Chapter 9

8 3 0
                                    

NANG gabi ding iyon ay dumating ang kaniyang ina galing ng Australia at agad nitong hinanap ang dalaga.

Ang totoo ay nakaramdam siya ng kirot habang pinagmamasdan ang papalayong bulto ni Fluer. Nakokonsensiya sa ginawa niya, alam niyang sumombra siya ng konti sa mga sinabi at inasal niya. Pero agad niya iyong sinupil, tama lamang iyon dahil niloko siya nito, nag sinungaling ito sa kaniya at dapat lang siyang magalit dito dahil pinagmukha siya nitong tanga. Kung tutuusin ay patas lang sila nito.

Ngunit, hindi niya inasahang maririndi siya sa kaniyang ina matapos nitong marinig ang usapan ng mga maids na kaya lumayas ang dalaga ay dahil sa kagaspangan ng ugali niya kaya naman nang tanungin siya nito ay wala siyang nagawa kundi sabihin ang totoo dito at dahil dun ay magdamag siya nitong pinagsabihan at sinabon ng salita.

Bwisit na mga maids iyon, binayaran niya ang mga iyon para magtrabaho at hindi para magchismisan. Matapos lang ang dramang ito ay nasisiguro niyang mananagot ang mga iyon sa kaniya.

Samantala, para matigil na ang kaniyang ina sa kakakuda, nang kinaumagahan ding iyon ay agad niyang pinahanap ang bwisit na dalagang iyon sa mga tao ni Phine. Thank God, agad naman nila itong nahanap.

Habang nasa kotse sila ng mommy niya at nagmamaneho papunta sa Condominium na tinutuluyan ni Fleur ay walang tigil sa pagkuda ang mahal niyang ina, na sa sobrang pagmamahal niya dito ay gusto na niyang itulak palabas ng humaharurot niyang kotse at ihatid sa langit.

"Sinasabi ko sayo, Louis pag may nangyaring masama kay Fleur kahit anak kita ibibitin kita patiwarik at puputulin yang agala mo kahit hindi na ako magkaapo!" Banta nito

"Ma! Pwede ba, magaling yung mga inupahan ko, kung patay na siya edi sana hindi tayo nagdadrive papuntang condo niya, edi sana nagdadrive tayo puntang morge" aniya na dahilan para hampasin siya nito ng handbag.

Sa ginawa ng kaniyang ina ay muntik na silang mabangga sa poste ng kuryente "Ma! Pwede ba wag kang masyadong O.A baka madisgrasya tayo" naiirita niyang saad dito

Inungusan lang siya ng ginang "Ang sabihin mo hindi ka lang talaga marunong magdrive"

Napabuntong hininga na lamang siya at binalewala ang kaniyang ina na parang manok na putak ng putak.

PANSAMANTALANG tumuloy si Fluer sa Condo na iniregalo sa kaniya ng mommy niya nung 18th birthday niya.

She is currently combing her hair when someone knocked on her door. Binuksan niya ito sa pag-aakalang ito na ang delivery boy na hininhintay niya. Umorder kase siya ng pizza for breakfast since tinatamad siyang magluto, only to find out na si Louis lang pala iyon.

Of all people ito pa talaga ang bubungad sa kaniya. Isasara na sana niya nang tuluyan ang pinto nang marininig niya itong napasigaw sa sakit.

"Aray!" Anito "Y-yung paa ko naipit! Aray!" Iniharang pala nito ang kaliwang paa para hindi niya tuluyang maisara ang pinto dahilan para maipit ito.

Niluwangan niya ang pagkakabukas ng pinto at humalukipkip habang pinagmamasdan ang binatang may pasa sa mukha, bitak ang labi, at nagtatalon habang buhat-buhat ang kaliwang paa na namimiliit sa sakit.

Nakaramdam siya ng kaunting awa para dito na agad niya ding sinupil. Makalipas ang ilang segundo ay tumigil na ito sa kakatalon at nakatayo na ng tuwid "Anong kailangan mo?" Naiirita niyang tanong dito.

"Bumalik ka na sa bahay" walang emosyon nitong sabi na wala man lang kabakas-bakas ng pakikiusap "Alang-alang kay mama pangako hindi na kita babastusin"

She laughed sarcastically "Alang-alang kay mama" pang-uuyam niya dito "How sweet" she faked a smile "Akalain mo yun may puso ka din pala" may pait sa kaniyang puso nang sabihin ang mga katagang iyon.

"Siguro nga galit ako sayo, pero para kay mama sige pagtatygaan kita" anito habang nagtitimping huwag mainis sa kaniya at baka maslalo siyang hindi sumama dito.

"There you said it!" She smiled bitterly "Galit ka nga sa akin" tumingin siya ng deretso sa mga mata nito "Bakit, Louis? Gaano na ba ako kahirap patawarin? Gaano na ba kalaki ang nagawa kong kasalanan sayo? Gaano na ba ako kasama huh? Gaano na ba kasama ang ginawa ko sayo para magkaganyan ka? Naging mabuti naman akong kaibigan sayo ah" Nanlabo ang kaniyang paningin dahil sa luhang namuo sa kaniyang mga mata na nagbabadyang bumagsak.

Wala itong imik at blanko ang ekspresyon na nakatingin sa kaniya.

"Walang araw na hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko sayo pero alam mo kung ano yung maspinagsisihan ko?" tuluyan nang bumagsak ang kaniyang mga luha "Yun ay ang nakilala at naging kaibigan ko ang isang walang puso at kaluluwang kagaya mo" idinuro niya ito at pinukol ng nakakamatay na titig, nakakamatay gaya ng sakit na mararamdaman niya sa kaniyang puso.

"Hija" pareho silang napatingin sa pinang-galingan ng boses -it is her ninang. "Please bumalik ka na sa bahay" pakiusap nito na may namumuong luha sa mga mata.

"Ma! Sabi ko sayo ako na ang bahala di-" Hindi nito pinansin ang binata.

Niyakap siya nito dahilan para matunaw ang pait at tampo sa kaniyang sistema "Alang-alang sa akin, Hija bumalik ka na sa bahay" tuluyan nang bumagsak ang luha ng ginang sa kaniyang balikat "Hindi na uulitin ni Louis ang ginawa niya"

Hinagod niya ang likod ng ginang at aksidenteng napatingin sa binata. Napabuntong hininga ito "Please, bumalik ka na, I promise not to treat you that way again" alam niyang napipilitan lang ito pero she knows that Louis is a kind of man who is always sincere and true to his promises.

Nagkatitigan sila ng binata at hindi naghiwalay ang mga titig nila hangang kumalas ang ginang sa pagkakayakap sa kaniya "Sige, pumapayag na ako" sagot niyang nakatitig parin sa binata.

FirefliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon