangan siyang salubungin ang nakakamatay nitong titig mabuti na lang at ito ang unang umiwas.
Tumingin ito sa relo nitong pambisig "I have to go" anito at tumayo sa kinauupuan nito.
"At saan ka naman pupunta?" Nagtatakang tanong ni France.
"I thought you're here for a vocation, don't tell me you have an office work to do" dagdag ni Adrian
He smirked "Who says it's an office work" he emphasized the word and with that he made his exit.
BINABASA MO ANG
Fireflies
RomanceIn life, you cannot have it all and for an almost-perfect-woman like Fleur, happiness is something that she cannot afford in her wealthy and luxurious life. Her intimidating father always reminds her that everything has a price, her happiness in exc...